Chapter TwentyTwo

7.1K 114 3
                                    

Chapter 22

Umupo ako sa couch at halos sumalampak na dun. Nakakapagod shift ko ngayon, bakit parang hectic ata schedule ko nitong mga nakaraang araw? Si Justin naman… ewan ko ilang araw ko nang hindi nakikita eh. Si Jerome? Ganun din, minsan gabi narin kung umuwi at madals hindi na umuuwi. Si Rhea naman niyayaya ko lumabas kanina kaso busy daw. Ayan tuloy nagpapakasubsob na lang ako sa trabaho.

Nung natapos yung break ko sinuot ko na ulit yung apron ko para magserve sa mga customers. “Good afternoon Sir, may I take your order” sabi ko sa customer na mukhang may sapak sa ulo na nagtatago sa menu folder at parang may minamanmanan.

“Ah…  just a cup of coffee” sabi nung lalaki na err… nagtatakip ng mukha

“Ayoko ng coffee” ngawa naman nung kasama niya

“Huwag nga kayong maingay” bulyaw naman sa kanila ng isang lalaki

“Di ko sila marinig eh” dugtong pa niya, binaba ko yung notepad ko at tinignan yung mga lalaki.

“Psst…” sitsit nung isa sa lalaking nagtatakip ng mukha

“Sabi ng wag kayo magulo eh--” di natapos nung lalaki yung pagrereklamo niya nung napatingin siya sakin

“Ysabella, ikaw pala” bungad niya sakin na parang inaasahan na.

“Mukhang busy kayo ha” sabi ko sa kanya sabay tingin din sa mga kasama niya.

“Ikaw ba yung bestfriend daw ni Justin?” sabi nung isang lalaki na medyo namumukhaan ko. Sa pagkaka-alam ko madalas din siyang kasama ni Justin sa school.

“Ako pala si Aaron” masayang sabi niya pero hindi ko siya pinansin at kinausap si Riley.

“Ano nga palang ginagawa mo dito?”

“Tumatambay” sabi niya nang hindi tumitingin sakin, busy kasi sa pagtatakip ng mukha

“Tigilan mo nga yan! Para kang tanga” sabi ko sa kanya habang pilit na hinahatak yung menu sa kamay niya.

“A-ano ba?” naiinis na tanong niya nung mahatak ko yung menu at ngayon naman ay nagtatakip ng mukha gamit ang kamay niya.

“Problema nito?” naguguluhan kong tanong kay Ivan, hindi siya sumagot but instead eh may tinuro siya. Tinuro niya ang isang table malapit sa pwesto nila Riley, dalawang tao at hindi ako makapaniwala sa napansin ko.

“Rhea? Wow ha, ang bilis din ni Seven” manghang sabi ko sa sarili ko, impatient much? Di nakapaghintay sa advice ko.

“Alam mo?!” di makapaniwalang tanong sakin ni Riley

“Na ano? Yung ngayon? Hindi ah, pero alam kong may balak si Seven” sabi ko kay Riley na ikinagulat niya


Rhea’s POV

Dinala ako ni Seven dun sa cafe na pinapasukan ni Ella. Hay… wish ko lang na hindi ako mapansin ni Ella. Or more like, sana hindi siya pumasok ngayon. “S-so…” nag-aalangang sabi  ni Seven sakin

“Bakit mo nga pala ako niyaya ngayon?” malamig na tanong ko habang umiinom.

“Wala lang… masama magyaya ng date” sabi niya kaya naman halos madura ko yung iniinom ko

“Hindi ‘to date okay?” sabi ko sa kanya

“Okay, pero atleast pumayag kang lumabas tayo” sabi niya sabay ngiti, Wag ka ngang ngumiti at baka mas lalo akong mahulog sayo.


*~ Oppa Gangnam Style! ~*

Tugtog ng pagkalakas-lakas sa apat na sulok ng kwarto. Nasa karaoke bar kami, maingay at walang sawang sumasayaw ng gangnam style si Seven. Buti na lang hindi niya public ginagawa ‘to kundi baka iniwan ko na siya. “Tama na nga yan” awat ko sa kanya, daig niya pa lasing at nakadrugs sa ginagawa niya.

Gangster vs CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon