Chapter 30: What the hell.

22 0 0
                                    

Kali's POV.

Kinabukasan, nagising ako ng may text si Andrei saakin.

Ang sabi niya pumunta raw ako sa condo niya.

nagdadalawang isip ako pero gusto ko siyang makita.

Nagbihis na ako para pumunta sa condo niya.

After ilang minutes, nakarating na rin ako.

Nakasara yung pintuan pero I can hear na he's shouting.

Bakit kaya?

May sumigaw rin na babae.

"So anong plano mo?! Keep this shit from me?! My God Drei! So kaya pala? Kaya pala everytime you look at her, it's like, she's your prized possession. I can't believe you!"

Kylie? O.O

Aalis na sana ako ng biglang bumukas yung pintuan.

Nagkatinginan kami ni Kylie.

Umiiyak siya.

"You backstabbing bitch!" Tapos tinulak niya ako sa wall.

"Kylie stop!"

"Ano?! So gusto mo pa yung boyfriend ko?! Kaya sha yung pinili mong maging escort?! Siguro pinilit mo yung mom mo na gawing escort si Andrei no?! Para kahit papano, mag spend kayo ng time together. I trusted you Kylie!" Sigaw pa niya.

"Sa tingin mo ginusto ko lahat ng to? Ha?! Sa tingin mo ginusto ko bang umalis si Andrei at iwanan ako dito para makalimutan ako at ipagpalit sayo?! Sa tingin mo ginusto ko yun?! Kung alam mo lang, araw araw Kylie hinihiling ko na sana pagkagising ko ng umaga, wala na yung sakit. Na nakalimutan ko na si Andrei. Pero hindi eh! Mahirap gawin! Akala mo naagawan ka sa ginawa ko? Akala mo napag taksilan ka?! Hinde Kylie! Ako yung naagawan! Ako yung nawalan! Hindi ko naman inaagaw si Andrei sayo eh!" Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako.

Tumalikod na ako at umalis.

"Kali!" Sigaw ni Andrei.

"What? Now you'll stop her?" Sigaw ni Kylie.

Umiyak lang ako ng umiyak.

Tapos tumakbo na ako palayo.

Palayo sakanilang dalawa.

Palayo sa dalawang taong nanakit at patuloy na nananakit saakin.

Ayaw ko muna umuwi.

Hindi ko alam saan ako papunta pero dinala ako ng mga paa ko dun sa park kung saan kami nag sayaw ni Andrei.

Nahiga ako sa may bench, wala na rin naman masyadong tao.

Nakahiga ako, tinitignan yung mga stars.

"Kapag nabilang ko lahat ng stars sa langit, kapag nabilang ko na lahat ng to, promise, mawawala na yung sakit." Sabi ko sa sarili ko.

Napatingin ako dun sa sandalan ng bench.

May nakaukit.

KJA <3 AJC (Kalishanda Jae Andrada <3 Andrei Jeuseff Cortez)

Ugh.

Sa lahat ng bench na pwede kong upuan, dito pa.

Simula nung naging crush ko kasi si Andrei, inukit ko yun sa bench.

Hindi ko alam kung nakita niya na to.

Haaaay.

Ang bilis ng panahon no?

Yung taong dating patay na patay ako, ngayon memory na lang.

Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala yung luha sa mga mata ko.

Andun lang ako, nakatingin sa mga stars, umiiyak.

Hanggang may nag abot ng panyo saakin.

Huh?

Umupo ako ng diretso.

"Miss, anong problema?"

Uh oh. Stranger danger.

Umiling lang ako, baka sakaling iwanan ako ng lalakeng to kapag hindi ko lang pinansin.

Pero hinde.

Umupo siya sa tabi ko.

Binigay yung panyo saakin.

Kinuha ko na, nakakahiya naman kasi "Salamat" sabi ko. Tapos pinunasan ko yung mukha ko.

"It's weird na andito ka sa isang park, magisa, gabi, at umiiyak. It's dangerous out here."

Tinignan ko lang siya.

"Break up?" Tanong niya ulit.

"No."

"I don't really get why people cry after break up or after they get their hearts broken"

"Uh, kasi masakit. Duh?" Sagot ko naman.

He looked at me na parang "Are you crazy?" look.

"What?" Tanong ko.

I can't believe na I'm having a conversation with a guy I barely know.

"Diba kapag nagmahal ka dapat expect mo ng masasaktan ka? Tapos in the end iiyak ka tapos sisisihin mo yung mundo kasi things didn't turn out the way you wanted them to be. Who's fault? Yours. Now you're crying? Not really worth it. Expected na eh, tapos ngayon iiyak iyak ka."

"Excuse me pero you know nothing about me"

"Yeah. But you're just so damn easy to read."

Di ako umimik.

Binalik ko na yung panyo niya.

"Ibalik mo na lang kapag malinis na, puno ng sipon mo" Tsaka na siya tumayo.

Wtf? Ang mean niya!

"Eh pano ko mababalik hindi naman kita kaki ---- "

Bago ko pa matapos yung sasabihin ko, nasa malayo na siya.

Hay nako.

Boys talaga.

Very unpredictable.

Ang gulo nila.

Nahiga na ako ulit sa bench, ayaw ko pa talagang umuwi.

"If you're wondering how to contact me so you could bring back my hanky, here." Tapos inabot niya yung isang balloon saakin na kulay pink tsaka na siya umalis.

Nakasulat sa balloon "Draven Gonzales 09156689515"

Ugh.

Nakakainis tong lalakeng to.

Akala ko pa naman napaka gentleman ipahiram saakin yung panyo niya tapos ipapalaba rin pala saakin.

Kung kailan broken hearted ako, sasabayan pa ako ng Draven Gonzales na to.

Sino ba tong lalakeng to?!?!?! -_______-

Forever and Always.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon