Chapter 14: Kalishanda Andrada 2.0

40 1 0
                                    

Kali's POV.

Hindi ko ine-expect na makikita ko si Andrei kahapon.

Gulat na gulat ako.

At nagulat rin siya.

Hindi ko alam papano ako magrereact.

Kaya kunwari, walang nangyari.

Kunwari walang masakit saakin.

Parang nung bata ako, kapag masakit yung ipin ko. Palaging sasabihin saakin ng mga Kuya ko na imaginine ko daw, na kunwari hindi masakit yung ipin ko. Para daw makalimutan kong, masakit nga pala talaga. Para hindi ko maramdaman.

Eh ba't ngayon hindi effective?

Ay oo nga pala.

Puso pala yung masakit saakin, hindi ipin.

Umakyat na ako sa kwarto ko nun, sabi ko pagod na ako.

Pumasok si Kuya Krysler sa kwarto ko.

"Kali, ano ba kasi talaga yung nangyare?"

"Kuya, no one calls me Kali nowadays, call me Shan"

"Kali, stop acting like nothing happened."

"Bakit, ano bang nangyari?" Pagkukunwari ko.

"Simula nung nagkulong ka sa Unit mo at hindi pumasok, hindi ko na alam anong nangyare. Wala kang sinasabing rason kung anong nangyare."

"Ano nga bang nangyare? Hmmm.. Ah, oo. Iniwan na nga pala ako ni Andrei, Kuya. Nakita mo si Kylie? Yung magandang maputing babae? Oo yun, yun na yung bago niyang girlfriend. At alam mo pa yung masaklap don? Kapatid pa siya ng girlfriend ni Kuya Kristof. Alam mo yung masakit na part dito kuya? Yung good bye. Pero sobrang sakit kasi hindi man lang narinig ng tenga ko, pero ramdam na ramdam ng puso ko. Ang unfair no? Sabi niya kasi saakin date babalik siya. At, tada! Oo nga bumalik siya Kuya.. bumalik siya ng may iba ng kasama" Naiyak na ako.

Tapos nagsalita ako ulit.

"Ang sakit Kuya *sob* Ang sakit sakit kasi akala ko siya na yung Happy Ever After ko. Nag promise siya Kuya! Akala ko hindi na niya ako sasaktan ulit. Sabi niya hindi na niya ako sasaktan ulit. Pero anong nangyare? Nagpakatanga nanaman ako. Sabi niya ako lang. Kuya nagpakatatag ako! *sob* Pinilit kong kayanin kasi ang layo niya saakin. Nahirapan ba siya tulad ng paghihirap ko?! Hinde *Sob* Hindi niya ba alam na gabi gabi akong umiiyak, kasi hindi ko na alam anong nangyayari saamin? Kung sanang nakipag hiwalay siya saakin eh. Sinabi niya na ng diretso. Pero hindi. Ang sakit. Para akong sinampal sa mukha *sob*"

Niyakap ako ni Kuya Krysler.

"Kailan pa?"

"Nung nasa New York pa sila"

"Alam mo Kali, hindi kasi lahat ng relasyon ay may Happy Ever After. Minsan kailangan talaga natin makilala yung mga maling tao, para matuto tayo. Para lalo tayong tumatag. At hindi naman talaga mapapangako ng kahit sino na hindi nila tayo sasaktan eh. Kasi at one point or another, masasaktan at masasaktan nila tayo. Alam mo kung anong kaya nilang i-promise? Yung mag sstay sila sa tabi natin at yung pain ay worth it."

Tapos kiniss niya ako sa forehead tsaka na lumabas ng kwarto ko.

Hindi na ako bumaba pagkatapos non.

Hindi ko ipapakitang umiiyak ako.

Pinasabi ko na lang na natutulog na ako nung umalis na sila.

Kinabukasan..

Pumunta ako sa unit ni Jace. Wala lang, gusto ko lang makipag kwentuhan.

Namiss ko kasi yung bestfriend ko! ^^

Forever and Always.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon