Chapter 29: Strangers with memories.

20 0 0
                                    

Kali's POV.

It's 10:30 and mga 11:30 yung call time namin sa practice.

Malapit na namin maperfect ni Andrei yung waltz.

Ang sad no?

Kung mag sayaw kami akala mo napaka perfect.

Parang prince and his princess.

Pero deep inside ang daming unsaid emotions, deep inside nasasaktan ako.

Nag ready na ako para sa practice.

Pagkababa ko, hinanap ko agad yung magulong buhok ni Andrei.

Bakit ko nga pala siya hinahanap?

Eh for sure hindi niya na ako masusundo.

Kasi andyan na yung girlfriend niyang diyosa.

Hindi na rin siguro mauulit yung mga masasayng panahon na kumakain kami sa tusok tusok, yung nasa park kami tumakas sa practice at kumakain ng cotton candy, yung nasa bahay kami, kumakanta ng malakas na malakas.

Haaaay.

Nakarating na rin ako sa studio.

Pagkapasok ko, may kasayaw na ibang babae si Andrei.

Ah.

Si Kylie.

Napatingin saakin si Tita Lau "Oh andito na pala ang princess natin"

Tumingin si Andrei at Kylie saakin.

Okay this is so weird kase pareho kami ng suot ni Kylie ngayon.

Floral na dress. (A/N: Ayan yung dress on the right >)

Diperensya lang is nakapusod ako, siya nakalugay, naka flats ako at siya naka high heels.

Self esteem - 0 percent remaining.

"Hi" I said weakly.

Tapos binaba ko na yung bag ko sa may table tsaka na pumwesto.

"Okay, isasayaw niyo yung waltz tapos me and Kylie here will judge and say what we think about you two. Okay? Gusto ko may impact. Gusto ko ma-affect niyo kami. Yung maiisip namin na prince and princess talaga kayo who are meant to be together"

Who are meant to be together.

Wow.

"Ready?" Tanong ni Andrei.

Nag nod lang ako tapos he took my hand na.

Ang hirap pala mag concentrate with people watching.

Naiilang ako.

Naiinsecure ako with Kylie standing 4 feet away from me wearing the same dress that I'm wearing and looking painfully gorgeous.

"Ano ba Kali, wag mashadong tense. Loosen up." Sabi ni Tita Lau.

"Shan, it's okay. Don't get so conscious. Wala namang malisya, don't worry, pahiram ko muna si Andrei sayo right now. During practices lang ah and on your special day!" Biro ni Kylie.

Tumawa sila ni Tita Lau.

Nag tense yung tayo ko.

Andrei squeezed my hand.

"From the top po Tita Lau"

"No, wait, I'll just get a drink" Paalam ko tapos lumabas na sa studio.

Sa may kabilang daan may 711.

Tumatawid na ako nung narealize kong I am not alone.

"Shan, wait."

"What?" Sabi ko kay Andrei ng hindi nakatingin.

Forever and Always.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon