17

76 2 2
                                        

Maaga akong gumising para magswimming sa pool. Bumaba ako para magtungo sa pool side. Nadaanan ko pa si Ninang Isabelle na inilalagay ang mga fresh flowers sa isang magandang vase.

Ibinaba ko ang phone, earphones, towel at isang tube ng sunblock sa isang sunbathing lounger. Hinubad ko ang aking robe. Nakasuot ako ng black two piece.

Umupo ako sa sunbathing lounger at inilagay sa tainga ko ang earphones para magpatutog. Kinuha ko din ang sunblock upang makapaglagay na sa aking katawan.

Music calm me down and saves me in a fucked up silence. Lalo ko pang nilakasan ang volume.

Tumunghay ako nang pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Naabutan ko si Sorr na nakamasid sa akin. Ngumiti agad sya nang magkasalubong ang mga mata namin.

Tinanggal ko ang earphones ko. Nagsimula akong maglagay ng sunblock sa kaliwa ko namang braso.

"You look like a pervert, Mr. de Vega Montero." I said. Sumulyap ako sa kanya at kumunot ang noo nya.

"I'm not. Kasalanan ko bang nandito ka at napadaan ako dito." defensive na sagot nya. I smirked at him.

"Grumpy pervert." I laughed.

"I am not. Stop it, Katherine." he hissed. Lalo akong natawa sa kanya.

"Just help me out. Lagyan mo ako ng sunblock sa likod ko." iwinagayway ko sa kanya ang tube ng sunblock ko. Tinaasan nya ako ng kilay.

"Why would I do that? I'm a grumpy pervert, right?" nang-aasar na sambit na. Natawa muli ako.

"Inaamin mo na ba?" tanong ko. Kumunot muli ang kanyang noo. Halos mawala ang kanyang mga mata.

Nagmartsa sya patungo sa akin. Hinalbot mula sa kamay ko ang sunblock. Pumwesto sa likuran ko at idinampi sa balat ko ang malamig na lotion.

Napangisi ako. I told you. Challenging him can lead me into something. Banayad nyang minasahe ang likod ko. Halos mapapikit ako sa ginagawa nya. Nakakarelax.

Diniinan nya ang pagpisil sa parte ng balikat ko. Napadaing ako dahil nakuha nya ang gusto kong parte. Kay sarap sa pakiramdam. Ang galing nya magmasahe.

Nilisan ng mga kamay nya ang likuran ko. Tumayo sya at paalis na sana. "Why don't you join me?" pag-aya ko sa kanya.

"No, thank you." matatag na sabi nya. Ngumuso ako.

"Please? Join me. No kissing. I promise." itinaas ko ang aking kanang kamay at umiling ng dalawang beses.

Tinitigan nya ako. Marahil ay sinisigurado nya kung tunay ba talaga ang sinasabi ko saka sya bumuntong hininga.

"No kissing?" ulit nya ng rule na sinabi ko. Tumango ako.

"Yes. No kissing unless you want to." I smiled at him seductively. He just shook his head.

"Magpapalit lang ako ng damit." he announced. Ngiting tagumpay naman ang pumalit sa aking mukha.

Tumayo na ako para maglangoy sa pool. Malamig pa rin ang tubig. Mabuti at hindi pa tirik ang araw.

Lumubog ako sa tubig. Tinungo ko ang kabilang dako ng pool. Hindi gaanong mahaba ang pool pero malawak naman ito.

Nagpalutang ako pabalik sa kabilang dako. I closed my eyes. Masarap sa pakiramdam na nasa tubig ka lang. Hinihiling ko nga minsan na madala ng tubig ang ilan sa mga kasalanan ko pero alam kong imposible yun mangyari.

May biglang tumalon sa pool malapit sa pwesto ko. Nawala ang balanse ko habang nagpapalutang kaya napalubog ako.

Namataan kong may lumalangoy papalapit sa akin. Hinuli nya ang bewang ko. Sumigaw ako sa ilalim ng tubig ngunit bula lang ang lumabas sa bibig ko. Iniahon nya ako mula sa tubig.

Dumagundong ang tawa ni Sorr sa tainga ko. Hawak nya pa din ang bewang ko habang ako ay nauubo. Nakainom ata ako ng tubig mula sa pool.

I smacked his chest. Sinamaan ko sya ng tingin habang tumatawa sya ng malakas. "Jerk! You almost killed me!" I hissed.

"Sorry. I want to surprise you." natatawa nya lng sagot.

His laugh made me smile. Ang gaan nya lang kasama. I don't know. Napailing na lang ako. "Douche." I whispered.

ConquestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon