Chapter 13
“Grabe, lokohan lang?” mataray kong tanong sa sarili ko
“Ano?” tanong naman ni Justin
“Hindi ikaw yung kinakausap ko” pabalang na sabi ko. Ano ba yan, nawawala ako sa sarili ko. Nakafocus kasi ako dun sa lalaking malapit sa professor namin. Syempre tulad ko gulat din ang mga kaklase ko. Pagkapasok na pagkapasok pa lang niya eh may mga kanya kanya na kaming opinyon. Yung iba nagugulat, napapagasp pa yung ilan. Yung iba naman wagas kung makapagbuntong hinginga, kala mo end of the world na at yung iba... nagrereklamo.
“OMG!!” sigaw ng ilan sa mga kaklase kong babae
“Ano ba yan! Bakit hindi babae” reklamo naman ng mga boys
“Class i’d like you too meet...” pabungad nung professor namin. No need i already know that guy.
“Jhake Liardo?!” sabay-sabay na sagot ng mga classmates ko.
“Mam!! Bakit niyo siya tinanggap?” tanong ng isa kong kaklase
“Di siya pwede dito” singit naman nung katabi niya
“Hoy Liardo! Umalis ka na sa kursong ‘to” bulyaw naman ng nasa likod ko.
“Gusto kong gumraduate ‘tol” sabi naman nung isa
Kilalang kilala ang lalaking yan dito sa Drexel. Hindi dahil sa gwapo siya or what’s so ever kung tutuusin height pa lang eh wala na siyang laban. Siya lang naman kasi ang kilalang studyante dito sa Drexel na halos paiba-iba ng kurso. Walang permanenteng pangarap, at may kumakalat ding mga rumors na kapag nilipatan niya ang kurso mo, huh! Good luck. Babatuhin na kayo ng malas. Isa pa madaldal na nga, mayabang pa ang. Kala mo naman kung sinong matalino, eh halos tatlong taon na ngang pashift-shift lang ng kurso. Kaya tignan mo freshman parin hanggang ngayon. May hindi pa ba nakakakilala sa taong ‘to? Kung wala nang mga katanungan tungkol sa kanya, then sasabihin ko hindi po siya kasali sa kwento.
“OA naman kayo” nagulat kami nang biglang nagsalita si Jhake.
“Ayan na magyayabang na ‘to” bulong sakin ni Justin, hindi na ko kumibo instead ay napabuntong hininga na lang ako.
“Hindi ako lilipat sa IT ‘no” sabi pa ni Jhake. Dahil sa sagot niyang yun, eh natigilan ang mga kaklase ko.
“Hindi?” nagtatakang tanong nila
“Sino bang matinong tao ang gustong mag-IT, eh kahit elementary kayang pag-aralan kurso niyo” hirit pa, aba ang yabang nito ha.
“Ang kapal ng mukha mo, Liardo” banas na sabi ng kaklase ko
“Sinong nagsabing sisiw lang ang IT?” naiinis na tanong ng classmate ko
“Oo nga, iharap mo samin ngayon din” sang-ayon ng isa
“Ang sabihin mo lang, di mo kayang mag-IT”
“Sadyang bumabagsak ka lang talaga sa mga pinapasukan mo”
“Tama, kaya nga no choice eh. Kailangan niyang magshift”
“Hahahaha” sabay-sabay na tawa ng mga kaklase ko
“Ha-ha, sige tawa lang. Makikita niyo magtatagal na talaga ako sa kurso ko. At gagraduate ako” confident pang sagot ni Jhake.
“Anong kurso mo nga pala ngayon?” pang-aasar na tanong ng kaharap ko
“Engineering na daw pare” sagot ng katabi niya
“Engineering? Pff. Bagsak ka na ‘tol”
BINABASA MO ANG
Gangster vs Cassanova
Fiksi Remaja[ C O M P L E T E D / F I N I S H E D ~ ] A story about a girl's struggle of love between two guys. Who will she choose if one needs her and she needs the other? Will it be her Cassanova Bestfriend or the Mysterious Gangster. Remember: This is one...