CHAPTER 04- Celebration Gone Wrong

2K 94 6
                                        

CHAPTER 04

TWO years and six months na namin bukas ni Macoy at talagang excited na ako sa celebration na gagawin namin. Pupunta kami mamaya sa Batanes-ang lugar na pangarap kong mapuntahan. Sabi ko nga noon sa sarili ko, kung magkakaroon man ako ng partner, ang gusto ko ay doon kami titira hanggang sa tumanda na kaming dalawa.

Nag-iimpake na ako ng mga dadalhin ko. Three days at two nights kami doon kami isang medyo malaking maleta ang dadalhin ko.

Nakakatuwa lang na sa unang pagpunta ko sa Batanes ay si Macoy ang kasama ko.

Patapos na ako sa pag-iimpake nang pumasok si Nash sa kwarto ko.

"Oh, Nash, ikaw na muna bahala dito, ah. End of the month na sa makalawa, maningil ka na sa apartment natin," sabi ko sa kanya.

"Alam ko na iyon, Kuya Japoy. Ingat ka doon, kuya. Masaya ako na masaya ka na ngayon."

Napatingin ako sa kapatid ko na ngayon ay third year high school na. Ang bilis talaga ng panahon. Dati ay totoy na totoy pa siyang tingnan ngayon ay may mumunti na siyang buhok sa itaas ng nguso niya.

"Ang drama mo yata ngayon, Nash," natatawa kong turan.

"Wala lang, kuya. Sana nga lang talaga ay magtuloy-tuloy na 'yang kasiyahan mo. You deserve that happiness, kuya."

Sobra akong na-touch sa sinabi ni Nash kaya naman hindi ko napigilan ang aking sarili na yakapin siya.

-----***-----

MATAPOS ang napakahabang biyahe ay narating na namin ni Macoy ang Batanes. Nagpahinga lang kami ng ilang oras sa hotel room namin at lumabas din kami para maghanap ng makakainan. Nakahanap naman agad kami at medyo naparami ang kain namin dahil sa nagutom talaga kami sa byahe.

Habang nagpapababa ng kinain namin ay kinuha ni Macoy ang kanyang cellphone at nag-selfie siya. Nagpicture din kami nang magkasama. After no'n ay tahimik na ulit kami dahil parehas naming ina-upload sa Facebook ang mga pictures.

Ang mga solong selfie pictures lang ang in-upload ni Macoy. Nakita ko sa timeline niya. At ang post niya ng selfies ay may caption na: Batanes! Lunch time...

Alam ko naman kung bakit hindi niya pwedeng i-upload ang pictures namin together dahil magtatanong ang family niya. Hindi pa rin kasi alam sa kanila ang tungkol sa amin.

Isa-isa kong tiningnan ang selfies niya. Ang gwapo talaga ni Macoy. Minsan nga, iniisip ko, hindi naman ako ganoon kagwapo. Sakto lang naman. Pero bakit niya kaya ako nagustuhan. Kapag tinatanong ko naman siya ang sagot lang niya ay: "Hindi ko alam kung bakit mahal kita. At hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit. Isa pa, ayokong magkaroon ng reason kung bakit mahal kita, Japoy. What if, mahal kita kasi sweet ka? Paano kung hindi ka na sweet? Eh di, hindi na kita mahal? Wala... hindi ko alam kung bakit mahal kita!"

Maya maya ay mag nag-like sa picture ni Macoy na kaka-upload niya lang kanina.

Theo Rocess.

Wait... Ito 'yong pinag-awayan namin dati, ah.

At nag-comment na nga 'yong Theo sa photo ni Macoy.

Theo Rocess: Wow! Nandiyan ka na pala. Enjoy! Sayang, hindi mo ako kasama. Joke!

Napatingin ako kay Macoy habang nakakunot ang noo ko. Napansin ko na pinagpawisan siya bigla. Alam kong alam niya na nabas ko na ang comment na iyon no'ng Theo.

"Akala ko ba hindi mo kilala itong Theo na ito, ha? Bakit kung maka-comment sa picture mo ay parang close na close kayo?" nagdududang tanong ko.

Kinuha niya ang baso ng juice at uminom. "Hindi ko sabi kilala iyan. Okey? Kontrolado ko ba ang iko-comment niya? Random comment lang siguro iyan!"

"Wow! Random. At talagang nakasama ka sa random comment niya!" Sumama na ang timpla ko. Kung kanina ay excited ako sa bakasyon namin na ito, ngayon ay hindi na. Naiinis na ako. Feeling ko talaga ay may inililihim sa akin si Macoy tungkol sa Theo na iyon!

"'Wag mo akong umpisahan, Japoy, kung ayaw mong umuwi agad tayo!"

"Eh di, umuwi na tayo! Ako pa tinakot mo?!"

Tumayo na ako at iniwan si Macoy doon. Mabibigat ang mga paa na bumalik ako sa hotel room namin.

-----***-----

"I-UNFRIEND mo ang Theo na iyon!"

Sigaw ko kay Macoy habang nag-iimpake na kami paalis. Wala pa man kaming napupuntahang magandang lugar dito sa Batanes ay uuwi na agad kami. Sira na ang celebration ng monthsary namin. Napakalakas naman ng Theo na iyon at nagawa niyang sirain ang napakaimportanteng araw na ito.

"Hindi ko gawain ang mag-unfriend kung wala namang ginagawang masama ang isang tao!" sumisigaw na rin siya.

"Bakit? Hindi pa ba masama itong sinira niya ang araw natin, ha?!"

"Hindi siya ang sumira sa araw natin kundi ikaw at ang pagdududa mo! Akala ko ba nagbago ka na?! Palala ka nang palala, Japoy! Talagang binibigyan mo ako ng dahilan para hiwalayan ka!"

Natigilan ako sa pagtitiklop ng damit ko. Dahan-dahan akong napatingin kay Macoy na parang nagulat din sa nasabi niya. Automatic na bumagsak ang luha sa mata ko. Nanghihina na napaupo si Macoy sa gilid ng kama habang sapo ang kanyang noo. Nakayuko siya...

"M-macoy..." tawag ko sa garalgal na boses.

"Japoy, mahal kita alam mo iyan. Mahal na mahal kita... Pero, tao lang ako. Napapagod, nagsasawa. At pagod na ako sa pagdududa mong walang basehan."

Parang gusto kong mag-sorry sa kanya nang oras na iyon. Yakapin siya at sabihing kalimutan na lang namin ang nangyaring ito pero iba ang lumabas sa bibig ko...

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ko alam... Hindi ko na alam." Ang sagot niya na dumurog sa puso ko.

Marunong akong umintindi. Alam kong hindi na sigurado si Macoy sa relasyon namin.

Lumapit ako kay Macoy at umupo sa tabi niya. Inabot ko ang isa niyang kamay at umiiyak na hinagkan iyon. Nakayuko pa rin siya. Iginiya ko ang mukha niya paharap sa akin. Inilapit ko ang labi ko sa labi niya.

Walang salitang namagitan sa aming dalawa. Mas gusto ko ang ganito kesa sa nagsisigawan kami. Pero bakit ganoon? Wala akong natanggap na pagtugon sa halik ko sa kanya.
Nang araw na iyon ay natuloy ang pag-uwi namin.

Walang pansinan. Walang pag-uusap na nangyari.

Heto na naman kami. Tampuhan, awayan...

Pero, hindi na ako gaanong natatakot.

Alam ko, bukas o sa makalawa ay magkakabti rin kami. Babalik din kami ulit sa dating kami... 'yong masaya lang.

TO BE CONTINUED...

When The Rainbow EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon