Chapter 2: Prom King & Prom Queen

64 1 0
                                    

Kali's POV.

At alam niyo naman gano ako kabatugan, 11:30 nanaman ang gising ko. Pag gising ko, nasa tapat ko yung manequin at yung long gown ko.

"Kuyaaaaa! Ano ba bakit tinapat mo naman sakin to?!" Sigaw ko.

Dali dali naman pumasok ng kwarto ko si Kuya Krysler atsaka natawa.

"Alam ko naman gaano ka kaexcited"

Tumayo na ko sa kama at maliligo na.

"Kung alam mo lang"

"Oh bakit malungkot ang prinsesa ko?"

"Eh kasi kuya si Andrei ----"

"Ma'am Kali magready na daw po kayo, parating na daw po yung make up artist niyo"

To namang si yaya panira eh!

"Kung ano man yan Kal, smile lang! Sayang yung ganda mo mamaya oh!"

"Sayang talaga"

Tsaka na ko nag lakad papasok ng banyo.

Oo kuya! Sobrang sayang! Sayang kasi hindi man lang kami magkikita ni Andrei ngayon!

Tsk.

Di ba pwedeng naka pajama na lang sa prom?

Wala rin naman eh. Imbyerna.

5 hours akong inaayusan at ayun, just on time, nasa venue na ako.

Naglalakad na ko papasok tapos bigla..

"Wow Kali, you look beautiful tonight ah"

"Tonight lang?" Baling ko.

Tumawa si Astra "Oo eh.."

"Ganon? Sayang naman, ikaw halos100 pounds na make up na ata yang nasa mukha mo, wa effect pa rin"

Tsaka na ko pumasok at iniwan si Astra na nakanganga.

Ayos naman yung event. Pero di ko masasabing masaya yung gabi ko.

"Konting smile naman! Tinatakot mo yung mga gusto magsayaw sayo eh"

Tsaka ako tinayo ni Jace at sinayaw.

So shempre, siya ang first dance ko.

Only dance.

At ano pa nga ba?

Last dance -____________-

Nasayaw ko rin naman yung iba kong friends at ayun, kahit papano medyo masaya naman.

Kumain muna taposs iaannounce na yung Prom King & Prom Queen.

Zzzz. Wala talaga si Andrei.

Ayaw ko naman magmukhang desperada at pa-obvious kakahanap kaya tumayo na lang ako para magpahangin na muna sa labas at hintayin na lang hanggang sa tawagin yung mga mag cocotillion.

"And our Prom Queen is.."

Sus. Pa thrill pa si Emcee eh for sure naman na si Astra yan.

Kung gaano ba naman siya kasipsip.

Tapos yung Prom King si Jace..

Okaya naman si Andrei.

Kung sanang, andito lang siya.

Malapit na ko sa door ng biglang may ilaw na tumutok saken.

Wtf, spotlight? Bawal ba lumabas?

Magpapahangin lang naman ako ah. Hihinga lang pwede ba, bakit ----

Forever and Always.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon