Andrei's POV.
*Ring*
Napatayo ako sa kinahihigaan ko at nagmadali papunta sa may sala kung nasaan yung cellphone ko.
Sana siya na tong tuourmatawag sakin.
"Hello?" Sagot ko sa tawag ng nakangiti.
(Oy pre! Punta ka dito sa court basketball tayo!)
Damn.
"Tinatamad ako"
(Sige na, may mga kalaban o 5 on 5 kaso apat lang kami)
Kinamot ko yung ulo ko, iritang irita.
Tutal wala rin naman akong gagawin buong magdamag at kailangan ko talagang maglibang kasi miss na miss ko na talaga siya "Ge on the way na" Tsaka ko pinatay yung tawag.
Nagbihis ako at sumakay na sa kotse ko.
Medyo malayo yung court kung nasaan sila Von tsaka yung iba kong mga barkada.
Haaaaaaay.
Kamusta na kaya siya?
Miss na miss ko na siya.
It's been a month na rin.
Pero konting tiis na lang, malapit na rin siyang umuwi.
Pagkarating ko sa court, tinapik nila ako sa likod at nag aya ng simulan yung laro.
Aangas ng mga kalaban namin ah, akala mo sinong mga malalaking tao.
Nangunguna kami sa laro, shempre naman. Varsity kaya kami nung High school no!
Kami nila Von, Matt, JC at Gab.
Natatambakan na namin yung ibang team. 6 points na lamang namin sakanila.
Medyo nagkakaroon ng mga tao, halos babae, pinapanood kami.
Nakakainis nagtitilian akala mo naman first time makakita ng mga lalake.
"Go number 8!" Sigaw nila.
Ako yun.
Jersey #8 ako.
Naknang.
Ang sarap maglaro, nakakawala ng stress at kahit papano nawawala siya sa isipan ko.
Pero sa bawat shoot ko at tili ng mga babae ng "Go #8!", siya ang pumapasok sa isipan ko.
Iniisip ko na sana, siya yung sumisigaw nun kesa sa mga babaeng to.
Natapos yung laro at kami yung nanalo. Sino pa ba diba? Eh sa galing naming to.
Ay wait, mahangin na ba ko mashado? Hahahaha.
Umupo ako sa may bleachers at tinignan kung may tawag ba ako o email man lang galing sakanya.
Pero wala.
Simula nung umalis siya dito sa Pilipinas, hindi na kami nakapag usap.
Ewan ko ba, pero nakakatampo talaga eh.
Wala ba siyang oras?
Nagka yayaan kami kumain na muna, tutal 6 na rin so mag dinner na kami.
Ayun nagsiksikan sila sa kotse ko.
Nakarating na kami sa Chickboy, favorite ko dito!
Tahimik kaming kumakain, shempre seryoso kami gutom na gutom eh.
"Oh Andrei kamusta na mga chix mo" Tanong ni Gab.
"Sus kung maka mga akala mo ang dami ha' Sagot ko naman.
"Eh marami naman talaga tol, kita niyo mga nagsisigawang mga babae kanina? Dana bakit di nalang sila mapasaakin. I'll take any of them" Sabi naman ni JC.
"Edi sayo na" Sagot ko.
"Shit mukhang stick to one ata si lover boy" Pamusit naman ni Von.
Tumawa na lang ako at napailing.
Oo.
Isa lang talaga yung mahal ko.
Yung babaeng nagmamay ari ng puso ko.
Kali's POV.
Ang lamig naman dito grabe, hindi ako sanay.
Haaaaaay.
Kamusta na kaya sina Kuya Krysler at Kuya Kristof? Miss na miss ko na sila.
Andito ako ngayon sa Paris with Mom and Dad.
Eh yung plano kasi dapat talaga uuwi na lang sila dito the week before my debut.
Si Dad naman nag insist na mag vacation ako dito with them so parang getaway ko na yon and additional birthday gift niya na rin saakin.
Almost one month na akong andito, miss na miss ko na talaga mga tao sa Pilipinas.
Hindi ako mashado nag eenjoy kasi naman no wala akong kakilala kundi si mama at papa lang.
Pero yung isa kong bestfriend in elem, si Isabel andito siya sa Paris so we're keeping touch in Facebook tapos we'll see kailan kami pwede magkita.
Hindi man nga ako makapag pahinga dito sa Paris eh.
Alis kami ng alis ni Mama, dito kasi ipapagawa yung gown ko para sa debut and kasama pala namin yung isa pang organizer tapos dito kami namimili ng give aways and decorations.
So parang nasa Pilipinas lang rin ako, getting busy with my upcoming debut yung difference nga lang is yung surroundings.
Nasa room ko ako ngayon, nakaupo sa may window side, sa labas ng window ko kitang kita ko yung Eiffel Tower. Pupunta kami jan bukas with our photographer to shoot some photos for the give aways and invitations na isesend out the next day after tomorrow.
Nag sigh ko. Haaaaaaaaaaay..
Andito ako sa city of love without the love of my life, how depressing right?
Namimiss niya rin kaya ako?
To find out, I snatched my cell on my bedside night table and dialled his number.
Hala englisera na talaga porke nag Paris lang? Hahahahahaha.
Anyway, nagriring na yung phone.
"Hello?" Sabi ko.
Andrei's POV.
Andito na ako sa condo ko ngayon, nakahiga na.
Mga 10:30 na rin ako nakarating ng bahay so pagod na pagod na ako. Medyo masakit rin yung katawan ko gawa ng di ako nakapag stretchings kanina bago maglaro.
Nakapikit na ako ng biglang nag ring yung phone ko.
(Hello?)
"Oh hey"
(How are you? I miss you)
"Okay lang, eto, miss ka na rin"
(I'll be home soon)
"I know, I know"
(You sound so restless)
"Pagod lang, nagbasketball kasi ako eh"
(Oh pahinga ka na. I just called because I miss hearing your voice)
"Sige'
(Good night. I love you.)
"... love you too" Sagot ko.
Pinatay ko na yung call at tumingin sa ceiling. Bakit ganun?
Bakit ganun yung pakiramdam ko?
Para akong nabagsakan ng hollow blocks nung nakita kong "Kylie" ang nakasulat sa caller ID imbes na "Kali"?
Diba dapat matuwa ako kasi ang tagal na naming hindi nakakapag usap at tumawag siya?
Diba?
Pero bakit ganun.
Bakit si Kali yung hinahanap hanap ko?