Chapter ThirtyTwo

5K 107 6
  • Dedicated kay All the READERS TT^TT
                                    

Chapter 32

 

 

a/n: Gravity, ang tagal ko nang hindi nag-uUD. Sa sobrang tagal ay nawawala na yung Creative Author Side ko >.< Lagpas 3 months na ata na puro titig lang sa ms word ang nagagawa ko. Ayan tuloy, nawawalan na ako ng readers TT^TT Sorry po, busy din po kasi ako dahil sa gumrduate na ko pero tinatapos ko na po yung story. May listahan na po ako kung pano ko tatapusin yung story, ang kailangan ko na lang po talaga ay yung paglalagay ng laman sa bawat chapters. Sorry po talaga, madalas na po akong mag-uUD niyan since hindi na po ako busy at malapit na po bumalik ang net xD Ang chapter na ito ay pawang walang laman. Piniga ko nap o ang utak ko para maka-alis sa chapter na ‘to at makapagmove on na sa next. Sorry TT^TT [Dedicate? Sa inyong lahat po ang matagal na UD na 'to]

-FanTOP-

“Ano kaya yung meron sa dalawang yun?” matamlay na tanong ko sa sarili ko habang wala sarili na nagsusulat sa papel.

Ilang araw na ang lumipas nung umalis kami ni Justin. Ilang araw na rin ang lumipas na puro sila ni Stephanie na lang ang nasa isip ko. Naiinis na ako sa sarili ko kung bakit hinahayaan kong nais-stress ako masyado sa kakaisip sa kanila. Di lang talaga ako nagtatanong kay Justin pero sobrang nacucurious ako sa  kung ano mang meron sa kanila ni Stephanie.

Wala naman nakukwento sakin si Justin na nagkikita sila ni Stephanie eh, kaya minsan naiisip ko na lang na baka niloloko niya ako. Hindi rin naman ako nagpapahalata na naiinis o naiinip na magtanong sa kanya dahil baka isipin niya na masyado na akong nakikialam sa privacy niya.

“Grabe!!" naiiritang bulong ko habang mahinang sinasabunutan ko yung buhok ko

"Ayoko ng ganito..." malungkot na sabi ko habang nakapatong yung baba ko sa isang kamay ko at patuloy naman sa pagsusulat yung kabilang kamay ko. Nawawala na sa katinuan ang utak ko--

"Ysabella Mendoza" biglang putol ng professor sa pag-eemote ko.

"Po?" gulat na tanong ko kaya bigla ko na lang nabitawan yung ballpen na hawak ko.

"Pakibasa yung next paragraph" nakangiting sabi sakin ng prof ko pero halatang naiinis, napansin siguro na malalim yung iniisip ko... naku hindi ko alam yung page na binabasa nila. Mahinahon ko lang na kinuha yung ballpen na nalaglag ko at saka ko hinawakan yung libro ko nang magulat ako.

"Anong problema Ms. Mendoza?" nakangiti paring tanong sakin ng prof.

"Wa-Wala po sir" nakangiting palusot ko kahit na nabigla ako sa mga nasulat ko sa buong page ng libro ko. Ang malala pa eh "Justin + Stephanie = ?" yung mga nakasulat dun. Sa sobrang focus ko dito hindi ko tuloy alam yung pinapabasa sakin ng professor ko.

Natapos yung klase ko na puro tanong yung isip ko. Kahit na napagalitan na ko ng prof ko, hindi parin talaga ako tumigil sa kakaisip ng tungkol kila Justin. Padabog nalang akong humiga sa kama ko habang pinapalo yung unan. Anak ng tinapa, wala na ba akong ibang balak gawin kundi isipin sila? Itanong ko na lang kaya kay Justin nang matapos na? Sasabihin naman siguro ni Justin yung totoo. Wala naman siguro siyang dapat na itago.

Gangster vs CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon