Chapter 20: Hell-o Boracay.

28 1 0
                                    

Kali's POV.

Bakit ba kasi sa dinami dami ng pwedeng makapatid ng girlfriend ni Andrei, eh si Ate Kloe pa?

Nakakainis naman kasi.

Si Ate Kloe, iba siya eh.

Mabait, masayang kasama.

Hindi tulad ni Andrei at Kylie.

Mga manloloko, mga badvibes pa.

"Ate Kloe, una na ako sa room natin ha" Paalam ko.

"Oh, osige. Pahinga ka muna tapos swimming tayo later!"

Andito na kami. Well, obviously. Hahahaha.

Nahiga ako dun sa kama.

Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay.

Ang sarap mag relax.

Ah basta, iisipin ko na lang na wala si Andrei dito.

Hindi ko hahayaang sirain ng isang mokong ang 3 days getaway ko.

Promise yan!

Andrei's POV.

Ang ganda dito sa Boracay, grabe.

Na-excite lang? Hahahaha.

Andito ako ngayon sa may shore, may nakita akong log at inupuan ko.

Sarap mag relax ha.

Ang sarap ng hangin.

Lasang ice cream.

Nag chichill lang ako dito, tingin tingin lang.

Mga 5:30 na rin kami nakarating dito.

Plano ata mag night swimming nila Ate Kloe.

Pass muna ako.

Nakapikit lang ako, finefeel yung hangin.

"Wag niyo ko hahawakan"

"Ano ba!"

Huh?

"Wag niyo ako hahawakan sabi eh!!!!"

Binuksan ko yung isa kong mata.

Sa di malayo, may babaeng pinapaligiran ng mga lalake.

Hahayaan ko na sana kaso.. babae yun eh.

Baka ano pang mangyari dito.

"Tulooooooong!"

Familliar yung boses.

Kali?!?!?!

Tumakbo ako papunta sakanila.

Papanong hindi siya babastusin eh naka two piece siya ngayon at may tela lang na nakatali sa bewang niya.

Dali dali kong hinubad yung tshirt na suot ko, tinulak yung mga lalakeng nakapaligid sakanya, tsaka sinuot sakanya yung tshirt ko ng mabilisan.

"Mayabang ka ha!" Tsaka ako sinuntok nung isa.

Sumuntok ako, tapos tinamaan ko yung isa sa mukha.

Hanggang sa nag back away na silang lahat.

"Subukan niyo pang hawakan siya ulit, hindi lang yan aabutin niyo" Sabi ko.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Galit na galit ako.

Galit na galit sa sarili ko kasi hinayaan ko si Kali mag isa.

Galit na galit sa mga lalakeng nangbastos sakanya.

Galit na galit kay Kali kasi nagpapabaya siya ng ganyan.

Kali's POV.

Naiyak na ako sa sobrang takot.

Sobrang takot kasi akala ko ano ng pwedeng nangyari saakin kanina lang.

Sobrang takot kay Andrei kasi sobrang galit siya.

Umiiyak lang ako dun.

Habang siya nakatalikod saakin.

Humarap siya.

Nakaupo na ako sa sand. Umiiyak.

Lumuhod siya para magka eye level na kami.

"Shhh.. tama na" Pinunasan niya yung luha ko.

Sinuway ko yung kamay niya.

"S-s-shan.. tahan na"

Umiyak lang ako.

Umiling siya tapos binuhat niya na ako tsaka naglakad papunta sa room namin ni Ate Kloe.

Hindi ko alam pero napayakap ako sakanya.

Gusto ko malapit lang siya saakin.

Kase pakiramdam ko, safe ako kapag anjan sha.

Teka.

Oo nga pala.

Siya yung lalaking nanakit saakin.

Yung lalakeng hindi lang una, pero maraming beses na dumurog sa puso ko.

Pero bakit ganun?

Bakit pakiramdam ko.. walang pwedeng masamang mangyari saakin kapag nasa tabi ko siya?

How ironic right?

When he shouts "Danger" but still he is my knight in shining armor.

Forever and Always.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon