24

72 2 0
                                    

Nagising ako dahil may nararamdaman akong kakaiba sa aking mukha. Parang may nagte-trace ng kanya daliri sa aking mata, ilong, pisngi at labi.

Unti-unti akong nagmulat ng mga mata. A pair of beautiful brown eyes greeted me. Sorr smiled at me.

"Good morning." he said in a husky voice.

"Yeah. Good morning." I greeted him back.

Tumayo sya at nagsuot ng kanyang boxer shorts at isinunod naman nya ang kanyang pantalon.

"Anong gusto mong breakfast? I'll cook for you. Umupo sya sa gilid ng kama at inakbayan ako.

"Bacon and eggs are fine." sagot ko sa kanya. Tumango sya at hinalikan ang gilid ng ulo ko.

"Magbihis ka na. Magluluto muna ako." hinawakan nya ang aking kamay at pinagsalikop ang aming mga darili.

"I badly need a shower." I pouted.

Hinalikan nya agad ang nakanguso kong labi. Natawa ako. Childish.

"You can take a shower if you want. Magluluto muna ako, alright?" he said.

Hinalikan nya ang aking noo. Kinalas nya ang kamay nya mula sa akin. Nakaramdam agad ako ng panlalamig. Siguro ganito nga ang pakiramdam ng nagmamahal. Simpleng mga bagay para sayo noon ay nagiging malaking bagay na ngayon.

Lumabas sya ng pintuan nang nakangiti. Tumayo ako at iniligpit ang aking damit na nasa sahig. Pumasok na ako sa bathroom at iniwala ang sariling mga isipin sa tubig.

Pagkabihis ko ay agad akong bumaba sa kitchen. Naabutan ko si Sorr na nagtitimpla ng kape. Ngumiti agad sya nang magtagpo ang mga mata namin.

Umupo ako sa highchair. Ibinigay nya sa akin ang isang tasa ng kape. Agad akong humigop mula doon.

Masarap ang timpla nya. Tama ang tapang at tamis nito. Sunod naman nyang inilapag sa harapan ko ang isang platong naglalaman ng bacon, fried egg at french toast.

Tahimik kaming kumain. Nagmamasid ako sa buong kitchen nang magsalita sya.

"I love you." he whispered.

Agad akong napatingin sa kanya. Nanlaki ang aking mga mata. Nabingi ako bigla.

"W-What?" nauutal kong tanong.

"I said I love-" I cut him off. Tinawid ko ang kitchen counter para mahalikan sya.

"You don't have to say it again." I said. Breathless.

Ngumiti sya ng matamis sa akin at hinalikan muli ako. Bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa kanya. Alam ko na dapat kong sagutin ang sinabi nya pero hindi ko makuha ang tamang mga salita.

Nag-offer sya para ihatid ako sa condo pero dala ko ang aking kotse kaya hindi na ako nagpahatid pa. In no time nakarating na ako sa condo.

I parked my car. Tama na ang lugar kung saan ako nagpark. Nakita ko din ang guard ng building. Tabingi ang bow tie nito kaya inayos ko para sa kanya.

"T-thank you po, Ma'm" gulat na sabi nya. Tinapik ko lamang ang balikat nya saka sya nilagpasan

Pagpasok ko sa condo namin ay nakakarinig ako ng kakaibang mga tunog. Nanggagaling ito mula sa living room kaya nagtungo ako doon.

Sebastian is totally naked with a girl. May costume pa yung babae sa sahig na pangpainter. May props pa nga silang mga pintura and paintbrushes.

Tumigil sila sa kanilang ginagawa nang mamataan ako ni Sebastian. Nakuha nya pang ngumiti sa akin at hatakin pataas ang babae para tumayo mula sa pagkakaluhod nito.

"Katherine, what a pleasant surprise." hingal na bati sa akin ni Sebastian.

Tiningnan ko ang babaeng kasama nya. May pagkapayat ito, maputi at medyo mahaba ang buhok. Itinuro ko sya.

"You. Out. Now." I ordered.

Binalingan nya muna si Sebastian ngunit nagkibit balikat lang ang magaling kong kapatid.

Nakasimangot na dinampot ng babae isa-isa ang kanyang mga damit at lumabas na ng condo. Hindi man lang nagbihis muna bago lumabas. People these days.

Nagtakip naman mg throw pillow si Sebastian. Ngumiti lamang sya sa akin ng nakakaloko.

"Who's that girl this time, Sebastian?" I asked him.

"I think her name is Joan? I don't really remember. Nakita ko lang sya kanina sa bookstore." he said. Still wondering kung tama ba ang pangalan noong babae. Poor girl.

Nakatayo pa rin sya doon. Pinagtaasan nya ako ng kilay at nginitian ako ng nakakaakit. "Care enough to accompany me?" kahit ang boses nya ay nakakaakit din.

"No, thank you. I'm good." matabang na sagot ko sa kanya.

Umupo si Sebastian sa sofa at pinaglaruan ang pinturang nasa bote. "Nahanap mo ba ang lover boy mo?" he asked me. Paglilihis nya ng usapan. Nakatingin sya sa boteng naglalaman ng kulay asul na pintura.

"Yes." maikling sagot ko sa kanya. Nag-angat sya sa akin ng tingin.

"And?" pang-uusisa nya pa.

"And we did it. We made love." I answered him bravely.

Nabitawan ni Sebastian ang boteng hawak nya kaya tumapon ang laman nito sa carpet.

"What? Did I heard it right, Katherine? You made what?" he said. His tone was sarcastic.

"We made love. I am in love with him, Sebastian." banayad na bigkas ko.

Bumuga ng hangin si Sebastian. Tumingin sa paligid at bago ako tingnan.

"Plano kong sabihin sa kanya lahat-lahat. Gusto ko malaman nya yung totoo." sabi ko. Tinitigan nya lang ako bago tumawa ng malakas.

"He will hate you, Katherine. Sa reputasyong meron ka, hindi ka nya matatanggap. And what about the other people? Naging mahina ka dahil sa kanya. Iisipin ng mga tao na bumigay ka sa isang boring and senseless na lalake. I don't think yun ang gusto mong isipin nilang lahat." pagsasalungat ni Sebastian sa akin.

"Ipapaliwanag ko ng maayos kay Sorr ang lahat. I have my reputation and I am not proud about it, Sebastian." matigas na sabi ko. Umiling lamang sya.

"You can't change in just one night, Katherine. You and I both know that. Lahat ng sinasabi mo ngayon, it's bullshit. Hindi mo matatanggal ang nakasanayan mo na ng isang gabi lang. Your reputation is all you have. It is who you are." Sebastian said in finality.

Tinalikuran ko si Sebastian ng walang imik. Pumasok ako ng aking kwarto. Halos matulala ako sa mga narinig ko. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa mga sinabi ni Sebastian.

Tama sya. Tama sya sa lahat ng sinabi nya. Hindi ko kaya magbago sa loob ng isang gabi. Ako pa rin ang Katherine na madumi kahit pa mahal ko si Sorr. Hindi mababago nito kung sino ako, kung ano ako.

ConquestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon