Chapter 23: Back to basic.

22 1 0
                                    

Kali's POV.

Andito na ako ngayon sa bahay namin, kakabalik lang namin kahapon.

Iniisip ko pa rin yung mga araw na kasama ko si Andrei, lalo na yung kahapon.

Ewan.. bakit ganun? Kahit sa panandaliang oras lang, naging masaya ako.

At nakita kong tumawa si Andrei ulit.

May practice kami maya maya.

Haaaaaaaaay.

Tinatamad ako sobra. Nakakainis.

Pumasok si Kuya Krsyler sa kwarto ko.

"Kamusta yung Bora, kaps?" Tanong ni Kuya tapos ginulo yung buhok ko.

Inayos ko yung buhok ko, si Kuya naman eh! "Okay naman Kuya" tapos nag smile ako.

"Wala ka man lang pasalubong saakin?"

"Meron kaya no! Nilagay ko sa room mo!"

"Eh alam mo naman gaano kagulo yung room ko asa ka pang mahahanap ko"

Umiling na lang ako tapos tumawa.

Tapos nag ready na ako at naligo para sa practice mamaya.

Andrei's POV.

Nagddrive na ako ngayon papunta kina Kali, susunduin ko kasi siya para sa practice namin ng waltz.

Hindi ko pa rin mapigilan isipin yung kahapon.

Alam ko nung ginigising niya ako.

Parang takot na takot siya..

Tapos yung mouth to mouth..

Grabe.

Bakit ganun?

Bakit parang.. iba?

Hindi ko naman talaga dapat ikumpara pero.. iba yung halik ni Kali sa halik ni Kylie.

Parang kahit.. mouth to mouth lang yun.. parang talagang ramdam mong..

Mahal ka niya..

Ahhhhh! Ano ba Andrei, wag mo na isipin yan.

Nakarating na ako sa bahay nila at lumabas na si Kali.

Dirediretso lang siya sa loob ng kotse ko.

Wow, kotse mo kasi eh? Haha joke.

Nagjojoke ako pero hindi siya tumatawa.

Anong problema?

"Kali anong ---- "

"Walang problema. Don't call me Kali."

Luh.

Naka mens ba to?

"Daig pa yung nakamens" Bulong ko.

"Just shut up and drive straight!" Sigaw niya.

Ano bang problema nito? Eh kahapon lang ang ayos ayos namin eh..

Kali's POV.

Nagulat rin ako sa sarili ko nung nasigawan ko si Andrei.

Ayaw ko ng ituloy tong pagiging mean sakanya pero something inside me tells na he deserves it.

So yun, back to basic nanaman.

Eto nanaman ako sa pagka-bitch sakanya.

Nakarating na kami sa studio.

Nauna na akong naglakad papasok.

Hinatak niya ako.

"Shan, ano bang problema?"

"Wala ka na dun! Ano ba, 1 month na lang rin naman, pagkatapos nun tigilan mo na ako okay"

Nanahimik na rin siya.

Ang awkward lang nung nagppractice kami, kasi hindi kami magkatitigan.

Hanggang kailan ba tong paghihirap na to?

Forever and Always.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon