Chapter 38
a/n: At Last!! Bakasyon na, tapos na FINALS pahingi pong himala huhuhu… NakapagUD din, sorry sa 3months delay ang busy ng college <///3 Happy Summer sa lahat!! J [Dedicated kay yhatz_08, sorry po if natagalan >///< ]
-FanTOP-
Justin's POV
"Mauna na kami, nakaistorbo pa ata si Ysabella" dugtong niya at inakbayan na si Ysabella paalis. Bwisit! Ano nanaman ba ang nangyari? Bakit ganito? Hindi ganito ang gusto kong mangyayari ngayon... Gusto ko lang naman magka-ayos kami ni Ysabella eh.~Few hours ago~
Kinausap ko si Rhea para tulungan nya kong makumbinsi si Ysabella. Alam kong hindi pupunta si Ysay ngayon dahil sa tingin ko may problema sya. Ayoko narin sana makialam dahil napagdesisyunan ko na ring iwan sya pero hindi ko maiwasang manghinayang dahil hanggang ngayon mahal ko parin sya.
"Nasan na kayo?" kinakabahang tanong ko, hindi kasi pumayag sakin nung una si Rhea kaya kinakabahan ako at baka magbago isip nya.
[Nasa byahe na kami, nasa drexel ka na ba?] tanong ni Rhea, kanina pa ko nakarating ng Drexel dahil gusto kong kausapin agad si ysabella once na magkita kami dahil alam kong iiwas lang sya kapag pinatagal ko pa.
"Kanina pa ko nan--" naputol ko yung sasabihin ko nang may naramdaman akong yumakap mula sa likod ko.
[Ano? kanina ka pa nan?] tanong ni Rhea sa naputol na sinabi ko
"Sige mamaya na lang Rhea, may aasikasuhin lang ako" pagmamadali ko at binababa ko na yung tawag.
"Anong ginagawa mo dito?!" naiinis na tanong ko pagkatapos kong hablutin yung braso na yumayakap sakin
"It's Drexel's foundation ball justin, hindi ba ako invited?" nakangiting tanong nya habang nakahawak sa bewang ang isang nyang braso.
"Enough with the jokes Steph, ano bang ginagawa mo dito?!" galit na tanong ko pagkatapos ko siyang hatakin papunta sa likod ng GYM, pati ba naman ngayon hindi ako malubayan ng babaeng to?
"Aww, hindi mo ba ako namiss?" nang-aasar na tanong niya
"Umuwi ka na Stephanie, wala akong oras para makipagbiruan sayo" seryosong sabi ko
"Ayoko nga, inaantay ko pa si Ysabella" mataray na dahilan niya
"If this is just one of your stupid jokes i swear, magkakalimutan tayo Stephanie!" galit na sabi ko, alam kong may binabalak nanaman to.
"Tinatakot mo ba ko justin? Hahaha, don't worry hindi mo na kailangang ipaalala sakin yan" natatawang sagot nya, kung di lang dahil sa tatay ko baka nasaktan ko na to. She's too annoying.
"Kiss muna" nakangiting dugtong nya
"What?!" nakakunot na tanong ko
"Simple lang naman diba? Just kiss me and i'll go home, easy" pagpapaliwanag nya habang ako tahimik lang at iniisip yung sinabi nya.
"Ayaw mo?" mataray na tanong niya at hinawakan ko na siya sa magkabilang pisngi.
"You're so easy to manipulate Justin... basta involve si Ysabella masunurin ka" nakangiting sabi niya at pumikit na, the nerve with this woman, Gagawin ko ba talaga to?!
"I'm waiting..." sabi nya habang nakapikit at inaantay na lang na mahalikan. Napabuntong hininga na lang ako at unti unti siyang hinalikan sa labi.
Maya maya lang may narinig akong ingay na parang naglalakad papunta sa direksyon namin kaya tumingin ako sa paligid namin nang mapansin ko si Ysabella sa harapan namin. Shit! sa dami pa ng pwedeng makakita bakit si Ysay pa?!
BINABASA MO ANG
Gangster vs Cassanova
Teen Fiction[ C O M P L E T E D / F I N I S H E D ~ ] A story about a girl's struggle of love between two guys. Who will she choose if one needs her and she needs the other? Will it be her Cassanova Bestfriend or the Mysterious Gangster. Remember: This is one...