Kali's POV.
1 month to go pa before my Debut and yet sobrang excited na ako!
Hay nako.
Kami ni Andrei? Okay na kami.
Okay na okay.
Parang mag bestfriends.
Siguro hanggang dun na lang talaga kami.
Siguro yun talaga yung nakalaan para saaming dalawa.
Pero masaya ako kasi he'll get to stay on my life.
Maybe not as his lady, but atleast as his best friend.
And I'm very okay with that.
Though I must admit na, sometimes, it still hurts.
Lagi namang masakit eh.
Pero the pain numbed me.
Iniisip ko na lang na, mas mabuti na yung ganito.
Hindi ba? :)
Papunta ako ngayon sa studio para mag practice ng waltz with my escort.
Andito na rin ako, finally.
"Ang tagal ah" Sabi ni Andrei na medyo irita.
"Hindi naman no!"
"Oo kaya!"
"Hindi kaya!"
"Oo nga sabe!"
"Hindi nga sabe!"
"Sus matagal naman kasi talaga!"
"Sus mainipin ka lang talaga!" Sabi ko ng naka tongue out pa.
"Hindi kaya!"
"Oo kaya!"
"Hindi nga Ka ---- "
"Ano ba tong dalawang to! Kung mag away parang mag asawa. Mag practice na kayo!" Suway ni Tita Lau.
Tumahimik lang ako tapos sumulyap si Andrei sakin.
Halata sa mukha niyang nagpipigil siya ng tawa.
Tapos..
*pak* *pak*
Ayun.
Sabay lang naman naming hinampas ni Andrei yung isa't isa.
Hahahahahahaha.
Tapos bigla tumatawa si Tita Lau.
"Alam niyo kayo? Ang cute cute niyong tignan! Naaalala ko nung kabataan ko at nung sweethearts kami ng Tito Bernard niyo. Hay nako.. alam niyo minsan naiinis ako kasi bakit hindi na lang kayo?" Tapos tinayo niya kaming dalawa at pinagdikit "Bagay na bagay" Sabi niya ng nakangiti.
Awkward.
Namumula ako.
Kasi nakakahiya grabe huhu.
Nagsimula na kaming mag practice ni Andrei, pagkatapos ituro ni Tita Lau yung mga steps, iniwan niya muna kami saglit.
Wala ng ilangan ngayon saamin ni Andrei.
Nakakapag sayaw na kami ng mabuti.
Hindi na mahina tignan.
Nag wowork kami together.
Para rin naman sa debut ko to eh diba?
Minsan naiisip ko nahihirapan na si Andrei kasi imbis na kasama niya yung girlfriend niyang si Kylie, eh stuck siya dito sa Pilipinas dahil siya ang gusto ni mama na maging escort ko.