Chapter 28: I miss you.

19 0 0
                                    

Kali's POV.

"We're leaving in 30 minutes ha" I heard my mom's muffled voice downstairs.

"Yes ma!" Sigaw ko habang ina-apply ko yung final coat ng lipstick ko.

Uuwi na kami sa Pinas! Yaaaaaaaaaay finally!

Makikita ko na sina Kuya Kristof at Kuya Krysler! Pati si Jace!

.. tsaka si Andrei.

Hala. Oh bakit muna ako napangiti?

Basta, excited na akong makita sila. Kasi naman no halos one month rin ako dito sa Paris.

At malapit na yung birthday ko!

Ang ganda pala ng kinalabasan ng invitations. Na send out na rin sa mga invited guests, fresh from Paris. ;)

Nakasakay na kami ngayon nila mama and papa sa airplane. Shempre matagal yung flight no.

Pumikit na lang ako kasi 14 hour flight to, wala kasing stop overs eh.

(After 14 hours)

"Kalishanda, wake up, we landed na" Gising sakin ng mom ko.

Nag stretch ako and minulat na yung mata.

Finally!

We're here na.

14 hours tulog ko? Eksakto? Wooow.

Halos di na kasi ako natulog kagabi eh. Sinulit ko na yung stay ko sa Paris :D

"So, let's eat lunch?" Sabi ni papa.

1 NEW MESSAGE FROM: Kuya Krysler.

Hi baby girl! Diretso na kayo dito nila mama, nagluto kami ni Kuya Kristof ng lunch.

"Ah pa, diretso na daw tayo sa bahay. Nagluto sina Kuya" ^^

"Good idea!" Sabi ni mama.

Ayun on the way na kami pauwi.

Haaaay gusto ko na mahiga sa kama ko. Nakakamiss!

Pagkarating namin, hindi kami sinalubong nila Kuya. Hala? Baka busy nagluluto.

Pero pinagbukas naman kami ng gate ng mga guard and maids namen.

Tapos nauna na papasok sila Mama at Papa.

Tawagan ko muna si Bespren Jace!

(Kali!!!!!!!!)

"Aray naman Jace eh! Hinay hinay naman!"

(Eh kung di ba naman kita namiss!)

"Nakooooo! Namiss kita! Ikaw kasi ang busy tuwing gusto ko makipag skype no. Nakakatampo talaga."

Tumawa siya (Sorry naman po ang rami kasing inaasikaso)

"Punta ka dito kapag free time mo ha may pasalubong ako sayo" ^^

(Aba oo naman alam mong gusto ko yan!)

Natawa ako "Osige Jace, pasok na ko ha. Ingat! Miss you bespren! Love you!"

(Ingat, love you bespren!)

Tapos namatay na yung call.

Papasok pa lang ako sa bahay, nakita ko na yung mukha ni Andrei.

Nakangiti siya.

Nakangiti rin yung parents ko.

Para bang "Andrei, eto si Kali, ang bride mo"

Forever and Always.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon