CHAPTER 11- When I'm Alone
HABANG sakay ako ng taxi pauwi ay iniisip ko pa rin si Jay-siya iyong lalaki na tumulong sa akin nang mawalan ako ng malay sa sobrang kalasingan kagabi. Iba kasi ang nararamdaman ko sa kanya. Ganitong-ganito ang naramdaman ko nang una kaming magkita ni Macoy. Gusto ko na ba siya agad?
Lord, parang ang bilis naman yata. Hindi pa ako handa...
Hindi naman kaya nagkakamali lang ako sa nararamdaman ko kay Jay. Naghahanap lang marahil ang puso ko ng bagong love dahil sa broken hearted ako. Ganoon nga lang 'yon siguro. Mawawala din ito.
Maya maya ay isang tawag sa phone ang natanggap ko mula kay Benj.
"Hello, Japoy. Nasa'n ka? Bakit nawala ka kagabi sa bar?" Sa boses niya ay halata ko na kakagising lang niya.
"Sa'yo ko dapat itanong iyan, Benj. Ako ang problema pero iniwan mo ako at nakipaglandian ka doon sa lalaki-" Natigilan ako saglit. Hindi nga pala ako nag-iisa dito sa taxi, may driver tapos ang lakas-lakas ng boses ko. "Hinanap kita kagabi tapos hindi na kita makita," mahina na ang boses ko. Pabulong na nga.
"Eh, sorry naman. Inaya kasi ako ni Kyle sa... alam mo na," at humagikhik pa ito.
Nanlaki ang mata ko. "Kadiri ka talaga!"
"Maka-kadiri? Virgin?"
"Naman!"
"Don't tell me, hindi kayo nag-ano ni... ex mo?"
"Sa akin na lang iyon. Basta, ikaw, malandi ka," biro ko.
"Okey lang na malandi. Atleast, hindi broken hearted. Isa pa, kaya nga ayokong makipag-commit kasi hindi ko kayang makuntento sa isa. Gano'n lang iyon, Japoy. 'Wag kang ano!"
Ganiyan talaga si Benj. Ang daming kalandian. Hindi makuntento sa isa.
"Sana ay magkaroon ka ng HIV para matigil ka!"
"Grabe ka naman. Always safe naman... Bakit ba nasa akin ang topic. Ikaw, saan ka nagpunta kagabi."
Napangiti ako. "Secret!"
"Hala! Lumandi ka din, 'no!"
"'Wag mo akong itulad sa'yo, Benj, okey?"
"Eh, bakit secret? Ikwento mo sa akin 'yan, baklang 'to!"
"Ikukwento ko naman..."
"Kailan?"
"Sa tamang panahon!" At napatawa ako.
Tawa ako nang tawa kahit wala naman masyadong nakakatawa sa sinabi ko kay Benj. Bigla akong natigilan. Parang ngayon lang ulit ako tumawa ng ganito after ng break up namin ni Macoy.
Ilang sandali pa ay nasa tapat na ako ng bahay namin. Pagkapa ko sa bulsa ko para kunin ang aking wallet ay bigla akong namutla dahil wala ito doon. Shit! Naiwanan ko yata sa bahay ni Jay!
Tinapik ko sa balikat ang driver. "Kuya, saglit lang po, ha. Kukuha lang ako ng pera sa loob," sabi ko. Mabuti na lang at mabait ang driver at hindi siya nagalit. Bago ako bumaba ng taxi ay tiningnan ko muna kung magkano ang babayaran ko.
Pagkapasok ko sa bahay ay nakita ko na nanonood ng TV si Nash.
"Oh, kuya, bakit hindi ka umuwi kagabi?" nagulat pa siya nang makita ako.
"I'll explain later." Dire-diretso ako sa kwarto ko at kumuha ng pambayad sa taxi.
Bumalik ako sa taxi at nagbayad.
"Saan ka natulog kagabi, kuya? Tumawag pa nga dito si Kuya Benj, hinahanap ka, eh," ani Nash pagkapasok ko ulit.
Naku naman, idadahilan ko pa naman sana na kay Benj ako natulog pero hindi na pala iyon uubra. "Ah, eh... Sa isang kaibigan." At para hindi na magtanong pa si Nash at dumiretso na ako sa aking kwarto. Gusto ko pang matulog. Gusto ko pang magpahinga.
Pero nang makahiga na ako ay bigla ko namang naisip si Macoy at lahat ng sakit. Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako habang nakatitig sa kisame. Isang piraso ng scotch tape ang nakita ko na nakadikit sa kisame na lalong nagpaluha sa akin. Noon kasi ay sinorpresa ko siya dito sa kwarto ko. Nagsabit-sabit ako ng paper hearts tapos nakasulat doon ang masasaya naming alaala together.
Hinayaan ko lang na umagos nang umagos ang luha ko sa pagbabakasakaling aanurin na rin no'n ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
Bakit kasi ganito? Kapag talaga nag-iisa ako, doon ko mas nararamdaman ang lahat ng sakit.
Marahil, sa mga oras na ito ay magkasama sina Macoy at Theo. Masaya sila, habang ako ay miserable. Ang unfair! Ako ang sinaktan at niloko pero bakit ako ang nagdurusa? Bakit kailangan kong saluhin lahat ng paghihirap?
"Macoy... mahal na mahal kita..." bulong ko.
Kung maibabalik ko lang talaga ang lahat, sana ay hindi ko hinayaan na mangyari ito sa amin ni Macoy. Siguro nga ay nasakal ko siya masyado. May kasalanan din talaga ako.
Naputol ang pag-iisip ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko iyon nang hindi ko man lang tiningnan kung sino ang tumatawag. "Hello?" sagot ko sa garalgal na boses.
"Umiiyak ka?" tanong ng nasa kabilang linya.
Hindi ko kilala ang boses kaya naman nagtataka na tiningnan ko ang screen ng phone ko. Unregistered number. Sino naman ito?
Umubo ako para matanggal ang bara sa aking lalamunan.
"Sino ito?" tanong ko.
"You're crying?"
"Eh, ano bang pake mo kung umiiyak ako? Ang tanong ko ang sagutin mo. Sino ka?" At nagtaray na nga ako.
"This is Jay."
Oh my, God!
Biglang naging abnormal ang tibok ng puso ko. "S-sinong Jay?" kunwari ay nakalimutan ko na.
"Jay Luna. The guy from the bar na tumulong sa'yo nang mawalan ka ng malay. Si Jay na dinala ka sa condo niya at nagbihis sa'yo nang-"
"Okey! Enough! Naaalala ko na!" pigil ko sa mga susunod pa niyang sasabihin. "So, napatawag ka. Wait, paano mo nalaman ang number ko. Are you stalking me?"
"Stalking agad? Hindi ba pwedeng naiwanan mo dito sa condo ko ang wallet mo at may ID ka dito na nakalagay doon ang number mo?"
Nasapo ko ang noo ko sa sobrang pagkapahiya. Masyado naman kasi akong assuming at judgemental. "Okey. Sorry..." sabi ko na lang.
"No worries. Anyways, nasa akin nga ang wallet mo. Don't worry, binuksan ko lang ito para malaman ang number mo at tawagan ka to inform you na nasa akin ito. So, kailan mo ito kukunin sa akin?"
"Pwedeng ipa-LBC mo na lang?"
"Hassle masyado. Lets meet. I know, may isang resto na malapit sa address mo, doon tayo magkita bukas ng lunch time. One o'clock ng hapon."
Magsasalita pa sana ako pero dial tone na ang sumalubong sa akin.
Talagang binabaan na agad ako ni Jay para hindi na ako makatanggi pa.
At mukhang mapipilitan akong makipagkita sa kanya. Bukas!
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
When The Rainbow Ends
Roman d'amourKapag natapos na ang lahat... Kaya mo pa bang magsimula ulit?