CHAPTER 18- End Of The Rainbow

3.3K 110 60
                                    

CHAPTER 18- End Of The Rainbow

"JAY, parang ayoko nang tumuloy. Kinakabahan talaga ako, eh." Halos hindi na ako maawat sa pagpapawis ng mukha dahil sa sobrang tense ko.

Nasa kotse ako ni Jay kasama siya at nasa tapat na kami ng bahay ng parents niya. Ngayong gabi ay kasama akong magdi-dinner nila sabay na rin ang pagpapakilala niya sa akin sa family niya. Kahapon ko lang nalaman na alam naman pala ng pamilya niya ang pagiging bisexual niya.

Hinugot ni Jay ang panyo sa bulsa ng pantalon niya at pinunasan ang pawis sa mukha ko. "'Wag ka ngang kabahan. Look, pinagpapawisan ka na. Wala ka naman dapat ikatakot." Nilakasan pa niya ang aircon sa loob ng kotse.

"Anong hindi nakakakaba? Ipapakilala mo ako sa parents mo tapos hindi pa naman tayo."

"Eh, kung sinasagot mo na ako, tayo na sana..."

"Jay, napag-usapan na natin ang tungkol diyan. Hindi pa ako handang pumasok sa panibagong relasyon."

"I know... Tinatanggal ko lang ang kaba mo."

Huminga ako ng malalim sabay buga ng hangin. Tumango ako kay Jay at sinabi ko na ready na ako. Kahit ang totoo ay hindi pa. Nakakahiya rin kasi sa parents niya, baka kanina pa kami hinihintay sa loob.

Labis akong namangha sa ganda ng loob ng bahay nina Jay nang makapasok na kami. Halatang pinag-isipan ang design at ang puwesto ng mga kagamitan doon. Nanliit na naman tuloy ako. Sobrang yaman talaga nila.

Isang kasambahay ang nakita ni Jay at tinanong niya ito kung nasaan ang mommy niya.

"Sir, nasa dining area na po. Ang sabi nga po niya ay papuntahin na kayo doon kapag dumating na kayo."

"Okey, salamat, manang!"

Iginiya ako ni Jay papunta sa dining area nila. Doon ay nakita ko ang isang ginang na nakaupo sa pinakadulo ng mahabang dining table na puno ng pagkain. Hindi lang basta mga pagkain kundi masasarap at halatang mga pang-mayaman talaga.

"You're late." Ma-awtoridad ang boses ng ginang na iyon na sure ako na mommy ni Jay. Mataray itong tingnan. Sopistikada at laging nakataas ang noo.

"We're sorry, mommy. Medyo ma-traffic lang po."

Lumapit si Jay sa mommy niya at hinalikan ito sa pisngi.

"Hindi makakapunta ang daddy mo kaya ako lang ang nandito. Umupo na kayo nang makakain na tayo. Lumalamig na ang pagkain!"

Magkatabi kaming umupo ni Jay sa upuan na pinaka malapit sa mommy niya.

"Ah, mommy... Siya nga pala si Japoy. Siya iyong sinasabi ko na nililigawan ko ngayon."

"Magandang gabi po, tita..."

"Don't call me 'tita'. Call me 'madam'. At isa pa, huli na ang pagbati mo sa akin ng magandang gabi. Dapat noong pumasok ka pa lang kanina dito sa komedor ay binati mo na ako. Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo ng tamang asal?"

Napayuko ako at nakagat ang ibabang labi ko. "P-patay na po ang mga magulang ko, madam..."

"Ah, kaya pala! Walang gumagabay sa iyo. Jay, saan mo ba nakilala itong nililigawan mo? Walang galang!"

"Kinakabahan lang po si Japoy, mommy..."

"Kahit na! Ikaw, Jay, pinayagan na kita sa kabaklaan mo pero ayusin mo naman ang taong ipapakilala mo sa amin bilang boyfriend o nililigawan mo! Tatapatin na kita, hindi ko gusto 'yang kasama mo. Mukhang mahirap!"

"'Wag ka naman pong magsalita ng ganiyan sa harapan ni Japoy!"

"At bakit hindi? Para marinig niya ang lahat. Kilala mo kung sino ang gusto ko para sa'yo? Si Vien. Mayaman, gwapo at may sariling negosyo."

When The Rainbow EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon