Epilogue

143 4 3
                                    

Inabot na ako ng umaga na nag-iintay dito ngunit walang Sorr na dumating. Marahil nasa loob talaga sya ng bahay pero ayaw nya lang ako makausap.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko mula sa pavement. Nagliliwanag na ang kalangitan. Mamaya na lang siguro ako babalik. Wala pa akong tulog at masama na ang pakiramdam ko.

Naglakad na ako palayo ng bahay. Iniisip ang mga pagkakamaling nagawa ko. All this time hindi ko tinatanggap ang katotohanan na mahal ko si Sorr. Ngayon na nawala na sya sa akin, ngayon ko narealize lahat.

Sa pagmamahal ata ay kailangan mo muna mawalan bago mo pahalagahan kung ano man yung nawala sayo. It's fucked up pero nangyayari palagi.

May ilang mga sasakyan na rin ang nagkalat sa kalye. Gusto kong maglakad-lakad, just to clear my head.

Huminga ako ng malalim. I really love him. Kung hindi man nya ako tanggapin kapag nalaman nya na ang lahat, siguro ay uulit ulitin ko pa din na mahal ko sya. Kung nabasa nya man ang journal ko sana ay payagan nya din akong magpaliwanag.

Nasa tapat na ako ng park nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Oh, hey Sasha." matamlay na bati ko sa kanya.

"Is it true, Katherine? You fucked Aldrey? Sebastian told me everything." galit na sinabi nya.

Bumuntong hininga ako. "Sasha, now is not the right time for this. I have to-" she cut me off.

"Totoo ba? You fucked him?!" sigaw nya sa akin.

"Yes, but-" hindi ko na naituloy ang gusto kong sabihin dahil agad nya akong sinugod.

Sinampal nya ang aking kanang pisngi. Napasinghap ako dahil sa lagitik nito. Fuck. I don't deserve that. Wala syang alam sa mga nangyayari.

Agad akong gumanti ng sampal pabalik, mas malakas at mas masakit kumpara sa natamo ko. Hinawakan nya ang kaliwang pisngi nya at napanganga sa nangyari.

"How dare you!" she yelled at me.

Hinigit nya ang aking buhok at isinubsob ako pababa saka hinigit ulit ang buhok ko pataas. Fuck. Mahapdi sa anit ang ginagawa nya.

Hinigit ko naman ang skirt na suot nya. Agad syang napabitaw sa buhok ko. Tumayo agad ako.

"Wala kang alam sa mga nangyari! Ano bang sinabi sayo ni Sebastian?!" tanong ko sa kanya.

"He told me everything." siguradong sagot ni Sasha at sinugod ulit ako.

Hawak namin ang buhok ng bawat isa. Halos marindi ako sa ingay na nanggagaling sa bunganga nya.

"Katherine!" sigaw ng isang lalake sa di kalayuan.

Ilang minuto pa ay may humigit sa braso ko at pinaghiwalay kami ni Sasha. Hawak ni Sorr ngayon si Sasha at pipigilang makalapit sa akin.

"Enough!" sigaw ni Sorr kay Sasha.

Hinihingal akong dumistansya sa kanila. Nakaramdam ako ng kalmot sa aking braso. Fuck.

Itinulak ni Sasha si Sorr sa kalsada para sigurin ako. Nanlaki ang mga mata ko dahil namataan ko ang isang kotseng humaharurot sa direksyon ni Sorr.

Napalingon din si Sasha dahil sa ibinigay kong reaksyon. Agad akong tumakbo papunta kay Sorr at itinulak sya.

Wala ako halos naramdaman. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakahiga sa kalsada. Namamanhid ang mga binti. Nahihilo.

Hinawakan ni Sorr ang ulo ko. Natataranta syang kinandong ako. "Katherine! Fuck! You're bleeding!" nakita kong puro dugo na ang kamay ni Sorr.

"Yeah. It's okay. Ganun naman kapag nababangga di ba?" ngumiti ako ng tipid sa kanya ngunit hindi sya ngumiti sa aking biro. Nakaramdam ulit ako ng kirot sa aking ulo.

"N-Nabasa ko na yung journal mo. I believe in you. I love you, Katherine. Please. Kailangan na nating pumunta ng ospital." nakita kong namumula ang mga mata nya.

Pumikit ako at dahan-dahang umiling. I know. I can't make it. Dumilat ako at nakita kong may luha na sa kanyang mga mata.

"I love you." I whispered.

Nararamdaman kong hinihila ako ng antok. Marahil sa sakit ng ulo at pagkahilo na nararamdaman ko.

I felt everything is fading away. I didn't know I was the one who is fading.

Ang sabi nila, kapag daw namamatay ang isang tao ay may binabaon kang alaala sa kabilang buhay. Ang ilang alaala naman ay nawawala.

Gusto kong baunin ang alaala na kasama ko si Sorr. The things we shared, the lessons we learned and the feelings we felt.

Hindi ako nagsisisi na nakilala ko sya. Yung memories pa lang na kasama ko sya, napakaswerte ko na.

I don't care about anything else. The memories I have, yun ang hindi makukuha ng sino man sa akin. Ang pakiramdam na kausap sya, ang pakiramdam na nakikinig ka lang sa kanya at ang pakiramdam na nahuhulog ka. Hindi nila mabubura.

Kung mamatay man ako ulit sa ganitong sitwasyon, sasagipin at sasagipin ko pa rin sya. I would end up dying for him rather than see him die using my own eyes.

Siguro ganun ko talaga sya kamahal. Kahit na hindi malinaw noong una. Kahit pinipigilan ko, hindi ko pa rin nakaya.

Pinilit kong imulat ulit ang aking mga mata. Sa huling pagkakataon, gusto ko syang makita. Those beautiful breathtaking eyes, crying again for me.

I smiled at him. Not seductive, sweet, nor fake smile. I just smiled.

Kinagat nya ang kanya pang-ibabang labi. Tumango sya ng dalawang beses at ngumiti din sa akin. Somehow, I forgot how to breathe.

ConquestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon