Chapter 5: Complicated.

32 1 0
                                    

Kali's POV.

Nagpatuloy kaming ganun ni Andrei. Minsan sweet, minsan hindi. Minsan akala mo more than friends, minsan akala mo lang pala talaga.

Ewan ko. Bakit ang gulo gulo.

Naiinis ako pag ganyan.

Hay.

Ano ba talaga Andrei? Pinapaasa mo lang ba ako?

Gusto kong isigaw sa mukha niya yan.

Pero wala akong lakas ng loob.

Gradutation day..

Magka-batch kami sa Graduation ni Andrei.

Pagkarating ko sa school, dumiretso na ako sa plaza kung saan mag aassemble.

Nakita ko sa di malayo si Andrei.

May kasamang babae na hindi sa University namin nag aaral.

Maganda siya. Maputi, mahaba ang buhok, may dimples at sobrang tangos ng ilong.

Self esteem remaining: -  0 %

Sino kaya siya?

Ate niya?

Hindi niya naman kamukha eh.

Pinsan niya?

Eh bakit siya nakahawak sa bewang nung babae at nagbubulungan sila?

Ba't ang sweet nila?

Bakit parang kung papano kami nung UDays, ganun din sila?

Tapos bigla hinalikan siya sa cheeks nung babae.

Wag mo sabihing..

Napatingin si Andrei saakin.

Napayuko ako.

Ewan ko pero bigla lang ako nagsimula maglakad palayo, palayo hanggang mapadpad ako sa classroom namin.

Walang tao.

Naiiyak na ako.

Ayaw ko yung nakita ko kanina.

Bakit.. ang sakit?

Umiyak ako. Umiyak ako ng umiyak.

"Parepareho lang kayong mga lalake! Mga paasa! Mga pa-fall!" Iyak pa ko.

Nakaupo ako sa lapag.

Hindi ako makapaniwalang umiiyak ako ngayon sa classroom, sinisira yung make up ko, at nagkakaganito dahil sa lalakeng akala ko gusto ako..

Tumayo na ko para bumalik ng biglang..

"Kali?"

O.O

"Shit. Kali, umiiyak ka?!"

"Hindi no. Wala to. Ano ka ba. Nag away kasi kami ni Jace eh kaya yun"

"Kali, narinig kita"

"Ha? Eh. Shempre narinig mo ko, may tenga ka eh. Haha. Sige, ano, punta na ko dun. Balik ka na rin don baka hinahanap ka na nung babaeng kasama mo kanina"

"Tungkol sa nakita mo kanina.."

"Ha? Wala no. Wala yun. Haha."

"Si Kylie, mali yung iniisip mo"

So Kylie pala yung pangalan niya.

"Andrei bakit napaka pa-fall mo?" OH MY GOD HINDI KO SINASADYANG SABIHIN YAN.

"Hindi ako."

"I mean, oo bagay kayo ni Kylie sige na aalis na ko" Tumakbo na ko paalis pero hinawakan nya ko.

Forever and Always.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon