Iginala ko ang piningin ko sa bahay ni Mrs. Isabelle Fuentes, ang ninang ko. Nalaman ko sa kanya na dumating na si Sorr de Vega Montero.
I decided na mag-horseback riding muna dahil baka naglilibot pa sa mansyon si Ninang Isabelle at ang kanyang panauhin.
Nagsuot ako ng tamang kasuotan para sa aktibidad. Palagi akong nandito sa bahay ni Ninang Isabelle kaya may mga damit at gamit akong naiwan.
Sumakay ako sa kabayong kulay puti at nilibot ang hacienda ng mga Fuentes. Malawak ang lupain nila at may mga taniman pa sila ng mga prutas. Nag eexport din sila ng mga prutas sa ibang bansa.
Nang bumalik ako sa bukana ng hacienda ay namataan ko si Ninang Isabelle kasama ang isang maputing binata. He is wearing black polo, maong pants and black sneakers. Matangkad, may pagkachinky ang mga mata at mukhang matalino.
Bumaling ang binata sa akin at lumapit. Hinawakan nya ang aking bewang at tinulungan nya ako makababa sa kabayong sinasakyan ko kanina. Gentleman sya walang duda.
"Thank you." bulong ko sa kanya. Ngumiti lamang sya sa akin.
Binalingan ko si Ninang Isabelle na ngayon ay papalapit na sa akin. "Ninang! God, I missed you! Ilang linggo tayong hindi nakapagkita." excited na sabi ko.
Niyakap ako ni Ninang Isabelle at hinalikan ang magkabilang pisngi ko. "I missed you too, dear. Naging busy ako noong nakaraang linggo at pinaghahandaan ko nga ang pagpunta dito ng bisita. Oh wait, Sorr. Come here."
Naramdaman kong may tao na sa likod ko kaya nilingon ko sya. Binigyan ko sya ng isang matamis na ngiti. Binalingan ko si Ninang Isabelle na ngayon ay nagsasalita na.
"Sorr, I would like you to meet my favorite inaanak, Katherine Istaneo. And Katherine this Sorr de Vega Montero. He is my special guest. His father will be your future Dean sa university."
Naglahad ng kamay si Sorr. "Nice to meet you, Katherine." malalim ang boses nya. I wonder kung ganito din magiging kalalim ang boses nya kapag nasa kama na kami.
"Nice to meet you too, Sorr." tinanggap ko ang kamay nya. Mainit ang palad nya at pinisil nya ng dalawang beses ang kamay ko bago pakawalan.
"Ikaw na muna ang bahala kay Sorr, Katherine. I have some errands to do." nakangiting sambit ni Ninang Isabelle sa akin.
"Sorr, iho. Feel at home ha?" hinalikan ni Ninang Isabelle si Sorr sa magkabilang pisngi at ganun din ang ginawa nya sa akin.
Naglahad naman ng braso si Sorr. Pinagtaasan ko sya ng kilay ngunit ngumiti sya. "Your heels are quite high. Baka madapa ka." napatingin ako sa heels ko. Hindi naman ganun kataas ah?
"Mababa pa yan. But okay, I'll accept your offer." humawak ako sa braso nya bago naglakad na kami papasok sa loob ng mansyon.
"So, your father will be our Dean? Sa university ka din ba mag-aaral?" I asked him. Nasa hagdan na kami at inaalalayan nya ako humakbang. I want to roll my eyes. What a gentleman.
"Yes. Doon din ako mag-aaral. We moved here last week. Ngayon lang ako nakapunta dito kina Tita Isabelle dahil may mga inayos pa si Dad." mahinahong sagot nya. Malalim ang boses nya pero hindi nakakatakot.
Umupo kami sa sofa. Magkatapat kami. Nag-serve ng juice ang maid. Nakatingin lamang sya sa akin na parang sinusuri ako.
"I've seen you. Sa magazine. You like music? Marunong ka magplay ng instruments?" I asked him na parang interesado ako sa sagot nya. He's boring.
"Yeah. I can play guitar, piano, violin and flute. I can sing as well." he said. Sa tono nya ay palagay ko natatanong na ito talaga sa kanya lagi.
"Any interest with something else? Ano pa ba mga ginawa mo?" I asked him again. Kinuha ko ang baso ko na may lamang juice at mabagal ko dinala sa aking labi. Saka uminom ng unti-unti while intently looking at him.
Nag-iwas sya ng tingin sa akin and shifted his position sa sofa. Really? Pag-inom pa lang ang ginagawa ko. Paano kung may gawin pa ako sayong mas higit pa doon. I want to laugh at him pero pinigil ko.
"I write some short stories. I paint too. You know, the boring stuff." he said. Inililibot nya ang paningin nya.
Ibinaba ko ang baso sa mesa at doon pa lang nya ibinalik ang tingin nya sa akin. "Arts huh? Who says it's boring? I would really like to read some of your stories." sagot ko sa kanya.
"Alam ko ang ginagawa mo." he said. Umupo sya ng maayos para makita ko ang mga mata nyang mas lalong lumiit.
"What? Ano bang ginagawa ko?" I asked him innocently. Come on. My sweet little voice will make you fall for me.
"Someone told me to stay away from you. That you are dangerous. And seductive as freaking hell. You have this reputation about boys." sagot nya sa akin. Sa tono nya parang na-figure out nya agad ang plano ko.
Who the fuck was that? Nasiraan na agad ako. I'm not saying na hindi totoo but what the fuck? Hindi dito masisira ang plano ko.
"Who told you that? Reliable ba yang source mo? I am nothing but a good girl, Sir." I acted like I was hurt. Nakita kong lumabot ang features nya. He shook his head then stood up.
"I can't drop names. I have something else to do. If you'll excuse me." tinalikuran nya na ako at naglakad na sya palayo. I stood up.
"What are you afraid of? You have a girlfriend. You're faithful to her. You love her. Yun ang sinabi mo sa magazine interview mo. Bakit mo ako lalayuan?" I asked him in a loud voice. Nanghahamon.
"Kailangan ko lang mag-ingat. May isa akong napatunayan tungkol sayo. You are seductive. I don't want to meddle with seductive people." sagot nya na hindi man lang ako nililingon. I smiled because of his little confession.
Tiningnan ko lang ang malapad nyang likod na mawala sa piningin ko. He admitted that I am seductive. He finds me attractive. This is going to be so exciting.