Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa mga iniisip ko. Pinipigil ng puso ko yung gustong gawin ng isip ko. Naguguluhan na ako sa sitwasyon.
Lumabas ako ng aking silid na bihis na bihis. My little black dress and my black pumps are stunning. Inayos ko ang aking buhok na nakatabing sa aking mukha.
Nasa living room si Sebastian. Hindi sya nagsalita ngunit ngumiti sya ng malademonyo. Hindi ko sya inintindi at lumabas na ng condo.
Nag-isip ako ng malalim habang nagmamaneho. Sa maikling panahon na nakilala ko si Sorr ay madami akong natutunan.
Ang buhay ay hindi isang laro. Kailangan mong mamuhay dito para maging maayos ang sitwasyon mo.
Siguro nga ay sa isang laro nag-umpisa ang lahat ng ito, kaya ko sya nakilala, kaya ako napalapit sa kanya ngunit sa proseso ng sarili kong laro ay minahal ko na sya.
The joke was on me. Ako ang nahulog sa sarili kong bitag. Napangiti ako ng mapakla.
Tumigil ako sa pamilyar na kulay asul na bahay kung saan ako nagpunta kagabi. Inayos ko ang aking buhok bago ako lumabas.
Nagdoorbell ako. Agad lumabas si Sorr para pagbuksan ako ng gate. Matamis na ngiti ang iginawad nya sa akin. Hindi ako ngumiti pabalik. Halos mawasak ang puso ko.
Nawala ang ngiti ni Sorr at napalitan ito ng pagkalito. Pinapasok nya ako sa loob ng bahay.
"Hey, what's wrong?" malambing na tanong nya. Hinawakan nya ang siko ko ngunit iniiwas ko ang aking sarili sa kanya.
"We need to talk." seryoso kong sambit. Lalong naging malinaw ang pagkalito sa kanyang mukha.
I inhaled some air. Palagay ko kapag hindi ako lumanghap ng hangin ngayon ay malalagutan ako ng hininga dahil sa kirot na nararamdaman ko sa puso ko.
"Kailangan na nating tapusin kung ano man ang meron tayo. I'm done with you, Sorr de Vega Montero." I said in finality.
Marahas syang huminga. Umiling at tinalikuran ako. Muli syang humarap sa akin. Ang mga mata nya, kitang kita ko ang sakit mula dito.
"What are you saying? Tinatapos mo na? Bakit?" litong-lito pa rin na tanong nya. Nanginig ang boses nya.
"You're just a bet. My conquest. Isa ka lang challenge na dapat kong tapusin. Nagawa ko na ang kailangan kong gawin. We're done." walang emosyon na sambit ko.
Hinawakan nya ang dalawang siko ko. Tinitigan nya ang mga mata ko. Hindi pwedeng umiwas ako ng tingin sa kanya ngunit hindi nya rin maaaring makita kung gaano ako nasasaktan sa kabila ng lahat.
"I don't believe you. I saw it last night, Katherine. I saw the fucking love in your eyes last night!" sigaw nya sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko kayang makitang mamula ang kanyang mga mata sa harapan ko. Ayoko syang makitang umiyak sa harapan ko. Hindi ako pwedeng manghina. I am my reputation. Hindi pwedeng mabali kung ano man ako para lang sa kanya.
"I also faked that." I whispered.
Binitawan nya ang pagkakahawak nya sa akin. Tinalikuran nya ako. Bahagyang tumingala sya ay nagpunas ng luha.
"I thought you're the one for me, Katherine. I am in love with you. Akala ko ganun din ang nararamdaman mo para sa akin. Pati pala talaga emosyon napepeke na ngayon. Pinaglaruan mo lang ako. Nagkamali ako sayo. My whole life, tama ang lahat ng ginagawa ko. Akala ko kasama ka doon pero mali ako." humarap sya sa akin. Pulang pula ang kanyang mga mata. "I-Ikaw lang ang naging mali sa buhay ko." his voice cracked.
Tiningnan ko ang mata nya. Mga mata nyang umiiyak dahil sa akin. Unti-unting nawawasak ang puso ko sa tanawin na ito. How beautiful yet heartbreaking view.
"I-I'm sorry." nanginginig na sambit ko. Pinipigil ang luhang nagbabadya sa aking mga mata. Umiling lamang sya at muli akong tinalikuran.
"You should leave, Miss Istaneo." mariin na pagbigkas nya.
Nanghihina akong lumabas mula sa bahay. Halos takbuhin ko ang distansya papunta sa kotse ko. Agad akong pumasok sa loob.
Hinihingal akong pumikit. Ang kaninang nagbabadyang mga luha ay agad na bumuhos. Halos mapunit ang pang-ibaba kong labi sa kagat ko para maibsan ang sakit na nararamdaman ko.
May kahulugan na ako sa buhay nya. Ako ang naging mali sa buhay nya. Ang hindi nya alam, para sa akin ay sya ang pinakatamang nagawa ko sa buong buhay ko ngunit sa maling pamamaraan nangyari ang lahat. Wala akong nagawa kundi damhin ang kirot at pagkabigo sa puso ko.
