CHAPTER 12- UnEXpected
NILOLOKO ko lang ang sarili ko na kaya ako nandito sa restaurant kung saan kami magkikita ni Jay ay dahil lang sa wallet ko na nasa kanya. Ewan ko ba, pero gusto ko rin na makita siya ulit or makausap nang mas maayos. Hindi kasi kami nakapag-usap nang maayos nang nasa condo niya ako dahil nagmamadali akong makauwi. Wala namang sigurong masama kung makipagkilala ako sa ibang tao, 'di ba? Kailangan ko din sigurong maglibang at i-divert ang atensiyon ko sa iba para hindi ko naiisip si Macoy.
Kailangan kong magpaka-busy.
Awtomatiko akong napatingin sa wristwatch ko. Ten minutes pa befor mag-one o'clock. Hindi kaya isipin ni Jay na excited akong makita siya kasi nauna ako?
Kailangan kong mag-drama. Doon muna ako sa kabilang street tapos kapag nakita ko siya saka ako pupunta. Tama, ganoon nga.
Pero pagtayo ko ay bigla akong natigilan nang may dalawang tao akong nakita na papasok sa restaurant. Sina Macoy at Theo!
Huli na para magtago ako dahil nakita na ako ni Macoy. Kahit siya ay medyo natigilan nang makita niya ako. Ilang segundo na nagtama ang aming mga mata. Sana nga lang ay hindi niya makita ang lungkot at sakit sa mga mata ko. Sa pagkakataon na iyon ay nakita na rin ako ni Theo. Bigla itong napayuko. Nahihiya siguro ang gago dahil sa hindi nito tinupad ang usapan namin.
Dapat lang naman na mahiya sila sa akin.
Hindi ko na itinuloy ang plano kong pag-alis dahil baka isipin nila ay iniiwasan ko sila. Kung may aalis man dito, sila dapat at hindi ako.
Umupo ulit ako at hinintay si Jay.
Hanggang sa dumating na siya. Agad akong tumayo at kumaway sa kanya. Nakangiting gumanti siya ng kaway at nilapitan ako.
"Sorry, late yata ako," aniya.
"Okey lang. Halos kadarating ko lang din naman. 'Yong wallet ko?"
Napatawa siya. "Nagmamadali ka ba? May taxing naghihintay?"
Umiling ako. "Wala naman."
"Iyon naman pala. Kumain muna tayo. Hindi pa ako nagla-lunch, eh."
"Sige..."
Tinawag na ni Jay ang waiter. Sinabihan ko siya na siya na lang ang umorder dahil hindi naman ako maarte sa pagkain. Pero ang totoo ay first time ko talaga sa restaurant na ito. Hindi kasi ako kumakain dito dahil masyadong sosyal.
Habang umoorder si Jay ay napansin ko si Macoy na nakatingin sa akin. Isang lamesa lang kasi ang pagitan ng table nila sa amin. Nakaharap si Macoy sa gawi ko habang si Theo naman ay nakatalikod sa akin.
Habang magkahinang ang aming mga mata ay hindi ko naiwasan na mag-init ang sulok ng aking mga mata at mabilis na pumatak ang luha. Mabilis ko iyong pinahid pero napansin pala iyon Jay.
"Are you crying?"
"H-hindi. Napuwing lang ako."
"Napuwing? Wala namang alikabok dito, ah."
"Napuwing nga lang sabi ako!" Medyo iritadong pilit ko.
Tinitigan niya ako sa mata at saka niya sinundan ang tinitingnan ko. Lumingon siya sa may likuran niya at alam kong nakita niya si Macoy na nakatingin sa akin.
"You're staring at that guy. Sino siya?"
"Ex ko..." sinabi ko na sa kanya dahil alam kong kukulitin niya ako.
"Sino 'yong kasama niya?"
"Ang ipinalit niya sa akin. Pinagsabay niya kami and unfortunately hindi ako ang pinili niya nang magkabukuhan na."
"Ah, siya ang reason kung bakit ka naglasing." Hinimas-himas pa ni Jay ang baba niya. "Okey, may idea ako," sabay kindat niya.
"Ha?"
Nagulat na lang ako nang tumabi siya sa akin at halos magkadikit na ang aming mga braso. "Anong gagawin mo? Bakit ka lumipat sa tabi ko?" nagtataka kong tanong.
"Gagantihan natin ang manloloko mong ex. Mag-pretend tayo na couple tayo. Alam mo, alam ko ang nararamdaman mo. Two months ago, nakipag-break din sa akin ang ex ko."
"Talaga? Bakit?"
"Saka ko na ikukwento. Okey? Makisama ka na lang. Ayokong magmukha kang kawawa sa harap ng ex mo ngayon. Ipakita mo sa kanya na hindi siya kawalan..."
Napaisip ako. Okey... Alam ko na ang binabalak niton si Jay. Why not?
"Sure. Sige!" sagot ko na may kasamang tango.
Dumating na ang pagkain namin at nag-umpisa na kaming kumain.
Nagulat na lang ako nang bigla akong subuan ni Jay ng carbonara at nang may sauce na naiwan sa gilid ng labi ko ay pinahid niya iyon sa pamamagitan ng thumb niya. Paminsan-minsan ay umaakbay pa siya sa akin at ngingitian ako. Ako naman ay hindi makasabay sa ginagawa niya dahil shock pa rin ako. PDA na kasi itong ginagawa niya sa akin. At oo, medyo tinatamaan ako.
Pero, okey... aktingan lang ito.
Pasimple kong tiningnan si Macoy at nakita ko na masama ang tingin niya sa amin ni Jay. Parang anumang oras ay manunutok na siya. At ang sumunod na kilos ni Macoy ay hindi ko inaasahan. Bigla siyang tumayo at lumapit sa amin.
"Pwede ba?! Kung maglalandian kayo, mag-motel na lang kayo!" dinuro-duro pa niya kami ni Jay.
Magsasalita sana ako pero pinigilan ako ni Jay. "Teka, pare. Sino ka ba?"
Hindi iyon sinagot ni Macoy. Tumingin siya sa akin. "Japoy, ano ito? Ganito mo na ba ako kabilis palitan, ha?" malungkot niyang tanong sa akin.
Napatayo na ako sa pagkakataon na iyon. "At sa'yo pa talaga nanggaling iyan, Macoy. Mabuti nga ako, pinalitan ka nang wala na tayo. Eh, ikaw? Pinalitan mo ako habang tayo pa!"
Hindi nakapagsalita si Macoy.
Wala na akong pakialam kung nakukuha na namin ang atensiyon ng mga ibang tao doon.
Bagsak ang balikat na bumalik si Macoy sa table nito at inaya nito si Theo na umalis na lang.
Para akong tumakbo ng milya-milya nang mawala na sina Macoy at Theo sa restaurant. Pinainom ako ni Jay ng tubig para kumalma ako.
"Okey ka na?" tanong niya.
"Hindi pa..."
"Don't worry, tutulungan kitang maging okey..." hinawakan pa ni Jay ang kamay ko.
Napatingin ako sa kanya. Gusto ko siyang tanungin kung bakit pero pinigilan ko ang aking sarili.
"I like you, Japoy..."
"Jay, p-parang ang bilis naman yata. Kakakilala pa lang natin. Hindi mo pa nga ako kilala ng husto."
"Wala naman akong sinabi na maging tayo agad. Gusto pa rin kitang makilala."
"'Yong wallet ko nga pala. Uuwi na ako."
Inabot niya iyon sa akin. "Friends?" sabay lahad niya ng kamay niya.
Inabot ko iyon. "Friends!" tugon ko. "Sige na, kailangan ko nang umalis."
Kumuha ako ng isang libong piso sa wallet ko at inilagay ko iyon sa ibabaw ng table at agad kong nilisan ang lugar na iyon.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
When The Rainbow Ends
RomanceKapag natapos na ang lahat... Kaya mo pa bang magsimula ulit?