CHAPTER 06- Broken Dreams
NOONG hindi ko pa nakikilala si Macoy, kuntento na ako sa buhay ko kasama ang bunso kong kapatid at ilang mga kaibigan. Parang doon na lang umiikot ang mundo ko. Pero lahat ay nagbago nang matuto akong magmahal in a romantic way—kay Macoy. Ang daming nagbago sa akin. Ang daming bagong emosyon na naramdaman ko. Selos, pagdududa, galit at kung anu-ano pa. First love ko si Macoy sa lalaki at hindi ko inaasahan na sa kaparehas ko pa ng kasarian ako masasaktan ng husto…
In-screenshot ko sa phone ang conversations namin ni Theo at si-nend ko iyon sa Facebook Messenger ni Macoy.
Wala nang rason para patagalin ko pa ito.
Kailangan na niyang malaman na alam ko na ang panloloko niya sa akin.
Kailangan na niyang mamili…
Pero sa totoo lang, malakas ang loob ko na papiliin siya dahil alam kong ako ang pipiliin niya. Landian lang siguro ang namagitan sa kanila ng Theo na 'yon. At kami ni Macoy ang tunay na nagmamahalan!
Alas-onse na no’n ng gabi at anytime ay alam ko na makikita na ni Macoy ang mga si-nend ko sa kanya. Ten o’clock kasi ang out niya sa trabaho niya at nakasanayan na namin na mag-chat bago siya matulog.
Talagang hindi ko inaalis ang aking mata sa Messenger hanggang sa maging kulay green na ang bilog na katabi ng pangalan niya.
Online na siya.
Seen…
Macoy is typing…
Macoy: Ano na naman ito? Pagod ako at kadarating tapos ganito ang ibubungad mo sa chat? Konting konsiderasyon naman, Japoy!
Japoy: Ako yata ang kailangang magtanong kung ano ang mga iyan. Ang sabi mo, hindi mo kilala ang Theo na iyan. Bakit iba yata ang sinasabi niya sa sinabi mo?Matagal bago ako nakatanggap ng sagot mula sa kanya.
Macoy: Japoy, sorry…
Japoy: Sorry? So, totoo?
Macoy: Kung ano man ang iniisip mo, 'yon na iyon. Sorry.
Japoy: OK. Mag-usap tayo bukas. Pumunta ka dito sa bahay. Ayokong pag-usapan ito dito.
Macoy: OK.
Japoy: I love you…Seen…
-----***-----
KINABUKASAN, hinihintay ko na dito sa bahay si Macoy. Konti na lang ang kaba ko dahil sigurado akong maaayos namin ito ngayon. Nagsabi siya na pupunta siya dito, ibig sabihin willing siyang ayusin ito.
Maya maya ay dumating na siya. Malungkot ang mukha.
Pinili naming dalawa na sa kwarto ko na lang mag-usap.
Magkatabi kaming umupo sa gilid ng kama.
Hinawakan ko siya sa kamay at tumingin sa mata niya. Umiwas siya.
“N-nakita ko kayo no’ng Theo dati… P-pumasok kayo sa hotel,” panimula ko. Tahimik lang siya. “Nagalit ako, oo, pero may part ng puso ko na naiintindihan ka. Siguro, nagkulang ako sa mga bagay na dapat ay ibinibigay ko sa’yo bilang partner mo. I don’t know kung iyon ang dahilan pero gusto kong magmula sa bibig mo mismo, Macoy. Bakit?”
Halos madurog ang puso ko nang biglang pumatak ang luha sa mga mata ni Macoy. Parang hirap na hirap siya sa hitsura niya. “Japoy, alam ng Diyos kung paano ko ipinaglaban ang pagmamahalan natin. Kahit na palagi tayong nagtatago, totoong naging masaya ako. Pero… napagod na ako sa’yo. Nasakal na ako masyado… Iyon 'yong panahon na nakilala ko si Theo. Naging kami dahil may mga bagay siyang ginagawa na hindi mo ginagawa. Sa relasyon ko sa kanya, doon ko naranasan ang isang relasyon na hindi ako nasasakal…”
Napaiyak na rin ako. Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Ayoko siyang bitiwan. “Macoy, sorry kung nasakal kita. Mapapatawad naman kita, eh. Kalimutan mo na si Theo. Magsisimula ulit tayo. Magiging masaya ulit tayo…”
Umiling siya. “Ang hirap nang magsimula ulit kasama ka, Japoy…”
“Macoy, papipiliin kita… Ako o siya?”
“Hindi ko alam! Hindi ko alam! Nahihirapan ako!” sunod-sunod na pag-iling ang ginawa niya.
“Bakit ka nahihirapan? Ako ang mahal mo, 'di ba? Hindi mo naman mahal si Theo, 'di ba?”
“Mahal ko siya, Japoy. Mahal ko rin si Theo!”
Humagulhol na ako nang sabihin iyon ni Macoy. Pakiramdam ko ay natabunan ng makakapal na ulap ang paligid ko dahil sa walang patid na pagluha ko. Gusto kong pagsasampalin si Macoy pero hindi ko kaya… Hindi ko siya kayang saktan kahit na sinasaktan na niya ako ngayon.
“Macoy naman, eh! 'Wag ka namang ganyan… Kakausapin ko si Theo. Sasabihin ko na layuan ka na niya. Para maayos na natin ito—“
“'Wag mong gagawin iyan! Walang alam si Theo dito. Ang alam niya ay single ako. Kung may dapat man na managot ng lahat ng ito… ako lang. Dahil parehas ko kayong niloko!”
“Macoy…”
“Japoy, kakausapin ko muna si Theo. Sasabihin ko na sa kanya ang panloloko ko sa kanya. At kapag tinanggap niya ako, I’m sorry pero iiwanan na kita. Mas mahal ko siya. 'Yong relasyon kasi natin, polluted na. Hindi na ako masaya. 'Yong sa amin, walang pressure. Walang sakalan.”
Gusto kong isigaw sa pagmumukha ni Macoy kung gaano siya kasama. Napaka selfish niya. Sana naman kasi, no’ng hindi na siya masaya sa akin ay hiniwalayan na lang niya ako bago siya humanap ng iba!
“Eh, paano kung hiwalayan ka ni Theo?”
“Kapag hiniwalayan ako ni Theo… Makikipaghiwalay din ako sa’yo, Japoy. I’m sorry…”
Matapos iyon ay nagpaalam na siya. Iyak ako nang iyak.
Hindi ko akalain na darating kami sa tagpong ganito. Akala ko noon ay habangbuhay na kami. Akala ko, lahat ng pagsubok at pag-aaway namin ay malalampasan naming lahat. Akala ko lang pala ang lahat ng iyon…
Pero, hindi ako dapat panghinaan ng loob. Ipaglalaban ko si Macoy.
Kakausapin ko si Theo.
Agad kong kinuha ang phone ko at binuksan ang Messenger. Sakto na online si Theo. Magulo pa ang utak ko pero gusto ko na talagang makausap si Theo. Uunahan ko na si Macoy na sabihin sa kanya ang lahat.
Japoy: Hi! Sorry at nag-message ulit ako sa’yo. Pero gusto ko lang malaman mo na hindi totoo na may wife na ako. Boyfriend ako ni Macoy. Two years and six months na kami.
Theo: I know that. Noong nag-message ka sa akin ay alam ko na. Hindi ako manhid.
Japoy: So, what’s your plan now?
Theo: Hindi ako martir. Hindi ako tanga. Makikipaghiwalay na ako kay Macoy.
Japoy: Sigurado ka?
Theo: Yes. Alam ko, nagkakagulo kayong dalawa. Ayusin niyo iyan. Mas matagal kayong magkakilala. Basta ako, ayoko na sa kanya. Biktima tayong dalawa ni Macoy…
Japoy: Salamat, Theo. Hayaan mo, maaayos din namin ito. Basta, panindigan mo sana 'yang sinabi mo na ayaw mo na sa kanya.TO BE CONTINUED…
BINABASA MO ANG
When The Rainbow Ends
Roman d'amourKapag natapos na ang lahat... Kaya mo pa bang magsimula ulit?