CHAPTER 10- Hang Over
BUMALIK ako sa table namin ni Benj na nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luha. Ang sakit-sakit...
Pero pagdating ko sa table ay wala na doon si Benj. Hinanap ko siya, sinanay ko ang mata ko sa medyo madilim na bar na iyon. At nakita ko ang hinahanap ko. Nasa isang table si Benj at masayang nakikipag-usap sa isang lalaki. Nagtama ang mga mata namin ni Benj at sinenyasan niya ako na 'wag ko siyang istorbohin. Mukhang nakahanap na agad ang kaibigan ko.
Umupo na lang ako at tumingin sa kawalan.
Napatitig ako sa mga alak na nasa ibabaw ng table.
Parang gusto kong kalimutan ang sakit kahit saglit.
Tama. Magpapakalasing ako. Mag-isa...
Inubos ko ang sampung shots ng tequilla. Noong una ay masuka-suka ako sa lasa pero nang ika-limang shots na ay nasanay na ang lalamunan ko sa lasa. Mabuti pa ang lalamunan, ang daling masanay sa lasa ng alak. Eh, ang puso ko kaya... kailan masasanay sa sakit na ibinibigay ni Macoy?
Nang maramdaman ko na ang epekto ng alak sa aking katawan ay napasandal na ako sa upuan. Parang umiikot na ang paligid ko. Lasing na ako.
Tinawag ko si Benj pero feeling ko ay walang boses na lumabas sa aking bibig.
Shit! Gusto ko nang matulog pero ayokong gawin iyon dito. Nakakahiya. Gusto ko nang umuwi.
Hinanap ko si Benj sa pamamagitan ng paggala ng mata ko sa buong bar pero kahit anino niya ay hindi ko makita. Nasaan na ang baklang iyon? Baka kasama na niya 'yong lalaking kausap niya kanina. Shit siya! Napakabuti naman niyang kaibigan para iwanan akong mag-isa dito.
Hindi ko na talaga kaya. Gusto ko nang humiga sa kama ko at matulog.
Lumabas ako ng bar na iyon nang hindi ko alam kung paano. Siksikan ang mga tao sa loob at makailang beses pa akong nakabangga ng lamesa at tao. Nang makalabas ako ay agad akong sumagap ng hangin at pinuno ang dibdib ko. Pagbuga ko ng hangin ay saby niyon ang pagsuka ko. Sumuka ako nang sumuka at feeling ko'y pati bituka ko ay naisuka ko na.
Nang matapos ako sa pagsuka ay nanghihina na napaupo na lang ako sa may semento. Hindi ko alam pero biglang bumuhos ang emosyon ko at nag-iiyak na ako doon. Nakayuko ako at humahagulhol.
"Hayop ka, Macoy... Manloloko ka! Ano bang nagawa ko sa'yo para saktan mo ako ng sobra-sobra?" mag-isang himutok ko.
Marami pa akong sinabi tungkol sa pinagdadaanan kong sakit hanggang sa may naramdaman akong kamay na humawak sa likuran ko...
Agad akong tumingala. "Benj-" Pero agad din akong natigilan nang makita kong hindi iyon si Benj.
Isang lalaki. Isang estranghero.
"Are you... okey?" Nag-aalangan na tanong ng lalaki sa akin.
Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil medyo madilim sa kinaroroonan namin. Basta ang alam ko ay buo at maganda ang boses niya.
Suminok-sinok ako. "S-sino ka?"
"Nakita kasi kita na sumusuka tapos 'yan, umiiyak ka pa pala. So, mukhang hindi ka okey..."
Itinuon ko ang dalawa kong kamay sa semento at pilit na iniangat ang sarili ko kahit umiikot pa rin ang paligid ko. Tumayo ako para bumalik sa loob ng bar pero dahil sa kalasingan ko ay nagpa-ekis-ekis ang mga paa ko. Muntik na akong matumba kung hindi pa ako naalalayan ng lalaki.
"Oh! Careful! Lasing ka. Amoy alak ka at... suka."
Shit! Nakakahiya!
Okey lang na mag-amoy alak ako. Pero amoy suka? Ibang usapan na 'yon.
Agad kong tinakpan ang bibig ko.
"Tinakpan mo pa, naamoy ko na!"
"Yabang mo!" sabi ko habang nakatakip pa rin ang kamay sa bibig ko.
Pumalag ako sa pagkakahawak ng lalaki dahil nayayabangan na ako sa kanya.
"Hoy, saan ka pupunta?"
Naglakad ulit ako papasok sa bar pero hindi ko pa man nararating ang pinto papasok ay bigla akong inatake ng sobrang sakit sa ulo. Biglang nanlabo ang paningin ko at naramdaman ko na mawawalan na ako ng malay-tao. Nang akmang babagsak ulit ako ay may sumalo sa akin na matitigas na braso...
-----***-----
"OH, SHIT!" Mabilis akong bumalikwas ng bangon nang makita ko na nasa isang hindi pamilyar na bedroom ako.
Mariin akong napahawak sa aking ulo nang bigla iyong sumakit. Napangiwi tuloy ako dahil doon.
"Hang over?"
"Oh, God!" gulat na bulalas ko nang may biglang magsalita.
Isang lalaki na naka-crossed arms ang nakita ko na nakatayo. Nakasuot siya ng blue pajamas at white sando. Nakataas ang buhok niya. Sakto ang puti ng balat at sa tantiya ko ay 5'10 or 5'11 ang height niya. Gwapo. Medyo singkit, matangos ang ilong. Medyo makapal pero mapula at mukhang malambot ang kanyang labi. May simpatikong ngiti na nakapaskil sa kanyang mukha.
"S-sino ka? Nasaan ako?" tanong ko sa kanya habang papalapit siya sa akin.
Hindi naman kaya kinidnap niya ako?
Naging malikot ang mata ko at humanap ng bagay na maari kong gamitin na pang-depensa sa aking sarili.
"Para kang pusang nakakita ng aso. Hindi ako masama. I helped you last night. Lasing na lasing ka. Hindi ko alam kung saan ka iuuwi kaya dito muna kita inuwi sa condo ko."
Natigilan ako sa sinabi ng lalaki. Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya. Tama, natatandaan ko na ang lahat. Siya marahil iyong lalaki na kumausap sa akin sa labas ng bar habang sumusuka at umiiyak ako.
Doon ko napansin na iba na ang suot kong damit.
"Ako ang nagpalit ng damit mo pati brief mo. Don't worry, kung ano man ang meron ka ay meron din ako. Besides, parehas naman tayong bisexual or maybe... gay. Oh, 'wag mo nang itatanggi dahil for bi and gays ang bar na iyon," mahina siyang tumawa. Nakaupo na siya sa gilid ng kama.
Okey. Mas gwapo siya sa malapitan.
Biglang namula ang mukha ko.
"T-thank you," sabi ko sabay tayo. "I need to go."
"No. Mag-breakfast ka muna," at hinawakan niya ako sa braso.
May naramdaman akong maliliit na boltahe na nagmula sa palad niya. Dumaloy iyon sa aking braso at mabilis na kumalat sa buong katawan ko. Napapiksi ako.
"Baka nag-aalala na ang kapatid ko."
"Tawagan mo siya. I helped you. Do me a favor bilang kapalit. Samahan mo akong mag-breakfast, matagal na akong walang nakakasalo sa pagkain... Please..." Bahagya pang lumamlam ang mga mata niya.
Paano ko ba matatanggihan ang ganitong mukha?
"Okey," tipid kong sagot.
Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ng lalaki na nagpatalon sa aking puso.
TO BE CONTINUED...

BINABASA MO ANG
When The Rainbow Ends
RomanceKapag natapos na ang lahat... Kaya mo pa bang magsimula ulit?