Kali's POV.
Pag kauwi ko, dumiretso na ko sa kwarto ko at humiga na.
Nakakainis.
Bakit ba sa lahat ng araw na pwedeng makita ko yung Draven Gonzales na yon, eh ngayon pa.
Kung kailang ang sakit sakit ng puso ko.
Nananadya ba yung tadhana?!
Akala ko pa naman naka gentleman eh ipapabalik naman pala saakin yung panyo niya.
Edi sana hindi niya na lang in-offer.
Aish.
Pinalabhan ko yung panyo ni Mr. Not so gentleman sa yaya namin.
Tinawagan ko yung number na nakasulat sa balloon..
(Who is this?)
"..."
(Hello?)
"Pano ko babalik yung panyo mo?"
(Oh so it's you Ms. Cry baby)
"Just shut up and answer my question"
(Tomorrow, meet me at the Park. 4 pm)
Tapos namatay na yung tawag.
Bastos!
Nakakabad trip na talaga to.
Ang sarap nilang pag untugin ni Andrei.
Sama mo na si Kylie!
Kinabukasan..
Ginising ako ni Kuya Kristof kase may practice pa pala kami ni Andrei.
Ang bad trip.
Katapos ng nangyare kahapon, I am forced to see that guy.
Siguro nakatali na siya ngayon kay Kylie at bawal siya lumapit saakin ng 1 feet.
Nagpahatid ako don kay Kuya Kristof, at oo, as expected, andun rin si Kylie.
Feel na feel namin yung tension.
Hindi kami makapag concentrate.
Nung nag break, mga 3:00 na rin yun, biglang tumawag si Draven.
"3 pa lang okay wag kang excited para namang nag iisang panyo mo to"
(Asan ka ba?)
"Bakit ba?!"
(Pupuntahan na lang kita)
"Hindi pwede"
(Susunduin kita)
"No"
(Yes)
"Fine! Nasa studio ako, okay? Hintayin mo na lang ako jan wag ka ngang atat mashado!"
Tapos binaba ko na yung call.
Andrei's POV.
Nung nag break kami, nakita ko si Kali sa may kabilang side ng studio, may kausap sa phone.
Parang galit na galit or inis na inis.
At dahil sa chismoso ako, lumapit ako at nagkunwaring kumukuha ng tubig sa water dispenser sa tabi niya.
"Fine! Nasa studio ako, okay? Hintayin mo na lang ako jan wag ka ngang atat mashado!" Narinig kong sabi niya.
Sino kaya tong kausap niya?
Nagkatinginan kami sandali, tapos yumuko siya at naging busy bigla sa pagtetext.
Bumalik na ako.