Chapter 27: Home is in your arms.

20 1 0
                                    

Andrei's POV. (Para maiba naman! Heeheehee)

Pagkagising ko ng umaga, diretso ako kina Kuya Krysler at Kuya Kristof para imeet si Ate Kloe.

Magpapasukat n kaming lahat ng damit para sa debut ni Kali.

At tutal ako yung escort, dapat DAW match kami ng kulay na isusuot.

Hala.

Bride and groom lang?

Kaya ayun, nagpasukat na kami.

Hindi ko pa rin alam anong kulay ng isusuot kong Tux at hindi ko rin alam anong kulay ang isusuot ni Kali.

Surprise kuno.

Nagka ayaan sila mag mall at kumain kaya sumama na lang kami nila Kuya Krysler sa dalawang lovebirds, nakakahiya naman kasi kailangan pa daw nila ng chaperones.

Nauunang maglakad sina Ate Kloe at Kuya Kristof.

Magkasama kami ni Kuya Krysler.

Medyo awkward kasi hindi ko kaclose to. Si Kuya Kristof yung kaclose ko.

"So.. naging kayo pala ng kapatid ko" Panimula ni Kuya Krysler.

Napalunok ako dun ha.

"Ah.. eh.. o ---- "

"Alam ko naman lahat ng nangyari"

Yumuko lang ako.

Kailangan ba talaga akong i-accuse ng paulit ulit? Kung alam lang nila gaano ko ka ----

"Mahal na mahal ka ng kapatid ko. Alam ko yun kasi nakita ko at naramdaman ko gaano kasakit yung iyak niya nung nawala ka sakanya. Andrei, bakit?"

Napatingin ako kay Kuya Kristof.

Kamukhang kamukha niya si Kali.

Parang si Kali mismo yung kausap ko.

Napahing ako ng malalim.

"Ang hirap po kasi Kuya. Nung mga times na magkalayo kami, hirap na hirap po ako. Gusto ko po siya makita, mahawakan, mayakap, mahalikan, makausap, makatabi pero wala po akong magawa. Kasi alam ko pong malayo kami sa isa't isa. Alam ko po naging sobrang hina ko. Mahina ako kasi hindi ko po nakaya at nabitawan ko siya. Nabulag po ako Kuya Krysler.."

Siguro nga kailangan ko na rin harapin yung totoo kong nararamdaman.

"Nabulag po ako. Matagal ko na pong kaibigan si Kylie, simula elementary pa po kami. Si Kylie, andoon po siya nung mga oras na miss na miss ko po si Kali. Akala ko po kino-comfort niya lang ako kasi alam niyang nasasaktan ako kase wala si Kali sa tabi ko. Pero hindi ko po alam.. nahulog na po pala siya saakin. At nabulag po ako don. Akala ko po mahal ko na talaga siya. Nung umuwi kami dito sa Pilipinas para mag bakasyon, nung nakita ko ulit si Kali, naisip ko po na mali ako. Maling mali ako.. kasi siya pa rin pala talaga yung babaeng mahal na mahal ko"

"At ngayon nag sisisi ka" Sabi ni Kuya Krysler.

Tumingala ako at pinigilan na pumatak yung mga luha na nangingilid sa mga mata ko.

Hindi ako iiyak sa harap ni Kuya Krysler.

Pero tama siya, nag sisisi ako.

Kung pwede ko lang talaga ibalik yung mga nangyare gagawin ko.

I would kill to have another chance.

Another chance to make it right.

Ang tanga tanga ko para isipin na kaya kong bitawan si Kali. Ang tanga ko para isipin na si Kylie na talaga yung mahal ko kasi anjan siya sa tabi ko. Pero hindi naman pala.

Narealize ko nung gabi na nagkaayos kami ni Kali na, hindi pala pagmamahal yung nararamdaman ko para kay Kylie.

Infatuation.

Akala ko siya na yung babaeng hindi iiwan yung tabi ko. At oo, hindi niya nga iniwan ang tabi ko. Pero nasaan siya sa mga oras na kailangan ko siya? Physically, anjan siya pero mentally nasa trabaho palagi ang isip niya.

Nabulag ako.

Nagpaloko sa physical attractions.

Hindi pa rin maalis sa isip ko yung huling mga salita na sinabi saakin ni Kuya Krysler bago kami maghiwalay.

"At ngayon nag sisisi ka" Paulit ulit na tumutunog sa isipan ko yan.

Pauwi na ako, desperado matulog at kalimutan ang lahat ng nangyare.

Sana sa birthday ni Kali, kahit doon lang, mapasaya ko siya.

Sana maibalik ko yung ngiting nadadala ko nung mga araw na alam niyang mahal na mahal ko siya.

Sana sa mga oras na to kaya kong ipaalam sakanya kung gaano ko pa siya kamahal at walang nagbago.

Nag park na ako sa parking lot tapos nag elevator na paakyat sa unit ko.

Pagod na pagod na ako.

Gusto ko na matulog.

Pumasok ako sa unit ko at nagulat kasi hindi naka-lock yung pinto.

Alam ko ni-lock ko to eh?

Baka may magnanakaw?

Dahan dahan akong pumasok at chi-neck yung sala.

Nakabukas yung mga ilaw.

Pumasok ako sa kwarto ko at laking gulat ko nung nakita kong may babaeng nakahiga sa kama ko.

Itim ang buhok at mahaba, pero hindi ko alam kung sino siya kasi nakatakip yung mukha niya sa buhok niya.

Binuksan ko yung ilaw.

Binuksan niya yung mata niya tsaka inalis yung buhok sa mukha niya.

"Kylie?" Gulat kong sabi.

Kylie's POV.

Kanina pa ako naghihintay sa unit ni Andrei. Ang tagal tagal niya.

Kaya humiga na muna ako sa kama niya at nag nap.

Maya maya may naririnig akong footsteps. Siya na siguro to.

I want to surprise him!

So nagtulog tulugan ako.

Binuksan niya yung ilaw.

Nag unat ako.

"Kylie?" Tanong niya, mukhang gulat.

"Babe!" Sigaw ko tapos tumalon ako to kiss him.

Ngumiti lang siya saakin.

"I miss you" Sabi ko.

"I miss you too" Sabi niya.

"You tired?" Tanong ko naman.

Tumango lang siya.

"Me too" Sabi ko naman.

"Tara, pahinga na tayo" Sabi niya tapos humiga na sa bed niya.

Tumabi ako sakanya tapos humiga sa chest niya.

"It's so good to be back, Drei"

Brinush niya lang yung hair ko.

Andrei's POV.

Nakahiga si Kylie sa dibdib ko.

I feel awkward.

Parang pilit.

"It's so good to be back Drei" Sabi niya.

Brinush ko lang yung hair niya, not knowing what to say.

"Home is in your arms" Bulong niya.

Pumikit ako.

Iniisip na sana, si Kali ang katabi ko ngayon at siya ang nagsambit ng mga salitang "Home is in your arms"

Forever and Always.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon