Ilang araw din akong hindi nagpunta sa mansyon ni Ninang Isabelle. Ilang araw ko na ring hindi nakikita si Sorr kaya naman napagpasyahan ko na doon matulog ngayon.
Tahimik ang paligid nang dumating ako sa mansyon. Agad akong dumiretso sa silid na nakalaan para sa akin. Nagpalit ako ng pangtulog na damit.
Naisipan kong tawagan ang teleponong nasa kwarto ni Sorr. Is he still disappointed? Sentsitive nya naman pala kung ganoon.
Dinampot ko ang telepono. I dialed the digits. Agad nagring ito. Sa pang-apat na ring ay sinagot ni Sorr ang telepono.
"Hello?" husky na boses na bungad sa akin ng nasa kabilang linya. Hinigpitan ko ang hawak sa teleponong nasa may tainga ko.
"Hi. Uh. Naiwan ko ba jan yung eyeglasses ko?" kinakabahang tanong ko. Napapikit ako. I realized my stupid stunt. Halos mapamura pa ako.
"No, Katherine. You didn't." he answered me in a low voice after the long silence.
Bumuntong hininga ako. "Okay. I just thought naiwan ko jan. Thanks." matamlay na pagpapaalam ko sa kanya.
Mukhang nagalit ata sya sa akin ng husto dahil sa nangyari noon sa pool. Sensitive nga siguro sya sa mga ganung bagay. Mahihirapan akong kunin sya.
"Hindi naman talaga yun ang dahilan kung bakit ka tumawag, hindi ba?" nagdududang tanong sa akin ni Sorr.
Huminga ako ng malalim bago sumagot. I think he's giving me another chance. "Yeah. Actually I want to apologize about what happened the last time we talked." sincere na paghingi ko ng tawad. I think, I was really sincered when I said those words.
Nakakabinging katahimikan ang isinukli nya sa akin. Gusto kong ibagsak ang telepono dahil sa ginagawa nyang pananahimik.
Ilang sandali pa ay tumikhim sya. "Okay. Apology accepted." pormal na sabi ni Sorr. Napangiti ako dahil mukhang okay na.
"So, I guess. I'll see you tomorrow?" I hopefully asked him.
"Definitely, Katherine. Tomorrow then." nahimigan ko ang ngiti sa boses nya. I didn't realized I was smiling too.