Chapter 24: Is destiny bringing us closer, together?

25 1 0
                                    

A/N: Dedicated to Twinylit for sending me that super sweet message that really motivated me to write more! I would really love to hear from you guys, it pushes me to do better. Thank you! :-)

Kali's POV.

Wala sina Kuya Krysler at Kuya Kristof ngayon, day off rin ng mga maids namin.

So andito ako ngayon sa bahay, nanonood ng America's Next Top Model at kumakain ng Vanilla Ice cream.

This is the life! Hahahaahha.

Masaya ako kasi may oras ako para makapag relax ngayon.

Tapos nagsimula ng umambon.

Sana lumamig! Grabe kasi yung init ngayon eh!

Oh no..

Nagbblink na yung ilaw.

Tapos..

....

Omg tuluyan ng nag brown out!

JDFNKSDJKDJVFKDJVC NATATAKOT AKO!

Tumakbo ako dali dali paakyat sa kwarto ko.

Nasan ba yung mga kuya ko kung kailan ko sila kailangan?!

Andrei's POV.

*Ring*

"Hello?"

(Asan ka?)

"Nasa unit ko lang"

(Ahh.. pwede punta ka muna sa bahay?)

"Bakit?"

(Kase ano ---- )

Tapos nawalan ata siya ng signal, namatay yung call.

Dali dali akong pumunta ng bahay nila Kali.

Ano kayang meron?

Ang lakas pa naman ng ulan.

Pagkadating ko, patay lahat ng ilaw.

Wala naman atang tao eh? Pinagttripan ba ako nito?

Sinubukan kong pumasok sa gate, bukas. Tuloy tuloy na ako sa sala.

Wala talagang tao.

Ah. Brown out pala.

Nakahanap ako ng kandila at binuksan to.

"Kuya Krysler? Kuya Kristoff? S-s-s-shan?"

Walang sumasagot.

Umakyat ako at tinignan isa isa yung mga kwarto, wala namang tao.

Sinet up ba ako ni Kali para ipapatay na?

Lord, wag naman po sana.

Huli akong pumasok sa kwarto ni Kali.

Ganito pala yung itsura dito.. napaka simple lang.

Parang yung dating Kali na kakilala ko.

Puti yung ding ding, na may pink na glitters, tapos baby pink na kurtina. Tapos sa pinakauluhan ng kama niya, may malaking feather na itim, tapos may pangalan niya na naka sulat. Tapos may nakasabit na dreamcatcher.

Ah..

Eto yung dream catcher ko na binigay ko sakanya nung 2nd year kami.

Nung nakikipag close ako sakanya.

Tinatago niya pa rin pala yung hanggang ngayon.

Napangiti ako sa sarili ko.

Haharap na sana ako ng may biglang bumangga saakin.

Forever and Always.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon