Chapter 7: Summer.

56 1 0
                                    

Kali's POV.

Summer na and grabe ang init tsaka nakakainip.

Haaaay.. ano na bang oras?

9:00am pa lang.

Eh mga 11:00 pa dadating yung sundo ko.

"Ayos na ba yung mga gamit mo?"

"Ay jusko anak ng tutubi!"

To namang si Kuya Krysler eh! Uso kumatok! Huhu.

"Nanganganak yung tutubi?"

"Malay?" Sabi ko.

Inaayos ko yung bag ko. Pupunta kasi kami sa resort tapos overnight.

"Baka puro boys ang kasama jan ha"

"Ha? Hinde no Kuya. Anjan sila France, Liz tsaka Poppy tsaka yung iba pang girls. Anjan rin naman si Jace eh, di ako papabayaan nun" Tsaka ako nag thumbs up.

"Osige ayusin mo na yan tapos maligo ka na ang baho baho mo na oh, tawagin na lang kita pag anjan na yung sundo mo" Tsaka ako kinindatan ni Kuya.

Binato ko siya ng pillow "Kuya naman eh!"

After an hour natapos na ko maligo, nagpatuyo ako ng buhok.

Time check: 10:00 pa lang.

Isang oras pa. Haaaaaaaaaay..

Nahiga muna ako sa bed ko tapos kumuha ng book, basa basa tapos..

"Hoy Kalishanda gising!"

"Hmmm.." nag unat ako.

Tapos bigla bumagsak ako sa sahig.

Wtf?

"Aray kuya pwede naman kasi ako gisingin ng maayos eh!"

"Kanina pa kita ginigising ng maayos"

"Ano ba kailangan mo?"

"Yung sundo ---- "

"Oh my God anong oras na?! Bat hindi mo ko agad ginising?!"

"Actually, Kali, darling, kanina pa kita ginigising. Kanina pa ko pabalik balik sa kwarto mo at yung sundo mo, nakakunot na yung noo kakahintay sayo"

Nako.

After 2 minutes ng speed combing at pag aayos ng konti, bumaba na ako.

"Batugan talaga.."

"Hoy hinde ah! Ang tagal mo kaya!"

"Tara na tara na"

"Oh hijo, iingatan mo yang baby girl namin ah"

Nag salute sha. Hahahaha gago talaga to.

"Sir yes sir!"

Pagkalabas namin ng gate..

"Ikaw mag ddrive?"

"Ay hinde. Ikaw. O kaya walang mag ddrive. Hayaan nating umandar magisa"

Piningot ko siya "Oh baka gusto mong sagasaan kita?"

"Joke lang po. Eto na, sasakay na.. isstart na yung sasakyan.. mag seatbelt na po tayo.. kasalukuyan na po akong nag ddrive ngayon.. at hindi ako makapag focus kasi ang sama ng tingin sakin ng babae sa tabi ko.. a-a-araaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay!"

Ayun piningot ko ulit. Pinagttripan kasi ako eh!

"Joke lang eto naman pinapatawa ka lang eh. Pakiss nga."

"Kiss mo paa ko!"

"Sige mamaya"

"Isa pa tatamaan ka na talaga sakin"

Forever and Always.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon