CHAPTER 16- Jay's Birthday
"GRABE 'yon! Natatawa talaga ako kapag naaalala ko iyon!" Hindi pa man tapos magsalita si Louie ay nagtawanan na ang lahat. Ako naman ay pangiti-ngiti lang at pilit na nakiki-relate sa usapan ng mga friends ni Jay.
Sa totoo lang ay gusto ko nang umalis dito pero iniisip ko na lang si Jay at iyong sinabi niya kanina. Kaya nga naman ako nandito ay para sa kanya kasi birthday niya.
Katabi ko sa upuan sa Jay at katabi naman niya sa kabila si Vien-ang ex niya.
Awkward...
Maya maya ay biglang tumayo si Louie at may inilapag itong white envelope sa tapat ni Jay. Kinuha iyon ni Jay at tiningnan lang. "What's this?"
"Two tickets papuntang Thailand. Birthday gift namin sa'yo ni Peachy! Ikaw na ang bahalang pumili ng kasama mo, bro," sagot ni Louie.
Ayon sa sarili kong observation ay girlfriend ni Louie si Peachy. Sweet kasi sila sa isa't isa at talagang nagsusubuan pa. So, sa mga kaibigan ni Jay, siya lang at si Vien ang alanganin na katulad ko.
"Thank you, bro!" pasasalamat ni Jay.
Sunod na nagbigay ng gift si Wendy at Princess. Parehas gift certificate sa isang mamahaling clothing line. Iyong kay Wendy ay worth thirty thousand habang kay Princess naman ay fifty thousand. Si Vien naman ay ang pinaka latest na model ng iPhone ang regalo.
Siyempre, may gift din naman ako para kay Jay pero hindi tamang ibigay ko iyon sa kanya sa harap ng mga kaibigan niya. Nakakahiya! Walang-wala ang reaglong dala ko compare sa mga natanggap ngayon ni Jay. Kaya naman mas hinigpitan ko ang hawak ko sa sling bag kung saan naroon ang regalo ko.
Okey na sana ang lahat kung hindi lang umepal si Vien. Bigla niya akong itinanong kung may regalo ba daw ako para kay Jay.
"Meron naman pero saka ko na lang ibibigay sa kanya kapag kaming dalawa na lang," nakangiti kong sagot.
"So, you mean dala mo ang regalo mo?" Biglang tumayo si Vien at akmang kukunin ang sling bag ko pero iniwas ko iyon.
"Saka na lang talaga..." Nakangiti ako pero deep inside ay napipikon na ako sa ginagawa ni Vien. Hindi ko alam ang gusto niyang palabasin.
"Ang KJ naman ni Japoy!" kantiyaw ni Princess.
"Ilabas mo na kasi!" segunda ni Wendy.
Napatingin ako kay Jay na parang nagpapasaklolo. Gusto kong pigilan niya ang mga kaibigan niya na ilabas ko ang regalo ko para sa kanya. Pero mukhang pati siya ay gusto nang makita kung ano ang itinatago ko sa loob ng aking sling bag.
"Sige na, Japoy... Ilabas mo na ang gift mo para sa akin. Kahit ano pa iyan, buong puso kong tatanggapin dahil galing sa'yo," ani Jay.
Kahit papaano ay nagkaroon ako ng lakas ng loob dahil sa sinabi niya. Nakaka-encourage din ang excitement sa mukha niya. Wala na akong nagawa kundi ang buksan ang bag ko. Mula sa loob no'n ay inilabas ko ang isang birthday card na ako mismo ang gumawa. Kanina ko lang ito ginawa. Nagpabili lang ako kay Benj ng mga ginamit ko sa isang mall.
Excited din naman akong ibigay ito kay Jay noong hindi ko pa nakikita ang mga regalo ng friends niya sa kanya.
Nahihiyang inabot ko iyon kay Jay at nakangiti naman niyang inabot iyon. Binuksan niya iyon at tiningnan ako...
"Happy birthday, Jay. Sorry kung iyan lang ang kaya kong ibigay. Hindi kasi ako nakapaghanda. Kanina mo lang kasi nasabi sa akin na birthday mo ngayon," sabi ko.
"No, Japoy. Wala kang dapat ihingi ng sorry," aniya. "Ito ang best birthday gift na natanggap ko. First time na may gumawa sa akin ng ganito at sobrang nakaka-overwhelm lang na may isang tao na nagpagod para bigyan ako ng ganitong birthday card!"
Biglang sumingit si Vien. "Ang cute ng card. Parang project ng isang elementary student!" At nagtawanan ang lahat.
Halos manliit ako sa kinauupuan ko. Pero si Jay na lang ang inisip ko. Nagustuhan niya ang ginawa kong card kaya wala akong dapat na ikabahala.
-----***-----
NAG-ALISAN na ang mga kaibigan ni Jay at kaming dalawa na lang ang natira sa condo unit niya. Sinadya niya talaga na paalisin na ang mga iyon dahil lasing na. Medyo nagiging maingay na rin.
Nakaupo lang kami sa sofa. Doon siya sa kabilang dulo habang ako ay sa kabilang dulo naman. Isang dipa rin siguro ang layo namin sa isa't isa. Patay ang ilaw at ang tanging liwanag na nagbibigay sa silid na iyon ay ang dalawang lampshades na nasa tabi ng sofa at ang isa ay malapit sa TV.
Nakatingin lang ako sa harapan namin. Hindi ko naman kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanya kaya hahayaan ko na lang na siya ang unang magsalita.
"Japoy..." tawag niya sa akin.
Tiningnan ko siya. "Bakit?"
"Halika... Dito ka sa tabi ko..." Tinapik pa niya ang space sa tabi niya.
Umisod ako hanggang sa magkadaiti na ang aming mga braso. Bigla niyang ginagap ang isa kong kamay at hinalikan iyon.
"Japoy, pasensiya ka na sa mga kaibigan ko, ha. Alam ko, nailang ka sa kanila kanina..."
"Wala 'yon..."
"And thank you kasi pumunta ka dito. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya kasi kasama kita ngayong birthday ko. Alam mo naman na sa maikling panahon na nagkakilala tayo ay naging mahalaga ka na sa akin..."
Nag-smile ako. "Wala 'yon. Ikaw din naman, mahalaga ka na sa akin. Salamat din sa mga bagay na ginagawa mo para sa akin. Napakalaking tulong mo para sa pagmo-move on ko kay Macoy."
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Hinalikan niya ulit iyon. Gumapang ang halik niya sa braso ko. Sa leeg... At sa pisngi. Halos nakahiga na ako sa sofa dahil nakadukwang na siya sa mukha ko. Bahagya niya akong itinulak kaya naman napahiga na ako nang tuluyan.
Walang pagtutol akong nararamdaman. Kahit nang halikan niya ako sa labi ay wala. Tila gusto ko pa nga iyon...
Unti-unti ay ipinikit ko ang aking mga mata para damhin ang sarap ng hagod ng labi at dila ni Jay sa labi ko. Inilagay ko ang isa kong kamay sa batok niya at hinimas-himas iyon. Indikasyon na pumapayag ako sa ginagawa niya.
Nang imulat ko ang aking mga mata ay nagulat ako nang imbes na si Jay ay mukha ni Macoy ang nakita ko. Dahil doon ay bigla ko siyang naitulak.
"Bakit?" nagtataka niyang tanong.
Napatayo ako at nalilitong napatingin sa kanya. "I'm s-sorry, Jay. Hindi ko pa yata kaya. Honestly, habang hinahalikan mo ako ay si Macoy ang naiisip kong humahalik sa akin. Sorry... Sorry... H-hindi pa nga talaga siguro ako nakaka-move on. Sorry..."
"Sshh..." Mabilis siyang tumayo at niyakap ako. "Okey lang... Naiintindihan ko. Sorry din kung naging mabilis ako. "Basta, hihintayin kita, Japoy, hanggang sa handa ka na. I love you, Japoy..." Tumagos sa puso ko ang bawat katagang kanyang binitiwan.
Isiniksik ko ang mukha ko sa balikat niya at napaluha.
"Jay, 'wag ako... May bagahe pa akong dala-dala sa puso ko. Mahal ko pa siya... Mahal ko pa si Macoy."
"Hindi naman ako nagmamadali. Kaya nga 'andito ako para tulungan ka sa pagdadala ng bagahe mo. Hanggang sa kaya mo na iyang bitiwan..." aniya.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
When The Rainbow Ends
RomanceKapag natapos na ang lahat... Kaya mo pa bang magsimula ulit?