Umuwi ako ng condo kinabukasan ng umaga. Hindi ko pa kayang harapin si Sorr pagkatapos ng mga nangyari kagabi.
Wala ako sa sarili nang pumasok sa loob ng condo. Papasok na sana ako sa aking kwarto nang marinig ko ang halinghing sa loob ng kwarto ni Sebastian.
Kumunot ang noo ko. Lumapit ako sa may pinto at lalong lumakas ang daing. Napangisi ako. Tatlong beses akong kumatok ng malakas sa pintuan.
"Give me a sec!" nagpapanic na sigaw ni Sebastian. I heard some noise. May bumagsak pa nga ata?
"Come in!" sigaw ulit ni Sebastian na parang hinihingal sya. Agad kong binuksan ang pintuan.
Bumungad sa akin si Sebastian na tanging pantalon lamang ang suot. Nakaupo sya sa may gilid ng kama. Pinagtaasan ko sya ng kilay.
"Anong pinagkakaabalahan mo?" tanong ko sa kanya.
"Nothing." he gave me his most innocent look. Now, I don't believe him.
Binalingan ko ang walk in closet ni Sebastian nang makarinig ako ng kalukos galing doon. Nilingon ko naman ulit si Sebastian at ngumiti ng nakakaloko saka nagkibit balikat.
Tinungo ko ang walk in closet at binuksan ang pinto nito. Tumambad si Sasha na ang tanging suot ay bra at underwear lamang. Binalingan ko ulit si Sebastian.
"Really? Umagang umaga?" sarcastic na tanong ko. Ngumiti lamang sya.
Tiningnan kong muli si Sasha. She gave me an awkward smile. Hindi ako ngumiti pabalik.
"Get out. Now." I ordered.
Agad nya akong nilagpasan dala ang kanyang mga damit at dumiretso sa pintuan para lumabas ng silid.
"Call me, babe!" Sebastian yelled in a glee. I shook my head.
"How are you? Nagawa mo na ba?" Sebastian asked me. Depina ang kanyang muscles sa katawan. Nakaigting din ang kanyang panga na lalong nagpagwapo sa kanya.
"I almost fuck him last night." I answered him. Kumunot ang noo nya. Dumilim ang mukha.
"Almost? Hindi mo itinuloy." pagkukumpirma nya sa sarili nyang tanong.
"I can't. Noong nakita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata nya. Nagbago ang isip ko." hanggang ngayon naaalala ko pa din kung paanonpumalibot sa mga mata ni Sorr ang pagdadalawang isip.
Humalukipkip si Sebastian habang tinititigan ako. Saglit syang natigilan at umiling. He look disappointed.
"You're in love with him, Katherine." he said. Nasa boses nya ang kasiguraduhin. Tumawa ako ng malakas sa sinabi nya.
"You're kidding, right? Ayoko lang na may nakikita ako na nagdadalawang isip sya sa gagawin nya. I don't want to fuck anyone who is not willing to do it. It's called rape, Sebastian." pagpapaliwanag ko sa kanya ngunit nanatili ang pagkadismaya sa kanyang mukha.
"If you don't want to believe me, then don't." iritado kong sabi. Tinalikuran ko sya at nagtungo na sa pintuan para lumabas ng kanyang kwarto.
"If you saw your face while saying those words. You wouldn't blame me for not believing in you. Kahit sarili mong mga salita pagdududahan mo." he said.
Lumabas ako ng pintuan kahit narinig ko ang mga sinabi nya. Agad akong pumasok sa aking kwarto. Huminga ako ng malalim at ipinikit ang aking mga mata. I realized, his words struck me.
