Chapter Sixteen

7.8K 147 6
                                    

Chapter 16    

“Come again Sir” matamlay na sabi ko nang makalabas na yung customer

Ewan ko ba, nakakawala ng gana yung sinabi ni Seven. Nakakabadtrip lang tuwing naaalala ko yung kahapon. Akala ko may big issue kaya tinawag silang Crazy Eights. I thought yung group nila yung type na gangster na alam niyo na, sobra talaga kung makipag-away. Crazy kasi eh, although tama yung guess ko about sa 8 members sila. Natural kaya nga eights diba? Pero maliban dun, below expectations pala.

Nawala yung excitement ko umpisa palang ng dahilan niya. Wala pa sigurong five sentences na disappoint na talaga ako. Nagkataon daw kasi na nung kasagsagan ng bagyo last year. Wala daw silang magawa, so ang ginawa nila... naglaro daw sila ng cards. And Crazy eights yung game na nilalaro nila. Since napansin nilang ang kulit lang daw dahil eight din sila, sinakyan daw nila yung joke ng kabarkada nila.

Tinanong ko pa kung ano connect nun sa pagiging famous nila. Ang sabi lang ni Seven, one time daw na nakipag-away sila. Bumanat yung yung kabarkada nila...

“Mabuhay ang Crazy Eights!” sigaw daw. Ayun akala siguro nung naka-away, ayun yung gang name nila. Kaya before they knew it, kumalat na yung mga rumors na isa sila sa magagaling na gang.

“What can I say, totoo naman talaga” naaalala ko pang sabi ni Seven

Just for fun, pinagpatuloy na lang daw nila yung ganung name. Pinaka nagstand-out daw si Jerome, kaya siya yung kinilalang leader. Ay basta, ang lame parin ng reason nila para sakin. Kaya huwag din aasa si Seven na susuportahan ko sya ng sobra sa ineexpect niya. Bahala siyang mapahiya sa mga ipapagawa ko, Rhea pala ha.

“Linggong Linggo at nakabusangot ka diyan” narinig ko sa likod ko

“San napunta yung be cheerful to your customer?” dugtong pa niya lumingon ako sa kanya since sure ako na ako yung kinakausap niya.

“Anong ginagawa mo dito?” bungad ko agad sa kanya

“Masama ba?” inosenteng tanong niya saka biglang umupo sa katabi naming bakanteng table. Kala mo kanya yung lugar eh.

“So this is where you work, alam ba ng kuya mo ‘to?” naninigurong tanong niya

“Syempre hindi. Alam mo naman siguro kung bakit diba?” sabi ko sa kanya

“Eh bakit pati sakin tinago mo?”

“Ayoko lang na may makaalam” simpleng sagot ko sabay upo

“Bakit si Rhea alam? Tsaka yung Jerome na yun” nagtatampong tanong niya at nagpout pa siya

“Si Rhea lang ang sinabihan ko. Sila Jerome naman... hindi ko alam kung pano nila nalaman na dito ako nagtatrabaho” naguguluhang sagot ko

“Pano mo pala nalaman na nagtatrabaho ako dito?” mataray na tanong ko

“Kay Riley” masayang sagot niya.

“Hindi siguro nasabihan ni Rhea” bulong ko sa sarili ko, napansin ko naman na kanina niya pa ko tinititigan.

“Tini-tingin mo? Baka matunaw ako” pang-aasar ko

“Mas bagay kung ganyan, nakakamiss kasi yung dating get-up mo” bigla naman niyang sabi. I know, maganda naman talaga ako eh.

“Sus, sabi nga nila Seven hindi daw bagay sakin eh” banat ko

“Your still pretty for me. Mas okay yan kesa sa contacts” sabi pa niya, hindi ko rin alam kung bakit nagsasalamin lang ako kapag nasa trabaho siguro dahil mas komportable ako dito kesa sa Drexel.

“Hahaha nambola ka pa, sige na kukunin ko na yung order mo” sabi ko tapos pumunta na ko ng counter. Kahit alam kong nagbibiro lang 'tong si Justin minsan gusto ko na lang maniwala at kiligin eh.

Gangster vs CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon