TEASER
ISANG PAG-IBIG NA AKALA NILA AY PANGHABANGBUHAY...
"Bakit kasi hindi pa kayo magpakasal, Japoy at Macoy?"
"Kasal? Legal na ba ang same-sex marriage dito sa Pilipinas?"
"Hindi na namin kailangang magpakasal... Ang importante naman ay nagkakaintindihan kaming dalawa..."
ANG PAG-IBIG AY PARANG VIDEO GAMES... MADALING NATATAPOS KAPAG MAY CHEAT.
"Mamili ka, Macoy?! Ako o siya?!"
"I'm sorry, Japoy, pero... mas mahal ko siya."
ISANG PANIBAGONG SIMULA... BILANG MAGKAIBIGAN...
"Hindi man tayo hanggang huli, basta maging magkaibigan man lang sana tayo. Friends?"
"Friends..."
NGUNIT SADYANG SA PAGHIHIWALAY NG DALAWANG PUSO, PILIT MAY ISANG NASASAKTAN AT UMAASA...
"Hindi ka makaka-move on kay Macoy kung patuloy ka pa ring nakikipagkaibigan sa kanya!"
"So, ano ang kailangan kong gawin?"
"Tuluyan mo na siyang iwanan."
AT SA KANYANG PAGLAYO, ISANG PANIBAGONG PAGKAKATAON PARA MAGMAHAL ANG KANYANG MATATAGPUAN...
"I love you, Japoy..."
"Wag ako... May bagahe pa akong dala-dala sa puso. Mahal ko pa rin siya..."
"Kaya nga andito ako, para tulungan ka sa pagdadala ng bagahe mo. Hanggang sa kaya mo na yang bitawan..."
Ano ang pipiliin mo?
Ang CHANCE para sa bagong pag-ibig?
O ang CHANCE para sa taong minsan ka nang sinaktan?
BINABASA MO ANG
When The Rainbow Ends
RomanceKapag natapos na ang lahat... Kaya mo pa bang magsimula ulit?