CHAPTER 13- Shoulder To Cry

2K 85 5
                                        

CHAPTER 13- Shoulder To Cry

MALALAKI ang mga hakbang na nilisan ko ang lugar na iyon. Nasa labas na ako at papatawid sa kabila nang marinig ko ang pagtawag ni Jay sa pangalan ko. Kahit nasa gitna na ako ng kalsada ay awtomatiko na tumigil ako para lingunin siya. Hindi ko alam pero biglang tumakbo palapit si Jay sa akin at hinila ako. Sa lakas ng pagkakahila niya ay natumba kaming dalawa na nasa ibabaw niya ako.

"Magpapakamatay ka ba?!" sigaw niya sa akin.

Halos dalawang inches na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko at naamoy ko ang mabango niyang hininga.

"H-ha?" tulirong react ko.

"Muntik ka nang mabangga ng kotse kasi tumigil ka sa gitna ng kalsada!"

Agad akong tumingin sa pinanggalingan ko bago niya ako hilahin at may kotse nga na nakahinto doon. Sinisigawan ako ng driver na nakadungaw ang ulo sa bintana. Galit na galit pero wala akong maintindihan sa sinasabi niya. Hanggang sa humaharurot na sumibad na ang kotse.

Doon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na tumayo at ayusin ang aking sarili.

"S-salamat. Ikaw naman kasi, tinawag-tawag mo ako. Malamang, lilingon ako!"

"Okey. Sorry na rin. So, uuwi ka na ba? Maaga pa para umuwi."

"Gusto ko lang mapag-isa, Jay..."

Malutong na tumawa si Jay. "You want to be alone, para saan? Para umiyak at para magmukmok. Alam ko na ang kwento mo, Japoy, kahit hindi ka masyadong nagkukwento. 'Wag mong hayaan na maging alipin ka ng kalungkutan. Mas maraming reasons para maging masaya ka kesa malungkot."

"Nasasabi mo lang 'yan kasi wala ka sa sitwasyon ko."

Pero, naisip ko lang, may point din naman si Jay sa sinabi niya. Pagkauwi ko, for sure ay magkukulong lang ako sa kwarto ko. Magmumukmok, titingnan ang pictures namin ni Macoy hanggang sa umiyak na naman ako maghapon.

"Napagdaan ko na iyan, Japoy. Been there. Done that."

"But I'm still there, Jay. Wala pa ako sa 'done that'."

Tumango-tango siya. "Alam ko naman iyon. Kaya nga sabi ko naman sa'yo, eh, tutulungan kita."

"Pero bakit?"

"Anong bakit? Hay! Paulit-ulit na lang ba tayo, Japoy? Ang mabuti pa, sumama ka na lang sa akin," biglang hinila ni Jay ang kamay ko.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa paglimot!" at kinindatan pa niya ako.

-----***-----

HINDI ko inaasahan na sa condo ni Jay kami pupunta. Doon niya ako dinala gamit ang sarili niyang sasakyan. Kanina, habang nasa kotse niya ako ay doon ko naisip na rich kid siya. Paano ko nasabi iyon? Una, may condo siya na malaki at pang-mayaman talaga. Tapos may kotse siya. At ang mga suot niyang damit? Branded. Nagmukha tuloy akong jologs sa tabi niya. Parang nakakapang-liit tuloy.

"Don't worry, wala akong gagawin sa'yo dito..." nakangiting turan ni Jay habang binubuksan niya ang pinto ng condo unit niya.

Pinaupo niya ako sa sofa habang kumukuha siya ng meryenda sa kusina. Pagbalik niya ay may dala na siyang dalawang baso ng orange juice.

"Iniinit ko pa 'yong pizza," aniya. "Uminom ka muna."

Uminom naman ako dahil nauuhaw na talaga ako. Nangalahati ang laman ng baso nang ilapag ko iyon sa maliit na mesa sa harapan namin.

