CHAPTER 09- Been Fooled
THAT night ay inaya ako ni Benj na lumabas at sa isang videoke bar kami humantong. Kumuha kami ng private room para kahit magwala kami sa pagkanta ay walang mangingialam sa amin. Ganito lang talaga kami magbonding, masaya na kami kahit kaming dalawa lang.
Si Benj ang unang kumanta at parang ayaw niyang paawat. Parang siya lang ang nagbayad at siya lang ang may karapatan na humawak ng microphone.
Anong Nangyari Sa Ating Dalawa, Dahil Mahal Na Mahal Kita at Sino Nga Ba Siya ang mga kinanta niya.
"Nananadya ka ba?" kunwari ay inis na tanong ko sa kanya nang matapos na siya.
"Ha? Bakit?"
"Eh, lahat ng kinanta mo, patama sa akin, eh! Ang sakit, ha. Damang-dama ko."
"Gano'n talaga. Kailangan mong masaktan ng sobra para mamanhid ka na. Ano, kumusta na ang pagpapakatanga mo sa ex jowa mo?"
"FYI, Benj, hindi ako nagpapakatanga sa kanya. Nararamdaman ko na magkakabalikan pa kami..."
"Kailan pa? Pero, sige... push mo lang 'yan, Japoy. Kapag ikaw, nasaktan na naman dahil diyan kay Macoy. Bahala ka na sa buhay mo."
"Hindi na mangyayari iyon..." sabi ko sagay lagok sa beer na nasa bote.
Pero, mukhang nagdilang-anghel si Benj sa sinabi niya.
Wala akong kaalam-alam na sa ikalawang pagkakataon ay lolokohin at masasaktan ako ni Macoy...
After namin na magsawa sa kakanta ay pumunta naman kami sa isang bar na tambayan ng mga bi at gay men na tulad namin. First time kong makapunta sa ganitong lugar. Kahit naman kasi out ako ay never kong naisip na pumunta sa ganitong bar. Pinilit lang talaga ako ni Benj.
"Ang daming gwapo dito. Kahit saan ka tumingin, marami sila!" Kinikilig na turan ni Benj sa akin nang makahanap na kami ng bakanteng mesa.
Ako naman ay palinga-linga lang. Tama siya, ang daming gwapo at dahil doon ay nanliit ako sa aking sarili. Parang hindi naman ako bagay sa lugar na ito. Hindi naman kasi ako kagwapuhan. Pakiramdam ko tuloy ay ako ang pinaka panget dito.
Sa mini stage ay may isang lalaki na kumakanta ng love songs.
Halos lahat ay may mga kalandian. May mga nakikita nga rin akong nasa sulok at naghahalikan na. Lalaki sa lalaki!
Umorder na si Benj ng iinumin namin. Beer and tequilla tapos may pulutan na cheese sticks. Mukhang magpapakalasing yata kami tonight. Bahala 'yang si Benj. Basta ako, hinay-hinay lang sa pag-inom.
Maya maya ay natapos na iyong kumakanta sa mini stage.
Isang bakla na bihis lalaki ang pumalit doon. "Masaya ba kayo mga baklaaa?!" sigaw nito sa mikropono.
Hiyawan ang lahat habang ako naman ay nanonood lang.
"'Eto na ang hinihintay nating lahat... Alas dose na ng hatinggabi at sa oras daw na ito ay maraming pogi ang lumalabas. Kaya uumpisahan na natin ang ating 'Mr. Pogi Of The Night'!"
Hiyawan ulit.
"Okey! Simulan na natin!"
Biglang namatay ang ilaw sa buong bar at isang spotlight lamang ang buhay. Umikot-ikot ang spotlight sa buong bar na parang may hinahanap at tumigil iyon sa isang lalaki na ang table ay nasa pinaka sulok.
Napatingin ako sa lalaki at nakita ko ang gulat sa mukha niya. Well, gwapo naman talaga siya. Maputi, matangos ang ilong at singkit. Tama lang ang katawan niya at nang tumayo siya ay medyo matangkad din. 5'10 siguro sa tantiya.
"Ay!!! Nahanap na ng echoserang spotlight ang ating 'Mr. Pogi Of The Night'! Halika sa stage pogi. Bibinyagan kita!" Tuwang-tuwa ang baklang host. Bumalik na ang mga ilaw sa bar.
Pumanhik na sa stage iyong lalaki. Gwapo nga, kahit sa malapitan.
Pinaghubad siya ng shirt niya at pinababa ang pantalon. Game na game naman na ginawa nito iyon. Halos magkagulo ang mga naroon sa bar. Natahimik lang ang mga ito nang bumaba na ang lalaki at umupo ulit.
So, ganito pala dito... Not bad.
"Parang gusto kong kilalanin ang poging iyon, Japoy!" kinikilig na kalabit ni Benj sa akin.
Tiningnan ko iyong lalaki na naging 'Mr. Pogi Of The Night' at nakita kong may kausap na itong lalaki. "Mukhang naunahan ka na, oh!" natatawang sabi ko.
"Ano ba 'yan?! Kainis!"
"Bagal mo kasi. Sige, diyan ka lang. CR lang ako..."
Iniwan ko muna si Benj. Habang papunta ako sa CR ay may nakipagkilala pa sa akin pero hindi ko masyadong in-entertain. Hindi naman ako pumunta dito para makipag-flirt. Feeling ko kasi, kapag nakipag-flirt ako sa iba ay nagtataksil ako kay Macoy.
Tuloy-tuloy lang ako sa pagpasok sa CR. Lumapit ako sa isang cubicle na ang pinto ay bahagyang nakabukas. In-assume ko na walang tao doon kaya naman nang pagbukas ko niyon at nang may makita akong dalawang tao na naghahalikan at nagulat talaga ako!
"Ay, sorry po!" gulat na sabi ko.
Nagulat din ang dalawa at papagalitan sana nila ako pero hindi na nila naituloy nang makita nila ako.
"J-japoy!" gulat na turan ni Macoy.
Yes, si Macoy ang isa sa lalaking naroon sa cubicle. At ang isa? Si Theo...
Hindi na nila kailangang magsalita. Sapat na ang nakita ko para malaman na may relasyon pa rin sila hanggang ngayon.
"Sige, magpakasaya kayo!" galit na turan ko sabay talikod. Pero bigla akong humarap sa kanila. Humugot ako ng five hundred pesos sa bulsa ko at ibinato iyon sa paanan nila. "'Ayan! Pambayad niyo ng motel!" sabay talikod ko.
"Japoy, saglit!" sabay hawak ni Macoy sa braso ko.
"Bitiwan mo ako, Macoy..."
"Japoy, sorry..."
"Kailan pa?"
"K-kahapon, n-nagkabalikan kami ni Theo."
Lumunok ako, Nag-iinit na ang sulok ng mga mata ko. Nagbabanta na naman ang luha kaya ayokong humarap kay Macoy. "Eh 'di, okey. Kayo na pala ulit. Congrats!" sabi ko.
"Gusto ko... maging magkaibigan pa rin tayo, Japoy. Ayokong mawala ka sa buhay ko. Sinabi ko na iyon kay Theo at okey lang naman sa kanya."
Theo na naman. Isa pa si Theo na iyan, eh! Ang sarap lunurin sa inodoro. Walang isang salita! Well, bagay pala talaga sila—mga sinungaling!
Ipiniksi ko ang braso na hawak ni Macoy. "Pag-iisipan ko, Macoy. Sige, diyan na kayo. May pang-motel na naman kayo, eh. Doon niyo na ituloy iyan!" Mabibigat ang mga hakbang na lumabas ako sa CR na iyon.
Haaay! Ang sakit-sakit!
So, tama nga si Benj... Ginamit lang ako ni Macoy para may mapagsabihan siya ng mga problema niya tungkol kay Theo. At ngayong sila na ulit, hindi na niya ako kailangan. Alam ko.
Ano ba ang gagawin ko? Naguguluhan na ako!
Ipagpapatuloy ko pa ba ito? O hihinto na?
Hindi ko alam... Ang hirap.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
When The Rainbow Ends
RomantizmKapag natapos na ang lahat... Kaya mo pa bang magsimula ulit?