CHAPTER 01- Forever Starts

5.7K 128 9
                                    

CHAPTER 01- Forever Starts

"JAPOY"

"RELAX, Japoy... Just relax, okey?"

"I'm relaxed, Benj. Hindi ko lang ma-gets kung saan mo nakuha ang idea na ito na kailangan kong makipag-blind date. Kabaliwan ito. Gawain lang ito ng mga desperadong magkaroon ng lovelife!"

"But you're desperate, 'di ba? You're twenty now and single pa rin. Sa mundo nating mga kasama sa LGBT people, masyado ka nang hopeless."

Yes, LGBT. Bata pa lang ay alam kong iba na ako. Lalaki ako at sa lalaki rin ako nagkakagusto. I'm gay. Pero mas pinili ko na magkilos lalaki at bihis lalaki. Hindi naman sa ikinahihiya ko kung ano ako. In fact, I am proud at alam iyon ng family at close friends ko. Hindi naman porket gay ang isang lalaki ay dapat na siyang magbihis babae at mag-make up. Dito ako komportable, so, ganitong lifestyle ang pinili ko. Pinigilan ko naman ito dati pero mahirap palang kalaban kung ano ka talaga. Nag-girlfriends ako noong high school at college days pero, wala... Ganito talaga ako. Hanggang sa sumuko na lang ako at tinanggap kung ano ang tunay kong pagkatao.

"I am not hopeless, Benj. Okey? Nag-e-enjoy pa ako sa buhay ko with my younger brother. Kuntento na ako sa happiness na nakukuha ko mga awards and medals na nakukuha ni Nash sa school."

"'Wag ka ngang plastik, Japoy! Ang mga medals at awards, hindi ka niyan mayayakap or maki-kiss. Kahit maubusan ka pa ng boses kakasabi ng I love you sa mga medals, hindi 'yan sasagot! Wait nga lang, may first kiss ka na ba? I can't remember na nagkwento ka about your first kiss, Japoy!"

Sa tanong na iyon ng bestfriend kong si Benj ako hindi nakasagot. Kausap ko siya sa phone at nasa isang coffee shop ako. Hinihintay ang isang lalaki na ka-blind date ko ngayon. At pakana lahat ito ni Benj.

First kiss... Ano nga bang alam ko sa bagay na iyon?

Oo, wala pa ako no'n. Kahit ang mga naging girlfriends ko ay hindi ko magawang halikan dahil kinikilabutan ako. Wala pa rin naman akong nagiging boyfriend kaya imposible na magkaroon ako ng tinatawag na first kiss.

Twenty na ako at isang writer sa isang sikat na publishing company. Masasabi kong stable na ang pamumuhay ko. Sakto lang ang kinikita ko sa pagsusulat para sa pangangailangan naming magkapatid. Isa pa ay meron kaming anim na unit ng apartment sa may Laguna. Negosyo iyon ng parents namin noong buhay pa sila. I was eighteen years old nang mamatay sa isang car accident ang parents namin at simula noon ay mas naging malakas ako para sa kapatid ko. Ako na ang bumuhay sa aming dalawa at sa awa naman ng diyos ay makaka-graduate na si Nash sa elementary thir year.

May ipinapatayo rin kaming bahay sa may Batangas at siguro in a couple of years ay tapos na iyon. Doon na kami titira dahil masyadong magastos ang umupa ng bahay na ginagawa namin ng kapatid ko ngayon.

Masyado akong naging subsob sa trabaho ko lalo na ngayong nalalapit nang mag-high school ang kapatid ko. Napabayaan ko na nga ba ang sarili ko at sa edad kong twenty ay kahit first kiss ay wala ako?

"Japoy? Are you still there?" untag ni Benj mula sa kabilang linya.

"Ah, y-yes-"

"You're Japoy Pascual, right?"

Napatingin ako sa matangkad na lalaki na nakatayo sa harapan ko na bigla na lang nagsalita. May ngiti siya na napaka-sweet at matang matapang tingnan. Halos limang segundo rin akong nakanganga sa kanya bago ako nakakuha ng mga words na sasabihin.

"Y-yes. Ako nga. You are?"

"Macoy... Macoy Morales."

So, siya na pala ang ka-blind date ko.

When The Rainbow EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon