Andrei's POV.
Ewan ko pero nung nakita kong umiyak si Kali ulit parang.. gusto ko siyang protektahan.
Ayaw ko siyang masaktan.
Pero papano yun?
Kung ako mismo yung dahilan kung bakita siya nasasaktan?
Teka.
Ang assuming ko naman ata at feelingero para sabihin na apektado pa rin siya hanggang ngayon.
Siguro naka-move on na talaga siya.
Hindi ako pinaalis ni Kali sa kwarto nila hangga't hindi pa bumabalik si Ate Kloe.
Pero nalaman nila Ate Kloe yung nangyare kaya sabi niya magstay na lang daw ako kasama si Kali, may tiwala naman daw siya saakin.
Kaya ayun, katabi ko ngayon si Kali, mahimbing pa siyang natutulog.
Nagunat siya tapos humarap siya.
Hindi ko mapigilan, gusto kong ibrush yung buhok niya at hawakan yung mukha niya.
Tinititigan ko lang siya.
Tapos bigla niyang minulat yung mata niya.
"Aaaaaaaaaaaaaaah!" Sumigaw siya sabay tayo tapos nagtakip ng kumot.
"Huy Shan wag ka nga magisip ng kung ano!" Sabi ko tapos tumayo rin.
"Asan si Ate Kloe?!"
"Um, natutulog pa? Kaya kung pwede wag kang mangbulabog?"
"Manyak ka!"
"Wow! Ako na nga tong nagligtas sayo sa mga manyak!"
"Oh? Thank you ha?! Sinabi ko bang iligtas mo ako?! Hindi naman diba? Tinawag ko ba yung pangalan mo? Hindi diba?!"
"Panong hindi babastusin eh ganun suot mo"
"Ano bang pakealam mo?!" Sabi niya tapos lumabas na.
Hay nako.
Tong babaeng to.
Ang hirap paamuhin.
Namimiss ko na yung dating Kali..
Yung masayahin.
Yung mapagbigay.
Yung maintindi.
Yung palaging nakangiti.
Miss ko na yung dating "kami"
Kali's POV.
Nakakainis naman kasi bakit dun pa natulog yung lalaking yun!
Tinabihan pa talaga ako ha!
Ang kapal ng mukha!
Andito ako ngayon sa may shore.
Nakaupo lang sa ilalim ng araw.
Hindi ko na kaya makasama si Andrei pa.
Kasi habang tumatagal mas sumasakit eh..
Hindi mawala wala yung sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko.
Parang someone punched a hole in my chest.
And it stayed there.
Forever.
Napansin ko na suot ko pa rin pala yung tshirt ni Andrei na sinuot niya saakin kahapon nung niligtas niya ako.
May narinig akong papalapit.
Pero hindi ako humarap.
"Okay ka na ba Shan?" Ba, si Ate Kloe pala.
Akala ko si Andrei.
Hala eh bakit si Andrei yung ineexpect ko? Ughhhhhhhhhhh!
"Ah, oo ate" Sabi ko ng nakangiti.
Tahimik lang kaming nakatingin sa ulap.
Nag ssun bathing kami. Hihi.
"Mahal mo pa si Andrei no?" Bigla niyang sabi.
"Ha?"
"Kitang kita ko sa mga mata mo Shan, mahal na mahal mo pa yung tao" Tapos humarap siya saakin tapos tinignan ako.
Galit ba siya?
Yumuko lang ako.
"Ano ka ba, okay lang saakin. Naiintindihan kita" Nakangiti lang siya.
Tumango na lang ako.
"Eh bakit nagkukunwari ka?"
O.O
Halata na ba masyado?
Hindi ako nakaimik.
"Halata naman kasi no Shan. Nakikita ko yung sakit sa mata mo. At katulad mo, nararamdaman ko rin yung sakit."
Ano bang ibig sabihin ni Ate Kloe? O.O
"Alam mo kasi Shan, nangyari na yan saakin dati. Yung mawalan. Alam ko yung sakit ng wala man lang solid reason para iwanan ka. Bigla ka na lang bibitawan."
Yumuko lang ako. Nangingilid na yung mga luha ko.
"Ganyan talaga. Kapag nagmahal ka, dapat handa kang masaktan. Kasi bukod sa uso ang agawan at paramihan, trending din ang iwanan ng walang dahilan" Sabi saakin ni Ate ng nakangiti.
"Hindi po ba dapat di niyo sinasabi saakin yan? Kasi po kapatid niyo yung girlfriend ng lalakeng.. minahal ko."
"Minahal? Alam kong mahal mo pa si Andrei. At nakikita kong mahal ka pa rin niya. Oo kapatid ko si Kylie, pero tuwing nakikita ko silang magkasama parang.. hindi tama. Parang ang tight nila with each other, parang may mali. Alam mo yun? Yung alam mong alam nila na may mali pero pinipili nilang wag lang pansinin."
"Ayaw ko naman makagulo sakanilang dalawa" Nakangiti kong sagot.
Umiling si Ate Kloe. "Kalishanda ang batang martir" sabi niya ng tumatawa.
Natawa rin ako.
"Alam mo, minsan, tama rin yung tumayo ka at lumaban. Lumaban para sa gusto mo. Hindi yung magpapaagrabyado ka. Kasi sa huli.. ikaw rin yung masasaktan. Sinasabi ko to sayo ngayon kasi ayaw ko rin masaktan yung kapatid ko, kasi nasa maling tao siya. Alam ko yun. Na hindi si Andrei yung lalakeng para sakanya." Tapos tumayo na siya, kinurot yung pisngi ko, tsaka na pumasok sa villa namin.
Hay.
Tama nga ba talaga si Ate Kloe?