Chapter 22: Sana palaging ganito.

31 1 0
                                    

Andrei's POV.

Ngayon pa lang kami talaga mag sswimming.

Nauna na kami ni Kali sa shore.

Ayun buti naman at hindi na siya nag bikini.

Sinipa ko yung tubig tapos nabasa siya.

Humarap siya.

"Ano ba!"

Tapos nag peace sign ako tsaka na tumalikod.

"Andrei!" Galit niyang tawag.

Humarap ako tapos.... splassshhhhhhhhhhhhhhh!

Binasa niya rin ako tsaka siya tumawa ng tumawa.

Anak ng nanay mo!

Naka timing talaga siya ah.

Tumawa ako tapos binasa ko siya.

Tumawa siya.

Wow tumawa siya.

At dahil saakin yung tawang yun.

Bakit ganun?

Bakit parang ang gaan sa pakiramdam?

Si Kalishanda napatawa ko ulit?

"Tara swimming na tayo!"

Aba talagang inaya ako.

Nag swimming kami tapos pinaghahanap ko siya ng shells, sabi niya kasi panghanap niya raw ako yung maganda.

Lumayo ako tapos pumunta sa may bandang malalim..

Kali's POV.

"Andrei?"

No signs of Andrei.

Alam ko pinagttripan nanaman ako nito.

"Andrei di na nakakatawa no!"

Tapos bigla may kamay sa bandang malalim! Kumakaway!

Omg si Andrei nalulunod!

Nag swim ako ng mabilis papunta kung nasan siya tapos hinila ko siya pataas.

Ang bigat niya! >.<

Dinala ko siya sa may shore.

Nako walang malay yung ogag.

"Huy Andrei wag mo na kong pagtripan!" sabi ko.

Di siya kumikibo.

Nakapikit lang siya.

Pinump ko yung chest niya.

Wala pa rin.

Oh God Andrei please wag kang magbiro ng ganito.

Wala talaga.

So kailangan i mouth to mouth ko talaga siya?!

I can't!

Pero..

Dahan dahan akong lumapit sa mukha niya.

Huminga ako ng malalim.

Tapos yun nga, CPR. Ugh this is awkward.

Tapos maya maya umubo siya tapos naglabas ng tubig.

So totoo pala at hindi niya ako pinagttripan -____-

Tinignan niya ko tapos bigla siyang ngumiti.

"Salamat Shan" Sabi niya.

Tinayo ko siya.

"Wala yun. Hindi mo man lang ako napaghanap ng seashell!" Sabi ko ng naka pout.

"Oh sisisid ako ulit para ---- "

"Joke lang" Sabi ko.

Tapos tumawa siya.

Tumawa na rin ako.

Maya maya pa tinawag na kami ni Kuya Kristof.

"Shan, Andrei, tara na aalis na tayo maya maya mag ready na kayo"

Nauna na si Andrei maglakad.

Tumakbo ako tapos sumampa sa likod niya.

"To yung parusa mo kasi hindi mo nahanap yung seashell na gusto ko!"

"Aray ang bigat mo!" Sabi niya ng tumatawa.

"Hoy hindi ah! Ang sexy ko kaya!"

"Sus mababali na nga yung buto ko sa bigat mo oh!"

"Bad ka talaga!" Tapos pinalo ko yung ulo niya.

"Oh hindi na po, sexy ka na. Hindi na mabigat"

"Good boy!"

Tapos nagtawanan kami.

Ang sakit isipin na pahiram lang tong sandaling to.

Na pagkatapos nito, ibabalik ko na siya doon sa taong talagang nagmamay ari sakanya.

Sana, palaging ganito..

Pero hindi pwede eh.

Hinding hindi.. :(

Forever and Always.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon