CHAPTER 05- Painful Truth

2K 84 11
                                    

CHAPTER 05- Painful Truth

ISANG araw after ng pagpunta namin sa Batanes, hindi pa rin kami nag-uusap ni Macoy. Pero may balak na akong kausapin siya at humingi ng sorry. Sigurado naman ako na papatawarin niya ako. Mahal na mahal kaya ako no'n at hindi niya ako matitiis.

At para maramdaman niya na sincere talaga ako sa paghingi ko ng sorry ay narito ako sa mall kasama si Benj. Ibibili ko ng gift si Macoy. Wristwatch na G-Shock. Alam ko, matagal na niyang gustong bumili no'n.

Tumitingin-tingin na kami ni Benj sa isang store ng mga relo.

"Benj, sa tingin mo, anong color ang maganda? Itong gray or red?" tanong ko sa kanya habang hawak ang dalawang relo.

"Sure ka ba talaga na bibilhan mo pa siya ng relo worth nine thousand pesos para maramdaman niya na sincere ka sa pagso-sorry mo?"

"Bakit hindi? Isa pa, monthsary gift ko na rin ito sa kanya. Wala naman sigurong masama."

"Ewan ko lang, ha. Para kasi sa akin, hindi na kailangan ng mamahaling gift para maramdaman ng isang tao na sincere ka sa sorry mo. Ikaw lang yata ang nagpauso ng ganiyan, Japoy! And besides, ang dabi mo sa akin, hindi ka kayang tiisin ni Macoy, so, bakit kailangan pa ng gift?"

"Alam mo, bakit hindi kaya suportahan mo na lang ako. So, ano nga? Gray or red?"

"Gray!" nakasimangot na turan ni Benj sabay turo sa kulay gray na relo.

Iyon na nga ang binili ko. Paglabas namin ng store ay biglang hinila ni Benj ang manggas ng suot kong shirt.

"Japoy! 'Di ba, si Macoy 'yon?" sabay turo niya sa lalaking nakatalikod sa amin.

Tama si Benj. Si Macoy nga iyon. Sigurado ako kahit nakatalikod pa siya. Ang tagal na naming magkakilala kaya kahit nakatalikod pa siya ay makikilala ko pa rin siya. Lalapitan sana namin siya pero bigla akong pinigilan ni Benj nang may lumapit sa kanyang lalaki. Nakaharap sa direksiyon namin iyong lalaki. Nag-uusap sila ng Macoy at parang masaya ang pinag-uusapan nila dahil patawa-tawa iyong lalaki.

"Sino 'yong kasama niya?" mahinang tanong ni Benj.

Tinitigan kong mabuti iyong lalaki at inatake ako ng kaba nang mamukhaan ko iyon.

Si Theo! Iyong Facebook friend ni Macoy na sinasabi niyang hindi niya kilala!

Hindi kilala? Pero bakit sila magkasama ngayon?

So, tama nga kaya ang hinala ko? Niloloko ako ni Macoy?

"B-benj, tara na!" sabay hila ko sa kamay ng kaibigan ko. Garlgal na ang boses ko.

Medyo bumigat din ang paghinga ko dahil sa nakita ko.

Ipiniksi ni Benj ang kamay niya. "Anong tara na? No. Susundan natin ang dalawang iyan. Gusto ko na silang sugurin pero baka mapahiya tayo. Baka magkaibigan lang sila or what."

"Ayoko. Umuwi na tayo-"

"Tumahimik ka! Teka, paalis na yata sila!"

Naglakad na palabas ng mall sina Macoy at Theo at lihim kaming nakasunod sa kanila.

Sa bawat pagdadaiti ng mga braso at kamay nila habang naglalakad ay barang pinipiga ang puso ko sa sakit. Pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko sa sobrang selos ng sandaling iyon. Ang bawat hakbang ko ay parang parusa sa akin.

Saan nga ba pupunta sina Macoy?

At ang tanong kong iyon ay nasagot matapos ang halos limang minutong lakaran.

Pumasok ang dalawa sa isang hotel!

Halos himatayin na ako. Gusto ko nang umiyak dahil sa nakita kong panloloko sa akin ni Macoy. Totoo pala ang lahat ng hinala ko. Totoo ang kutob at mga pagdududa ko.

"Hayop na Macoy 'yan! Ang kati! Ano? Papasok ba tayo?" gigil na tanong ni Benj sa akin habang nasa tapat kami ng hotel na pinasukan nina Macoy at Theo.

"'Wag na... U-umuwi na tayo, Benj..."

Sa pagkakataon na iyon ay hindi na tumutol si Benj sa gusto ko. Umuwi na kami sa bahay ko. Alam siguro niya na baka hindi ko kayanin ang lahat kapag sinugod pa namin si Macoy sa loob ng hotel.

-----***-----

"HAYOP siya! Hayop siya!" Kung makasigaw naman si Benj ay parang siya ang niloko ni Macoy.

Kanina, nang makita ko siya na may kasamang iba ay gusto kong umiyak. Pero ngayong nandito na ako sa bahay at malaya na akong umiyak, hindi naman ako maiyak. May parte kasi ng puso ko na nagsasabi na huwag ko munang husgahan si Macoy base sa nakita ko lang kanina. Ang balak ko ngayon ay kausapin si Theo bago si Macoy.

Kapag si Macoy kasi ang una kong minausap, pwede niyang itanggi ang lahat. Pero kung si Theo naman, hindi naman niya alam na kami ni Macoy, so, hindi niya itatanggi kung sila nga ni Macoy. Pero, paano ko makakausap si Theo?

-----***-----

NANG araw din na iyon, hindi na ako nag-aksaya ng oras. In-add ko si Theo sa Facebook at agad naman niya akong in-accept. Malabong magkausap kami sa personal kaya dito ko na lang sa Facebook gagawin iyon. Pagka-accept niya sa akin ay agad ko akong nagsend ng private message sa kanya...

JAPOY: Hi! You look familiar. Classmate ba kita dati?
THEO: Hello. I saw your profile and magkaiba tayo ng school. Hindi siguro...

Boom! Nagreply siya. Kailangan ko lang ituloy-tuloy ang pakikipag-chat sa kanya hanggang sa makuha ko sa kanya ang impormasyon na kailangan ko.

JAPOY: Oh, sorry. May isa pa akong, question. Kilala mo si Macoy Morales? Mutual friend kasi natin siya. He added me, hindi ko naman siya kilala.
THEO: Yes, kilala ko siya.
JAPOY: Kaano-ano mo siya?

Seen lang ang sumagot sa akin. Hindi siya nag-reply. Pero hindi ko kailangang sumuko.

JAPOY: Friend mo ba siya? Magkakilala kayo personally?
THEO: You're bi, right? Boyfriend mo ba si Macoy? Hinuhuli mo ba siya?
JAPOY: What? No. Curious lang ako sa kanya. And besides, hindi ako bi. Meron na akong wife.
THEO: Ah, I see... He's my boyfriend.

Nanginginig na ang kamay ko nang sandaling iyon. Confirmed. May relasyon nga si Macoy sa Theo na ito. Unti-unti nang nanlalabo ang paningin ko dahil sa luhang sunud-sunod na lumalabas sa mata ko. Sobrang sakit. Sa lahat, si Macoy ang naiisip kong kahuli-hulihang tao na pwedeng manakit sa akin. Pero mukhang nagkamali ako...

JAPOY: Talaga. Gaano na kayo katagal magkakilala?
THEO: Four months...

At four months na pala niya akong niloloko!

JAPOY: Ah, kami kasi... Two years and six months na.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at ganoon na ang naisagot ko sa reply sa akin ni Theo. Sa tingin ko ay hindi nga talaga alam ni Theo na kami ni Macoy. So, parehas kaming niloloko ni Macoy?

THEO: Anong ibig mong sabihin?

Pinahid ko ang luha sa pisngi at mata ko. Si-neen ko ang message ni Theo at pinatay ko ang netbook ko. Sumubsob ako sa unan ko at doon ko ibinuhos ang lahat ng luha na gustong kumawala sa aking mga mata.

Kailangan kong makausap si Macoy.

Kailangan niyang mamili.

Ako o si Theo?

TO BE CONTINUED...

When The Rainbow EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon