CHAPTER 02- Cool Off Muna

2.5K 96 9
                                    

CHAPTER 02- Cool Off Muna

"JAPOY"

"MACOY, punta ka dito sa Laguna this Sunday, ha. Off ka naman,'di ba? Monthsary natin." Nagvi-video call kami ni Macoy sa Skype that night. Kaka-out lang niya sa hospital kung saan siya nagtatrabaho.

Halata ko sa mukha ni Macoy ang pagod sa duty niya. Bago siya umuwi from work ay nag-text pa siya na sobrang pagod siya at biglang dumagsa ang pasyente. Sa ward station kasi siya naka-assign kaya toxic lagi. Naaawa nga ako sa kanya minsan, kung pwede nga lang na 'wag na siyang magtrabaho. Hindi naman pwede iyon. Iyon naman ang isa sa gusto ko kay Macoy. Only child siya at may kaya ang pamilya niya pero hindi niya nagawang umasa sa mga magulang niya. Nag-suggest ako sa kanya noon na mag-iba ng trabaho pero ayaw niya. Gusto niya pa rin 'yong nagagamit niya ang kanyang pinag-aralan.

"Japoy, pwede bang sa Monday na lang? Sa Sunday kasi ay six ng umaga ang out ko. Tapos, magkikita tayo ng hapon... Sobrang bitin naman ng tulog ko kapag ganoon. Okey lang ba?"

Aaminin ko, disappointed ako sa sagot ni Macoy. Importante kasi sa akin na ma-celebrate ang monthsary namin sa mismong date niyon.

Sobra ang simangot na ginawa ko. "Okey. 'Wag na lang nating i-celebrate ang monthsary natin this month! Saka na lang kapag hindi ka busy! Sige, bye na!" Hindi ko na hinintay ang pagsasalita niya at in-end ko na ang video call.

Busangot ang mukha na humiga ako habang nasa kamay ko pa rin ang cellphone ko. Maya maya ay tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Macoy sa Skype. I declined it. Cli-nose ko na na ang Skype ko para hindi na talaga siya makatawag pa.

Maya maya ay sa mismong phone number ko na siya tumawag.

Cancel ko ulit!

Tawag ulit.

Cancelled again.

Tumunog ang message alert ng phone ko at hindi ako nagkamali nang isipin kong mula kay Macoy ang text message na iyon. In-open ko at binasa... OK. Fine, we'll celebrate our monthsary this Sunday. 'Wag nang magalit. I love you.

Aaminin ko, kinilig ako sa text message niyang iyon.

Kaya naman nang tumawag siya ulit ay sinagot ko na iyon. Masaya naming pinag-usapan ang mga gagawin namin sa Sunday.

-----***-----

HANGGANG sa dumating na nga ang pinakahihintay naming dalawa...

Sunday. Our two years ang one month together as a couple.

Three o'clock na ng hapon nang magkita kami ni Macoy sa terminal ng jeepney sa Calamba, Laguna. Medyo nainis ako sa kanya dahil late siya ng thirty minutes.

"Sorry naman, Japoy... Alam mo naman na kaka-out ko lang kaninang six ng umaga sa ospital, 'di ba? And besides, galing pa ako ng Batangas, traffic kaya medyo na-late. Sorry," sabi niya habang naglalakad na kami papunta sa jeep na nasa unahan ng pila. Papunta iyon ng mismong bayan ng Calamba.

"Okey na. Palalampasin ko ito dahil monthsary natin."

"Thank you..."

That day ay wala kaming ginawa ni Macoy kundi ang mag-enjoy. Nanood kami ng movie at pagkatapos ay naglakad-lakad sa mall.

"Kailan kaya magiging legal ang same-sex marriage dito sa Pilipinas, 'no?" tanong ko kay Macoy habang naglalakad kami at kumakain ng ice cream.

"I don't know..." tila walang buhay na sagot niya.

"Pero naisip mo ba na someday ay ikakasal din tayo at bubuo ng pamilya. Siyempre, mag-aampon tayo ng mga bata. Pero before that, dapat stable na tayo parehas... May sariling bahay at siguro ay negosyo na rin. Ang ganda no'n, 'di ba?" sabay tingin ko kay Macoy.

Napasimangot ako nang makita ko na parang hindi siya interesado sa sinasabi ko. Disappointed ako na parang wala siyang pakialam sa mga pangarap ko para sa aming dalawa.

"Okey! Ako lang yata may gusto ng gano'n!" galit na turan ko.

"Ha? Siyempre, gusto ko rin 'yon, Japoy..."

"Gusto? Eh, hindi ka nga interesado. Ang tamlay mo, para kang halaman na kulang sa dilig!"

"Japoy, please try to understand me. Pagod ako, kulang pa sa tulog. Ikaw naman kasi, sabi ko sa Monday na tayo para may energy ako. Kita mo ngayon..."

"So, kasalanan ko na?"

"Japoy, sorry to say this pero ang selfish mo. Alam mo 'yon? Ang selfish mo! Sarili mo lang iniisip mo sa relasyong ito."

Para akong tinamaan ng kidlat sa sinabing iyon ni Macoy. Kita ko ang inis sa mukha niya na ngayon ko lang nakita. Sa pagkakataon na iyon ay naisip ko ang sinabi niya. Selfish nga ba ako? Ang gusto ko lang naman ay maging perpekto ang relasyon naming dalawa. Ang gusto ko lang naman ay alagaan kung ano ang meron kami hanggang sa pagtanda namin.

"Nakakasakal ka na, Japoy!" aniya.

Napalunok ako. Tila alam ko na ang susunod na mangyayari.

"I need space, Japoy. Kailangan ko munang huminga..."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Cool off muna tayo," sabi niya.

-----***-----

"COOL off? Wow! Uso pa pala 'yan? Para kayong high school! Ilang araw na kayong hindi nag-uusap?" sabi ni Benj isang araw habang nasa bahay ko siya. Magkausap kami sa salas habang kumakain ng fries.

"Three days na bukas. Benj, paano kung... may iba na pala si Macoy at dahilan lang niya 'yong cool off na iyon?" nag-aalala kong turan.

"Eh, ikaw naman kasi! Kung diktahan mo 'yong tao dinaig mo pa si Hitler. Naiintindihan ko naman kahit paano si Macoy. Nasakal lang siguro iyon. Saka, 'wag kang paranoid diyan. Hayaan mo muna na makahinga si Macoy sa'yo."

Nasapo ko ang noo ko. "First relationship ko kasi ito sa same-sex at hindi ko alam kung paano ako kikilos... Kung ano ba ang mga rules sa ganitong klase ng relasyon."

"My God, Japoy! Normal na relasyon man o relasyong bakla, wala 'yang pinagkaiba! Ang pinagkaiba nga lang, ang normal na relasyon walang diskriminasyon samantalang ang relasyong bakla naman ay may diskriminasyon na, may panlalait pa!"

"Alam mo, ang dami mong alam, Benj," natatawa kong turan.

Haay... sa tawa ko na nga lang siguro idadaan ang mga pangamba ko ngayon.

Kontakin ko na kaya si Macoy at makipag-ayos na sa kanya? Pero paano kung ayaw pa niya? Ang hirap naman nito!

Aminado naman ako na medyo nasakal ko siya. Kaya kapag natapos na ang cool off na ito, hindi na ako magiging mahigpit sa kanya. Promise!

TO BE CONTINUED...

When The Rainbow EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon