Chapter 6: Revelations.

31 0 0
                                    

Kali's POV.

After nung nangyare sa room namin, before graduation.

Yung.. alam niyo na.

Aish ba't naman kasi ang weird sabihin eh.

Fine.

Yung.. hinalikan ako ni Andrei sa lips.

After non, nung mismong graduation, hindi ko matignan sa mata si Andrei. Hindi niya rin ako matignan ng diretso.

*flashback*

"Kali!"

Naglakad lang ako dirediretso. Hindi ko alam saan ako papunta pero ang alam ko, hindi ko kayang harapin si Andrei ngayon.

Not ever.

"Kali please!"

Naririnig ko na yung bulungan ng mga Graduates. Nakalabas na kasi kami ng theater.

Nakapunta na ko sa School Garden. Bawal ang mga students dito, pero lagi ako tumatambay dito. Lalo na kapag marami akong problema at hindi makapag isip ng diretso.

"Kali.."

Hala nasundan niya pa ako? O.O

"Ano ba Andrei?! Ano bang problema mo?!"

Yumuko lang siya.

Masyado ba kong mean?

"Hindi ko alam paano ako magpapaalam sayo"

Huh?

"Hindi ko alam kung bakit ngayon lang.."

"Ang tanga tanga ko. Bakit ngayon lang? Bakit ngayon ko lang.. nalaman"

Hindi ako nagsasalita.

Wala akong naiintindihan.

"Nung 2nd year tayo.."

At syempre, kailangan talaga niyang ibring up yung time na 2nd year kami. Dun kami unang nagkakilala.

"Nung nakita kita, una pa lang, alam kong gusto kita. Pero natakot ako. Natakot ako na iba ang gusto mo. Kaya hindi kita pinansin. Nagkunwaring hindi kita kakilala. All this time Kali, wala akong ibang ginawa kundi pagmasdan ka. Panoorin ka sa di kalayuan, habang kausap mo si Jace okaya yung mga kaibigan mo. Tuwing recess at lunch time.. inaabangan kita. Tuwing umaga, ginaganahan akong pumasok kasi alam kong.. kahit pasulyap lang makikita kitang nakangiti. At masaya na ako dun. Masaya na akong makita kang nakangiti."

"Hindi ko alam sa bawat tingin ko sayo.. lalo pala akong nahuhulog"

"Kali mahal kita. Matagal na. Mahal na mahal kita."

Wala akong masabi.

Nakatayo lang kami, magkaharap.

Hindi ko napansin na lumuluha na pala ako.

Pinunasan ko yung luha ko.

"Bakit ngayon lang Andrei? Bakit ngayon lang?"

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya.

"Ganyan ka na ba kamanhid?!"

Silence.

"Oo gusto kita. Oo mahal kita, noon pa. Masaya ka na?!"

Hindi siya nagsasalita.

"Alam mo nung Prom natin nung 3rd year tayo? Nung bago ka pa dumating sa buhay ni Astra? Sa buhay ng bestfriend ko? Nung akala ko saakin ka lang? Alam mo ba gano kasakit makita na yung bestfriend ko, kasama yung lalakeng gustong gusto ko!"

Forever and Always.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon