CHAPTER 15- His Friends
"JAPOY... sorry talaga. Hindi ako makakasama, eh. Ang sakit-sakit talaga ng ulo ko..."
"Hala ka naman, Benj! Sayang naman kasi pumayag na si Jay na isama kita sa birthday party niya. Kanina naman, okey ka tapos ngayon bigla kang ganiyan..."
Nasa bahay ako ni Benj at sinusundo ko na siya dahil papunta na kami sa condo unit ni Jay. Doon kasi gaganapin ang celebration ng birthday ni Jay para sa malalapit niyang kaibigan. Ang sabi niya ay limang friends lang niya ang pupunta tapos kaming dalawa ni Benj. Pero mukhang ako na lang ang makakapunta dahil biglang nag-inarte itong kaibigan ko.
Bumangon si Benj mula sa pagkakahiga niya sa kama. Mukha nga naman siyang may sakit. "Hay naku, kung kaya ko lang talaga, kanina pa ako nagbihis. Alam mo naman na gusto ko nang makilala 'yang Jay mo. Pero, hindi ko talaga kaya. Ewan ko ba. Bigla na lang sumakit ang ulo ko..."
Bumuntung-hininga ako. "Sige na nga. Mag-isa na lang akong pupunta doon kahit kinakabahan ako na makilala ang friends ni Jay!"
"Ha? Bakit ka naman kakabahan? Friends niya lang iyon."
"Wala lang. Baka kasi mga pasosyal ang mga iyon. Kilala mo naman ako. Jologs..."
"Ay! Self-pity lang ang peg? Tumigil ka nga diyan, Japoy. Saka, sabi mo naman sa akin hindi maarte si Jay kahit sobrang yaman niya. Malamang, ganoon din ang mga kaibigan niya."
"Sabagay, may point ka. Bahala na nga."
"Sige na, sige na! Umalis ka na at baka ikaw na lang ang wala do'n. 'Wag kang pa-importante," biro ni Benj sa akin.
"Oo na. Uminom ka ng gamot. Okey? Alis na ako. Bye!"
"Enjoy! Kwentuhan mo ako bukas, ha..."
At iniwan ko na si Benj para magtungo sa condo ni Macoy.
Haay... Kinakabahan talaga ako.
-----***-----
NAKA-ISANG pindot lang ako sa buzzer ng pinto nang bumukas iyon. Isang mestisa at magandang babae ang bumungad sa akin. Hindi ko siya kilala kaya naman napakunot ako ng noo. Baka isa sa friends ni Jay. Medyo maingay sa loob at parang madilim. Anong meron?
"You're Japoy? Right?" malaki ang pagkakangiti niya sa akin.
Naamoy ko ang hininga niya. Amoy alak.
"Oo, ako nga-"
Bigla niya akong hinila papasok. "Kanina ka pa hinihintay ni Jay. The party just started!"
Pagkasara ng pinto ay napuno ang tenga ko ng maharot na music. Pang-party talaga. Pati ang ilaw ay maharot. Patay-sindi. Parang sa mga disco house. Nakita ko si Jay na nakaupo sa isang upuan at may blindfold. Nakabukas ang mga butones ng kanyang polo kaya naman nakikita ang mabalahibo niyang dibdib. May nakaikot sa kanya na isang lalaki at dalawang babae na sa unang tingin ko pa lang ay alam kong mga mayayaman. Dahil sa suot nila kaya ko nalaman.
Nilapitan no'ng babaeng nagbukas ng pinto kay Jay at bumulong. Tumango-tango si Jay.
"Japoy?" tawag niya sa akin.
"'A-andito na ako, Jay-"
Akmang lalapit sana ako sa kanya pero hinatak ako no'ng babae. Umiling siya habang nakangiti.
Nalilito na ako sa nangyayari, ha!
Biglang namatay ang ilaw. Wala na akong makita.
Nang bumukas iyon at bumalik ang maharot na ilaw ay may isang lalaki na napakagwapo na lumabas mula sa kusina. Ang kulay balck na brief lang ang suot nito. Parang macho dancer na lumalapit ito kay Jay. At nang makalapit na ito doon ay hinawakan nito sa balikat si Jay at saka ito gumiling nang gumiling.
Hiyawan ang lahat except sa akin.
Tawa lang naman nang tawa si Jay. "Come on, guys! Ito ba ang sinasabi niyong surprise niyo sa akin?" aniya.
"'Yan ang gusto mo, 'di ba?" sigaw no'ng lalaki.
Wala talaga akong maintindihan sa nangyayari. Ang ini-expect ko kasing celebration ng birthday ni Jay ay simple lang dahil iyon ang pagkakakilala ko sa kanya. Iyong kainan lang tapos may konting inuman. Kwentuhan. Ganoon lang. Pero... ano ito?
Mas lalong ginalingan ng lalaki ang paggiling. May pahimas-himas pa ito sa dibdib, braso at mukha ni Jay. Maya maya ay biglang kinuha ng lalaki ang kamay ni Jay at ipinasok iyon sa loob ng brief ng lalaki.
"Woooh!!!" Halos magwala na ang lahat maliban sa akin.
Biglang tumayo si Jay at tinanggal ang blindfold.
"Surprise!" ani ng lalaking naka-brief.
"Vien?!" Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya.
Niyakap no'ng Vien si Jay at hindi ko inaasahan na hahalikan pa nito si Jay. Sa una ay smack lang hanggang sa naging iba na ang galaw ng mga labi nila. Unang kumalas sa kiss si Jay.
"K-kailan ka pa bumalik from California?"
"Last week pa. Bumalik ako dahil sa birthday mo."
Biglang napadako ang mata ni Jay sa akin at doon lang niya yata naalala na naroon ako. Nilapitan niya ako habang binubutones ang kanyang polo. Inakbayan niya ako. "Guys, meet Japoy... siya iyong dine-date ko ngayon." Nag-hello ako sa kanilang lahat. "Japoy, sila naman ang mga friends ko. Si Princess, Wendy, Vien, Peachy and Louie."
Si Princess pala iyong nagbukas ng pinto sa akin kanina.
"I'm his ex," kumaway pa sa akin si Vien.
Isang alanganing ngiti lang ang isinagot ko kay Vien.
Wait. So, out din pala itong si Jay sa friends niya. Ngayon ko lang nalaman, ha.
Lihim kong pinagmasdan si Vien. Matangkad, moreno, maganda ang katawan at gwapo. Mukha pang mayaman. Siya ang ex at ako ang pwedeng maging next. Kung ikukumpara pala ako sa kanya ay walang-wala ako. Para akong langaw na itinabi sa isang magandang paru-paro.
Nakakapang-liit naman. Tapos ipinakilala pa ako ni Jay bilang dine-date niya.
"Hindi ko alam na nagbago na ang taste mo, Jay..." Si Wendy. Iyong mukhang masungit dahil siguro naka-eyeglasses ito.
"Wendy, kapag kasi puso na ang nagsabi, wala ka nang magagawa kundi sundin ito," sagot ni Jay.
"Yuck! Corny!" ani Peachy. "Anyways, pwede bang kumain na tayo? Nagugutom na kasi ako." At nauna na ito sa pagpunta sa dining area. Sumunod na dito ang iba pa maliban sa amin ni Jay na nagpaiwan sa salas.
Binuhay muna niya ang ilaw bago ako kinausap.
"I am so sorry, Japoy. Hindi ko alam na ganoon ang surprise ng friends ko sa akin..."
"Ah, iyong sayawan ka ni Vien-your ex?" Hindi ko napigilan ang medyo pagalit na pagsasalita ko. Medyo nagselos kasi ako kanina.
"Hey! Nagseselos ka ba?" natatawa niyang tanong.
Umiwas ako ng tingin. "H-hindi, ah!"
"Okey. Sabi mo, eh..."
"Jay, uuwi na siguro ako. Magpapaka-honest na ako, ha. Para kasing iba ako sa friends mo. Baka ma-OP lang ako, eh."
"Ha? 'Wag ka munang umalis. Hindi ka pa nga nakakakain, eh."
"Pero, Jay-"
"Japoy, alam ko, iba ka sa kanila pero pinapunta kita dito dahil birthday ko. Pumunta ka dito for me, right?" Marahan akong tumango. "Please, stay... hanggang matapos ang party."
Haay... Ang hirap namang tumanggi kapag ganitong halos lamunin na ako ng nagmamakaawang titig ni Japoy sa akin. Tama naman talaga siya, nagpunta ako dito para sa kanya. Porket feeling ko ay hindi kami magkakasundo ng friends niya ay aalis na agad ako?
Huminga ako ng malalim. "Okey. Mag-i-stay ako. Pero, ipangako mo na palagi ka lang sa tabi ko."
"Promise!" aniya. "So, tara na? Gutom na rin kasi ako, eh."
Tumango ako.
In-offer niya ang kamay niya. Walang pag-aalinlangan na hinawakan ko iyon at magkahawak-kamay kaming pumunta sa mga kaibigan niya na nasa dining area na.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
When The Rainbow Ends
RomansaKapag natapos na ang lahat... Kaya mo pa bang magsimula ulit?