"Siguro, dinala mo ako dito para ikwento ko sa'yo ang lahat-lahat ng nangyari sa amin ni Macoy. Kung paano kami nagkakilala at kung bakit kami naghiwalay," sabi ko.

"Of course not! Hindi ko to-tortu-rin ang puso mo. Saka kaya nga kita sinama dito para makalimot, 'di ba?"

"Mag-iinom tayo? Magpapakalasing? Ginawa ko na iyan pero walang nangyaru. Nalasing lang ako pero hindi nakalimot."

"Alam mo, gawain lang ng mga duwag ang paglalasing para makalimot. Basta, mamaya, makikita mo..."

"A-anong makikita ko?" bigla akong kinabahan sa sinabi niya.

Malakas na tumawa si Jay. "Alam ko ang iniisip mo, ha! Ang green mo naman!" At pilyong ngumiti pa siya.

Biglang namula ang buong mukha ko. Baka isipin niya na ang manyak ko naman na mag-isip.

-----***-----

NANG mainit na ang pizza ay dinala na iyon ni Jay sa salas para mapagsaluhan namin. Hanggang sa nauwi na nga kami sa kwentuhan tungkol sa personal naming mga buhay...

"So, RK ka? Halata naman, eh," sabay kagat ko sa pizza.

"RK?"

"Rich kid. RK. Gano'n..."

"Ang ipokrito ko naman kung sasabihin kong hindi. Yes, mayaman ako. May business ang parents ko pero hindi ako umasa sa kanila. After kong matapos ang engineering course ko ay nagtrabaho ako sa isang company. Nang makaipon ako, doon na ako nagtayo ng isang business."
"Anong business naman?"

"Isang building na pinapaupahan ko sa iba't ibang tao. Alam mo naman siguro 'yon."

Tumango-tango ako. Lihim akong humanga kay Jay. Bata pa siya pero ganito na agad ang narating niya. Pwede naman siyang umasa sa parents niya pero hindi niya ginawa.

"Bakit ang tahimik mo? Hindi ka ba naniniwala sa sinabi ko?"

"Naniniwala. Nakikita ko naman ang ebidensiya, eh. May condo ka, kotse..."

"Mas masarap kapag ang isang bagay ay pinaghihirapan mong kunin. Ikaw, magkwento ka naman about your life."

At dahil magaan na naman ang loob ko kay Jay ay nagkwento na ako sa kanya. Sinabi ko sa kanya na ulilang lubos na kami ng kapatid kong si Nash. At ang bumubuhay na lang sa amin ay ang apartment na naiwan sa amin ng mga magulang namin.

Marami pa kaming napagkwentuhan ni Jay. Sa sobrang dami ay hindi na namin namalayan na gabi na pala. Ala-siyete na to be exact.

"Naku, Jay, uuwi na ako. Gabi na pala!"

Akmang tatayo ako pero humarang siya. "Hindi pa pwede. May ipapakita pa ako sa'yo, eh."

"H-ha? Ano ba kasi iyon?"

Ngiti lang ang isinagot niya sa akin. Hinawakan niya ako sa kamay at magkasabay kaming pumasok sa kwarto niya. Agad akong humanga sa hitsura ng silid na iyon. Maganda at maaliwalas. May sliding door na papunta sa terrace.

Iginiya ako ni Jay papunta sa sliding door. Binuksan niya iyon at agad na humampas sa mukha ko ang mabini at malamig na hangin. Pakiramdam ko ay lumuwag ang aking dibdib. Pumunta kami sa terrace at sumalubong sa akin ang napakagandang tanawin. Parang mga bituin sa langit ang mga ilaw sa ibaba. Ang sarap pagmasdan!

"Maganda, 'di ba?" tanong niya.

"Oo! Sobra!" masayang tugon ko.

"Ang gusto ko, Japoy... isigaw mo dito lahat ng nasa puso mo. Ilabas mo lahat. Huwag mong hahayaan na manatili lahat ng sakit na nariyan..." at itinuro niya ang bandang puso ko.

TO BE CONTINUED...

When The Rainbow EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon