Chapter Three

13.2K 239 8
                                    

Chapter 3

Inaantok pa ako, pero naalimpungatan din kaya sinubukan kong kapain yung cellphone ko para alamin ang oras. Pero hindi ako makabangon dahil may nakapatong na kamay sa bandang tyan ko. Dahan dahan kong binuksan yung mata ko nang matagal na nagprocess sa utak ko yung nakikita ko.

“AHHHHHHHHHHHHHH!!!” Sigaw ko dahil sa gulat nang makita ko si Justin sa harapan ko at kayakap ako . Tinulak ko sya palayo pero ako yung nalaglag sa kama dahil mas malakas siya.

"Umagang umaga ang ingay" pagrereklamo niya. Syempre dahil sa pagpapanic ko wala na kong nagawa kundi ibato ang lahat ng makita ko sa kanya. Alarm clock, pabango, hanger, unan at kung ano-ano. Sinubukan ko ding ibato pati yung cell phone kaso... wag to brand new cellphone ko. Lumabas na ko sa kwarto niya nung napagod ako sa pagbato.

Hindi na ko umuwi samin dahil kung bibilangin ko ang oras mala-late na ko. Nakiligo na lang ako nanghiram ng damit at bumaba na para kumain, pero hanggang dun hindi parin kami nag-uusap.

"Di ka parin ba kikibo?" sagot niya tapos kumain na din siya. Sa totoo niyan kalmado narin ako, kaso nagtatampo pa ako ng konti.

silence.

silence..

silence...

silence....

Tahimik lang kaming kumain pareho. Anu ba naman yan di pa ba uuwi nanay niya, na-iilang na kasi ako eh. Di ko alam kung pano ako magsasalita ulit medyo mahiyain din kasi ako... fragile ba kung sasabihin sa personality.

Narinig ko siya na huminga ng malalim. "Dapat talaga iuuwi kita sa condo mo kaso, anong oras na kaya nun, sa tingin mo lalabas pa ko ng ganun kadilim"

"Ano ka bata? Rekla-reklamong gabi na kala mo naman batang may curfew" eh kung mag-clubbing nga hating gabi na daw umu-uwi sabi ng mama niya.

"Arte mo senti-senti mode ka pang nalalaman" pagrereklamo niya, eh sa ganito ako. May magagawa ka?

"Ano bang gusto mong isipin ko. Babae ako eh, pano na lang kung talagang may nangyari sa atin ng di natin nalalaman. Tapos magkaka-anak ako na ikaw ang ama. Maghihirap tayo, iiwan mo kami ng anak natin. Tapos pag nag-collapsed ako kawawa naman yung bata" sabi ko ng tuloy-tuloy

"Akala mo naman may nangyari? Nasosobrahan ka ng koreanovela kung ano-ano pumapasok sa isip mo. Tsaka di ka ba naiilang ang sagwa ng kwento mo"

"Bakit naman?" nagtataka kong tanong

"Eh kasi imbis na lasing yung mga bida ang sasabihin sa storya nakatulog lang yung babae dahil sa pagod kakatae, diba ang sagwa?" seryoso pero pilyo niyang sagot. Panira ng moment ang KJ!

Naglalakad ako sa hallway na mainit ang ulo dahil sa mga nakakabinging tilian ng mga babae sa school. Yung iba naman nagbubulungan dahil magkasabay kami ni Justin. Di ba nila pwedeng isipin na coincidence lang ang lahat?

"Bakit magkasama sila?"

“Nagkaton lang siguro"

"That's impossible lagi ko silang nakikitang magkasabay, so it's definetely not a coincidence"

Uh-oh si ateng matalino, nakakahalata na. Nag-isip ako ng paraan kaya tinext ko na lang si Justin na mauna na siya at magsi-cr ako. After kong mag-cr umalis na ko ng school at saka ko siya tinext na di na lang ako papasok. Ginawa ko yun dahil sure ako na kung sinabi ko kanina ‘to, sasama sakin yun.

Dumiretso na lang ako sa park malapit sa Drexel at dun nagpalipas ng oras. Mas okay nang dito tumambay since wala naman masyadong tumatambay dito pag umaga. Naglakad lakad ako lang ako nang bigla na lang akong napatid at sumubsob.

"Ang sakit nun!!" pagrereklamo ko kasi naman masakit talaga. Seryoso! pero napansin ko na hindi parin siya ganun kasakit kumpara sa inaasahan ko. Habang nagrereklamo ako may nagrinig akong lalaki na nagsalita sa likod ko

"Ang lakas naman ng loob mong manipa no. Di ka ba marunong tumingin sa dinaraanan mo?" galit na tanong nung lalaki. Talk about manners...

"Sorry sorry... di ko napansin na may nakahiga pala dito" sino ba kasi nagsabing dito ka humiga?! Yabang-yabang wala din naman sa lugar yung ginagawa niya. Habang nagsosorry ako lumingon ako dun sa lalaki para makita niya kung gaano ako ka sincere. Buti na lang at nakita ko yung kinalabasan ng pagiging humble ko kasi napansin kong nabigla siya nung nakita ako. I guess pareho kaming nagulat, medyo nagwapuhan ako sa kanya eh. Siguro napansin niya na maganda ako, o kaya naman nagulat siya sa inasta kong kabutihan.

"Anong ginagawa mo dito?" biglang tanong niya sakin. Hello nagkakilala na ba tayo kuya?

"Erm... ano? Malapit lang dito school ko eh. May problema ba?" sagot at tanong ko sa kanya. Hala ang weird ng lalaking ‘to, nakakapanghinayang tuloy ang kagwapuhan.

"Pinipilosopo mo ba ko?!" sigaw niya sakin.

“Hoy! Ang OA mo makasigaw, hindi naman kita kilala ha” Habang nagrereklamo ako napansin kong nagcurled up yung sulok ng labi niya na parang nagSmirked siya. Parang hindi ata maganda ang aasahan ko dito.

"Mukhang hindi mo talaga ako kilala ha" pasarkastikong sabi niya. Okay, na cu-curious na talaga ako.

"So... Have we met before?" tanong ko

"Hindi pa naman" anak ng teteng wala na. Sira ulo 'tong taong to. Kapag minamalas ka nga naman

"We haven't that's why... tommorow 3:00pm sa harap ng school mo, pag di ka sumipot your dead" WTH ang lakas ng loob niyang utusan ako ha. Who does he think he is? May pa threat threat pa siyang nalalaman.

"Excuse me?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya

"Hindi nga kita kilala tapos kung manakot ka wagas. Di ako natatakot sayo no" pagpapatuloy ko. It's okay Ysabella you don't have to be afraid.

"Wala ka namang idea kung saan ako nag-aaral" pagdadahilan ko, hindi niya naman alam yung school sa pinapasukan ko so chill lang.

"It’s okay, I'll know it soon. Do you have your phone?"

"Ano naman sayo?" tanong ko habang dini-display sa kanya ang oh-so brand new phone ko kaso bigla na lang niyang hinablot sakin.

"Hoy! ano ba sa tingin mo ginagawa mo? Akin na nga yan!" ang kulit niya ha this is really the worst day of my life. After niyang kunin yung phone ko binato niya na lang sakin pabalik, pag to nasira. Wala talagang manners, english pa ng english nasa pilipinas naman siya di mag-tagalog.

"Kung di mo ko kilala. Itanong mo sa mga kaibigan mo, I’m sure they know me" mayabang na sagot niya

"Okay, if your just some e'ffin playboy, then you better not waste your time around me" naiinis na sagot ko

"Hahaha, pasensya na pero mali eh. Try guessing again... Jerome Mackenzie Mangila. Try mong itanong yang name na yan, and you'll find the answer" pagkatapos niyang sabihin yun umalis na siya.

Hay naku! Ang yabang puro hangin lang naman. Mas mayabang pa nga ata kay Justin eh. As if naman na itatanong ko yun, eh wala naman akong kaibigan. Nawalan tuloy ako ng gana, makapasok na lang ng school, dalawang subject palang naman ang namiss ko eh.

--
Read my new oneshot story entitled Thirteen
Posible madugtungan yung oneshot pero depende sa feedback. Thankies

Gangster vs CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon