CHAPTER 07- Fight For Love

1.9K 78 21
                                    

CHAPTER 07- Fight For Love

GULAT na gulat ako nang isang araw ay sumugod si Macoy sa bahay ko. Mag-isa lang ako dahil nasa school si Nash. Hindi ko inaasahan ang pagsuntok na sinalubong niya sa akin. Galit na galit ang mukha niya na parang napakalaki ng kasalanan na nagawa ko.

"M-macoy, bakit?" nagtataka kong tanong. Sapo ko ang panga ko na natamaan ng kanyang kamao.

"Nagtatanong ka pa kung bakit?! Bakit mo kinausap si Theo? Bakit mo ako pinangunahan, ha?!" dinuro-duro pa niya ako. Halos hindi ako makapaniwala na si Macoy ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Ngayon ko lang siya nakita na may ganoong galit.

"K-kinausap ko lang naman siya para layuan ka, para maayos pa natin ang relasyon natin. At para—"

"Hindi mo dapat ginawa 'yon!" sigaw pa niya. "Alam mo bang sa ginawa mo ay hiniwalayan na ako ni Theo?!"

"Ha?"

"Ano? Masaya ka na? Wala na kami?!"

"Macoy, hindi—" Hinawakan ko siya sa balikat pero umiwas siya.

"At dahil sa pangingialam mo, wala na tayo, Japoy. Break na tayo!"

Agad na naglaglagan ang luha sa mga mata ko. Ito na ba ang sinasabi niya na kapag hiniwalayan siya ni Theo, hihiwalayan niya rin ako?

Tumalikod na siya para umalis. Mabilis ko siyang niyakap mula sa kanyang lukuran. Mahigpit. Ayokong aalis siya dito na hindi kami ayos. Parang 'yong dati lang. Hindi kami pumapayag na matutulog kami na hindi kami magkabati kapag may tampuhan kami. Naniniwala ako na kaya namin ang pagsubok na ito. Tini-test lang kami ni God, alam ko.

"Macoy, please... 'wag mong gawin sa akin ito. Hindi ko kayang wala ka sa buhay ko," umiiyak na pagmamakaawa ko.

"Bitiwan mo ako, Japoy," mahinahon pero may diin na utos ni Macoy sa akin.

"Mahal mo pa naman ako, 'di ba? Ayusin pa natin ito. Macoy naman, eh!"

"Mahal kita, Japoy, pero mas mahal ko si Theo. Bitawan mo na ako!"

Hindi ko siya sinunod. Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Pilit naman niyang inalis ang pagkakapulupot ng braso ko sa beywang niya. Hanggang sa parang nagpambuno na kami. Mas malaki ang katawan niya sa akin kaya naman siya ang nagtagumpay. Malakas niya akong itinulak nang maialis niya ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Macoy, ayusin natin ito, please... Handa naman kitang patawarin, eh!"

"Ayoko na. Wala na tayo, Japoy!"

Iniwan niya akong umiiyak. Awang-awa ako sa sarili ko ng mga sandaling iyon. Ako na nga ang niloko, ako pa ang nagmamakaawa na magkabalikan kami. Ganito na ba talaga ako katanga magmahal? O mas tanga si Macoy dahil minahal ko siya ng sobra pero humanap pa siya ng iba.

-----***-----

"ANONG nangyari sa panga mo? Bakit may pasa?" tanong sa akin ni Benj nang magkita kami sa isang bar nang gabing iyon.

"Sinuntok ako ni Macoy. Nagalit kasi siya dahil sa akin ay hiniwalayan siya ni Theo. Wala na kami, Benj. Hiniwalayan na niya ako!"

"O, 'wag kang iiyak dito. 'Wag kang gagawa ng eksena dito, iiwanan kita! At talagang ang kapal ng apog niya suntukin ka! Sinasaktan ka na nga niya emotionally pati pa naman physically?" ani Benj. "Nagsisisi na talaga ako kung bakit kita ipinakilala sa hayop na iyon. Manloloko! Makating higad!"

Pinigilan ko ang luhang nagbabantang pumatak. Tama naman si Benj, nakakahiya kung dito pa ako iiyak. Ang balak talaga naming dalawa ay mag-inom at magpakalasing. Siyempre, mabuting kaibigan 'yang si Benj kaya sasamahan niya ako sa paglalasing ko. Gusto ko kasi na kahit paano ay makalimutan ko si Macoy at ang sakit na ibinigay niya sa puso ko.

Maya maya ay dumating na ang isang bucket ng beer na inorder namin at pati na rin ang porkchop. Inumpisahan na namin ang pag-iinom.

"So, ano nang balak mo ngayon after ng break up niyo?" tanong ni Benj.

"Susuyuin ko ulit si Macoy. Gagawin ko ang lahat para magkabalikan kami. Iyon naman ang dapat, 'di ba?"

Hinampas ni Benj ng kamay niya ang ibabaw ng lamesa. "Ay, tanga ka! Anong dapat? Alam mo ba kung ano ang dapat? Kalimutan mo na si Macoy. Ipamukha mo sa kanya na nagkamali siya sa panloloko niya sa'yo. Magpapogi ka para maglaway siya ng husto!"

"Nararamdaman ko kasi na mahal pa niya ako, iyon din ang sabi niya sa akin..."

"Pakunswelo de bobo lang niya iyon. Hindi naman siya maghahanap ng iba kung mahal ka pa niya."

"Ang sakit mo namang magsalita!"

"Dahil iyon ang totoo. Basta, 'wag na 'wag mo nang kakausapin ang Macoy na iyan, ha! 'Wag kang tanga, Japoy. Sa akin ka maniwala dahil ilang relasyon sa same-sex na ang dumaan sa buhay ko. Ikaw, isa pa lang."

Hindi ko na sinagot si Benj. Alam ko naman na kokontrahin lang naman niya ako sa lahat ng sasabihin ko. Basta, ipaglalaban ko pa rin ang pagmamahal ko kay Macoy. Magkakabalikan pa rin kami. At handa akong patawarin siya kahit na niloko niya ako. Ganoon ko siya kamahal!

Itinuloy na lang namin ang inuman naming dalawa. Lahat ng sama ng loob ko ay ibinuhos ko sa kanya. Medyo naiyak ako pero pigil lang at napansin ko na pinagtitinginan na kami ng ibang tao na naroon sa bar. Lasing na lasing kami ni Benj nang umuwi kami ng gabing iyon.

-----***-----

PAGGISING ko kinabukasan ay naramdaman ko agad ang bigat at sakit sa aking ulo. Hangover... Bumangon ako at napansin ko na iba na ang suot kong damit. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Naroon si Nash at nagkakape.

Ngumiti sa akin ang kapatid ko. "Kain na tayo, Kuya Japoy. Ako na muna ang nagluto at lasing na lasing ka kagabi. Sumuka ka pa nga kaya nilinisan kita at pinalitan na rin ng damit," aniya.

Busangot ang mukha dahil sa sakit ng ulo na naghilamos at mumog ako sa lababo. "Salamat, Nash. Wala ka bang pasok ngayon? Hindi ka pa yata naliligo..." sabi ko nang dumulog na ako sa hapag kainan.

"Saturday ngayon, kuya. Nagpapatawa ka ba?"

Natulala ako sandali.

Sa sobrang pag-iisip ko sa nangyari sa amin ni Macoy, pati araw ay nakalimutan ko na rin yata.

"Kuya, alam ko ang nangyari sa inyo ni Kuya Macoy. Kwinento sa akin ni Kuya Benj. Ang masasabi ko lang sa'yo, kuya, sundi mo kung ano ang makakapagpasaya sa'yo. Basta, 'andito lang ako lagi..."

Napangiti naman ako sa sinabing iyon ni Nash. Ang swerte ko talaga sa kapatid kong ito!

Nang araw din na iyon, bandang hapon ay isang text message ang natanggap ko mula kay Macoy: Japoy, puntahan mo ako dito sa bahay. I need you... Iyon ang text niya sa akin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko pagkabasa ko ng mensaheng iyon. He needs me daw. Na-realize na kaya ni Macoy na ako talaga ang kailangan at mahal niya?

Thank you, Lord!

"Bakit parang ang saya mo yata, kuya?" puna sa akin ni Nash.

"Ah, eh... wala. Aalis ako, ha. Ikaw na bahala dito sa bahay."

"Ha? Sa'n punta mo, kuya?"

"Basta," nangingiting sagot ko.

TO BE CONTINUED...

When The Rainbow EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon