CHAPTER 08- From Lovers To Friends

2.1K 86 25
                                        

CHAPTER 08- From Lovers To Friends

AGAD akong nagpunta sa bahay ni Macoy matapos niya akong i-text. Kilala na naman ako ng nanay niya bilang kaibigan niya kaya naman pinadiretso na ako nito sa kwarto ng anak niya.

Pagkapasok ko ay naabutan ko si Macoy na nakadapa sa kama niya. Hindi ko alam kung tulog siya o ano. Nilapitan ko siya at tinapik sa balikat. "Macoy..." tawag ko.

Gumalaw siya ng konti at parang tinatamad na bumangon at hinarap ako. Namumugto ang mata niya na halatang dahil sa sobrang pag-iyak.

"Bakit mo ako pinapunta dito?"

Isang mahigpit na yakap lang ang isinagot niya sa akin at umiyak siya ng umiyak. Ako naman ay may pagtataka na hinaplos siya sa likod.

"Macoy, a-ano bang nangyayari sa'yo?"

Hindi kaya umiiyak siya dahil nasaktan niya ako? Hihingi na kaya siya ng sorry sa akin tapos makikipagbalikan na? Tama kaya ang iniisip ko kanina pa simula nang i-text niya ako?

"Japoy..." sisigok-sigok na sabi niya.

"Ano ba 'yon? Umayos ka nga!" pati ako ay naiiyak na din.

Inilayo ko siya sandali at pinunasan ko ng palad ko ang luha niya.

"Ano bang nangyari? Bakit ka umiiyak?"

"Ang sakit-sakit, Japoy! Nagmakaawa na ako sa kanya, ibinaba ko na ang pride ko pero hindi niya ako tinaggap. Galit na galit siya sa akin!" sa pagitan ng pag-iyak ay nasabi niyang lahat iyon sa akin. Pautol-putol pero lahat ay naintindihan ko. Tumusok pa nga sa puso kong duguan.

"S-si T-theo?"

Tumango siya bilang pagkumpirma.

'Eto na naman iyong pakiramdam na para akong literal na sinasaksak ng kutsilyo sa dibdib. Ang sakit-sakit! So, inaayos pala ni Macoy iyong sa kanila ni Theo pero iyong sa amin ay hindi. Wow!

"B-bakit mo pa ako pinapunta dito?"

"Japoy, I need you... Kailangan ko ng karamay ngayon at alam mong ikaw lang ang nakakaalam ng lahat. Baka magpakamatay na ako sa sobrang sakit!"

Nasasaktan siya hindi dahil naghiwalay kami. Nasasaktan siya dahil wala na sila no'ng isa niya. At ako? Nasasaktan lang...

Niyakap ko si Macoy. Yakap na may kasamang pagmamahal. Martir na kung martir pero kung ito lang ang way para makasama ko siya, ang maging crying shoulder niya, okey lang sa akin. Magtitiis na lang siguro ako kahit ang sakit-sakit na.

Pinakalma ko muna si Macoy bago ko siya pinagkwento. Ako naman ay hinanda na ang tenga ko sa mga maririnig ko. Pero bago iyon ay nag-sorry muna siya sa akin sa lahat ng pananakit niya. Nagpaka-plastic na lang ako nang sabihin kong pinapatawad ko na siya. Paano ko naman kasi siya patatawarin kung 'andito pa rin ang sakit?

Marami siyang ikwinento. Nangarap din daw sila noon ni Theo habang nangangarap kami. Parang proud na proud pa siya sa panloloko niya sa akin, ha. Gusto kong isigaw sa kanya kung gaano siya kawalanghiya ng sandaling iyon pero hindi ko talaga kaya. Kahapon naman daw ay nagkita sila ni Theo. Nakiusap ito na magkabalikan sila pero hindi pumayag si Theo. Ayaw daw nito sa manloloko. Humanga naman ako doon kay Theo dahil tumutupad siya sa usapan namin.

Matapos niyang mailabas ang lahat-lahat sa akin ay nagpaalam na rin ako sa kanya.

Hindi ko na kasi kayang makita pa na nasasaktan siya... dahil sa ibang tao at hindi dahil sa akin.

"Salamat, Japoy... Sana kahit hindi na tayo ay 'andiyan ka pa rin, ha."

"Oo naman... Hindi man tayo hanggang huli, basta maging magkaibigan man lang sana tayo. Friends?"

"Friends..." tugon ni Macoy sa akin.

-----***-----

"TANGA! Tanga! Tanga ka, Japoy!"

"Ang sakit mo namang magsalita, Benj. Saka, pwede hinaan mo ang boses mo. Pinagtitingin na tayo ng mga tao dito sa coffee shop!"

Sa tingin ko kay Benj ay kulang na lang ay sabunutan niya ako sa sobrang gigil niya sa akin. Sinabi ko kasi sa kanya ang nangyari sa huling pag-uusap namin ni Macoy-na magiging magkaibigan kaming dalawa at ako ang naging shoulder to cry on nito dahil broken hearted ito kay Theo.

"Sa lahat ng tanga, ikaw ang pinaka, Japoy! Sinaktan ka na nga ng hayop na iyon, nagawa mo pang makipagkaibigan. Anong klaseng tanga ka, ha?"

"Ang sakit mong magsalita, ha! Ito na lang kasi ang naiisip kong way para mapalapit ulit sa kanya. Hindi naman ako papayag na hanggang magkaibigan na lang kami. Siyempre, kukunin ko ulit ang loob ni Macoy tapos magkakabalikan ulit kami."

Pumalakpak si Benj. "Wow! Magandang plano iyan. At pag nagkabalikan na ulit kayo lolokohin ka niya ulit. Iiyak ka na naman at baka magpakamatay ka na! Japoy, magising ka na nga. Umpisahan mo na ang paglimot kay Macoy, okey? Habang umaasa ka pa kasi na magkakabalikan kayo, mas lalo kang mahihirapan."

"Sa tingin ko naman kasi ay may pag-asa pa kaming magkabalikan," pilit ko pa.

"Gago ka! Kanino ba siya nasasaktan ngayon? Kay Theo, 'di ba? At hindi sa paghihiwalay niyo. Wala lang 'yong makausap kaya ka niya kinakaibigan. Ikaw naman itong tanga, sige, hala! Payag naman agad. Please lang, Japoy, 'wag mo nang hayaan na saktan ka niya ulit."

"Hayaan mo na lang ako, Benj... Gusto ko rin naman ito. Makikita mo, magkakabalikan din kami."

"Ay, ewan ko sa'yo, Japoy! Umalis-alis ka nga sa harapan ko at nanliliit ang tingin ko sa'yong tanga ka!" gigil na turan niya sa akin.

-----***-----

SIGURO nga katangahan itong ginagawa ko ngayon na na nakikipagkaibigan pa rin ako kay Macoy matapos niya akong lokohin at saktan. Siguro nga kailangan niya lang ako ngayon dahil kailangan niya ng karamay. Pero anong magagawa ko? Mahal na mahal ko siya at hindi ako susuko hanggang hindi kami bumabalik sa dati...

"Macoy, what if makipagbalikan sa'yo si Theo?" Minsan ay tanong ko sa kanya habang naglalakad-lakad kami sa mall. Katatapos lang namin na manood ng movie at naghahanap kami ng makakainan.

Halos dalawang linggo na rin pala ang nakakalipas simula nang maghiwalay kami at hiwalayan siya ni Theo. Noong mga unang linggo ay panay ang iyak ni Macoy sa akin tungkol sa paghihiwalay ni Theo. Nakinig ako kahit sobrang sakit. Sa sobrang sakit, parang literal na tino-torture ko ang sarili ko.

"After what he did to me? Pinagtabuyan niya ako nang magmakaawa akong magkabalikan kami... Hindi na. Ayoko nang magkabalikan pa kami,' sagot ni Theo.

Nagmakaawa pala siya kay Theo pero bakit sa akin hindi?

Mas mahal nga niya talaga si Theo kesa sa akin. And that's a fact!

Pero siyempre, natuwa naman ako sa sagot niya sa akin kasi ayaw na pala niyang magkabalikan sila ni Theo. Atleast, nagbunga ang pagtulong ko sa kanya na mag-move on.

"Eh, tayo, Macoy... M-may pag-asa pa ba na maging tayo ulit?"

"Sa ngayon, ayoko muna pero ayokong isara ang puso ko sa'yo, Japoy. Mahal pa kita at hindi iyon basta-basta mawawala. Pero, nag-e-enjoy pa naman ako na magkaibigan tayo, eh. Hayaan mo, kung tayo man balang-araw, tayo talaga," bahagya pa niyang pinisil ang pisngi ko na may kasamang gigil.

Inaya na niya akong kumain dahil gutom na daw talaga siya.

Balang-araw? Kailan naman kaya ang balang-araw na iyon?

Haaay... Pero atleast, hindi na niya babalikan si Theo.

TO BE CONTINUED...

When The Rainbow EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon