Chapter Eighteen

6.9K 135 3
                                    

Chapter 18

“Bwahahaha!!” walang tigil na tawa ko

“Ako nga ang tignan niyo!!” panggagaya ko sa sinabi kanina ni Justin

“Bwahahaha!! Papatayin mo talaga ako sa kakatawa” sabi ko pa sa kanya habang hawak ko yung tyan ko.

“Mamatay ka na nga sana kakatawa” naiinis na sabi niya sakin

“Hindi niyo ba naiintindihan? Limited edition lang ‘to guys” sabi ko sabay turo ng buhok ko, hahaha di talaga ako makaget-over dun. Hanggang ngayon ginagaya ko pa siya.

“Hahahaha, nung sinabi mo yun di ko alam kung nagpapapansin ka ba o tumutulong eh”

“Pasala--” di ko na pinatapos yung sinabi niya kasi siningitan ko na

“Salamat ha” sabi ko ng sincere sa kanya

“Buti naman nagpasala--” dinugtungan ko ulit yung sasabihin niya

“Pero bakit ang dami mo pang sinabi?!” naiinis na tanong ko

“Di ako madalas sa hotel ‘no!! Isang beses pa lang ako nakakapunta” sabi ko sa kanya

“Bakit di ba totoo? Di ka pa nakakapunta sa isang hotel and restaurant?” naninigurong tanong niya

“Isang beses pa nga lang, pag may event samin dati, sa bahay lang since malaki naman bahay namin diba?” sabi ko sa kanya

“So ano, ako panalo sa bet ha” natutuwang sabi ni Justin

“Okay ka lang? Ako kaya, kita mo ngang nagtatampo ka sa pagkatalo mo kanina” reklamo ko sa kanya at napakamot lang siya ng ulo.

“Isama mo yung speech ko, tignan mo, ako usap-usapan niyan” mayabang na sabi niya

“Ako nga kasi panalo, tignan mo bukas lalamunin ka din ng kahihiyan ng pagkatalo” confident kong sagot sa kanya.

“Umuwi ka na nga lang!!” pagtataboy niya sakin kaya bigla akong may naalala.

“Oo nga umuwi na tayo” sabi ko sa kanya at naglakad na ko palayo.

“Oy! San ka pupunta hindi dyan papunta sa unit mo” sabi niya sabay turo sa kabilang direksyon

“Hindi ako uuwi dun” sabi ko habang patuloy parin ako sa paglalakad

“Uuwi ka na sa bahay niyo?” di makapaniwalang tanong niya

“Ano ka?! Tingin mo babalik pa ko dun?!” sarkastikong tanong ko

“Eh san ka ba kasi pupunta?” naiinip na tanong niya

“Basta!!” sabi ko na lang at umalis na ko


“Anong ginagawa mo dito?!” pambungad agad sakin ni Justin matapos niyang makalabas ng banyo at makasalubong ako.

“Tumatambay” sabi ko lang sabay shrug ng balikat at diretsong nanood ng tv.

“Tumatambay?” naninigurong tanong niya habang nakaharang sa harapan ko

“Oo tumatambay!! Tabi nga nanonood ako eh” pagtataboy ko sa kanya

“Ganun ba...” sabi lang niya

“Last time i checked, hindi naman nagdadala ng maleta ang taong TUMATAMBAY lang sa bahay ng iba” sarkastikong parinig niya habang dinidiin yung ‘tumatambay’.

Anong masama sa pagdala ng maleta? Hindi naman ako magyayayang magtanan eh. Dala ko yan dahil may reasons ako. Well... hindi naman talaga siya technically ‘maleta’ maliit lang siya na suitcase na kasya ang tatlo o dalawang araw na damit. Sinabi ko naman sa kanya ang dahilan kung bakit ako may bitbitin at ang ekspression... speecless!!

Gangster vs CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon