Chapter 1: Andrei Cortez

67 1 0
                                    

Kali's POV.

"Hoy Kali! Bilisan mo naman maglakad, late na tayo sa practice ng cotillion oh!" Sigaw ni Jace, yung best friend ko.

"Oo na, eto na.. nakakatamad naman kasi!" Dabog ko. Eh nakakatamad naman talaga no! biro mong 1:00 ng tanghali, tirik na tirik yung araw tapos sa gym pa kami tapos ----

Wait lang ha. Tama ba yung naisip ko?! O.O

Oo sa gym kame! Omg omg omg it means makikita ko si ----

"Oy crush mo oh!" Tsaka tinuro ni Jace si..

Siniko niya ko "Uuuuy si Andrei!" Kutya pa niya.

Kahit kailan talaga si pahalata tong bespren kong to. Uupakan ko to mamaya.

At oo, yan si Andrei Cortez ng campus namin. Matangkad, sobrang tangkad, moreno, mahahabang pilikmata, pamatay na smile at sobrang pungay na mata. Shempre, given na gwapo siya. Hindi lang gwapo ha. Gwapong gwapong gwapo ----

"Laway mo tumutulo" Hindi ko napansn, nakatulala pala ako at nasa entrance na kami ng gym.

"Kasama ba siya sa cotillion?!" Pabulong kong sinabi kay Jace. Actually sa sarili ko, narinig lang ng mokong.

"Eh kung tanungin mo kaya!"

Bago pa ko makasagot, tinulak na ko ni Jace kay Andrei na ngayon ay nasa drinking fountain.

"Ow!"

Napalakas yung pagtulak sakin ng lokong Jace na yun at mahuhulog na sana ako ng may dalawang kamay na humawak sa balikat ko.

"Aaaaaaaaah!"

Kabukas ko ng mata ko, it's like 4 inches away lang ang mukha ng isang anghel sakin.

Wait.

Nasa langit na ba ako?

Namatay na ba ako?

Nabagok ba yung ulo ko?

Omg pano to eh hindi pa nga nagiging kami ni Andrei, mamamatay na ako?!

Ay. Si Andrei pala to. At naka smirk siya!

Tinayo niya ako tsaka niya inabot yung bag ko na nahulog.

"Mag iingat ka kasi" Nakangiti niyang sinabi atsaka niya ginulo yung buhok ko.

Hinawakan. Ni. Andrei. Cortez. Yung. Buhok. Ko. Shit. Shit. Shit.

"Ah. Heehee. Pasensya ka na, to kasing si Jace, excited na magpractice" ^^

Tumango lang siya at ngumiti, tapos aalis na sana siya ng biglang..

"Drei! Hey, mag cocotillion ka ba?"  Tanong no Astra habang naka kapit sa braso ni Andrei.

Lakas ng loob kumapit ah.

Linta!

"Hindi. Boring lang ng prom, di naman ako mag aattend" Tsaka na siya nag lakad paalos.

Aray naman. So para saan pa yung pagpapaganda ko sa prom? Hindi naman niya ako makikita -___-

Pareho kaming istura ni Astra. Mga mukhang nabagsakan ng hollowblocks.

Bigong bigo.

3 hours yung practice. Grabe nakakapagod ha! Sobrang sakit na nga ng paa ko eh. Nagkapaltos na.

Kaya pagka uwi ko sa bahay, agad ligo at tulog na.

Kinabukasan..

11:30 am na ako nagising. Sakto lang kasi 1:00 pa naman yung practice ng cotillion. Last practice na so for sure sagaran to. Haaaay.

Ang bagal kong naliligo tapos bigla kong naalala na may training ng basketball sina Andrei! Omg makikita ko sha!

Dali dali naman ako nagbihis at dumiretso sa school.

Naghihintayan pa at napansin kong nagbreak yung basketball team.

Tingin tingin rin sa paligid..

Hala. Asan si Andrei?

Napansin ko si Matt, kateam ni Andrei.

"Bakit wala captain ball niyo?" Ang aking not-so pa-obvious question.

"Ah Nagpunta sa Manila kasi nag laro siya dun kasi kinukuha siya ng malalaking universities for college" Tsaka na siya umalis.

What. The. F??!?!?!?!?!

Lord bakit naman ganun? Wala namang ganyanan oh.

Lalayo si Bebe Andrei ko?

Eh maganda naman yung offer ng University namin sakanya for college ah?

Pero siguro mas maganda yung offers ng universities sa Manila.

Haaaaaaaaaaaaay.

Ang malas mo talaga sa mga lalake, Kali.

Nakahiga na ko ngayon sa bed ko..

Alangan namang sa bed ni Andrei diba? Hahahahahaha ano ba nag dadrama pala ako.

Nakakainis naman.

Hindi na nga mag aattend ng prom si Andrei, sa Manila pa siya for college.

Haaaaaaaaay.

Nakakadepress.

Pano na yung love story namin?

Once upon a time pa lang tapos..

The End na nga agad? :(

Forever and Always.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon