Chapter 28
a/n: Medyo hirap ako sa chapter na ‘to ha. Hindi ko kasi mahanap yung mga words na gusto kong ideliver. But still, kahit nga-nga lang ako sa harap ng computer, mariin kong pinag-isipan ang lahat ng usapan dito. Promise hirap na hirap talaga ako, kaya nga feel ko kulang sa emotion ‘to eh. Buti na lang!! Sakto may nahanap akong song ng paborito kong si Taylor Swift. Medyo sakto sa gusto kong iparating ng character sa inyo [Dedicated pala ‘to kay angerish88, Jerome moment to eh. Di ba sabi mo sakin gusto mo siya ^^ ]
-FanTOP-
“Ysabella…. gising” naririnig kong sabi
“Hmm… inaantok pa ko eh” pagtataboy ko dun sa nanggigising sakin
“Manang kanina pa po ba siya nandito?
“Ah oo, iniwan na nga siya ng kasama niya eh”
“Salamat manang, ako na lang po magbabayad ng mga nagastos nila” narinig ko pang sinabi at pagkatapos nun nakaramdam ako ng may tumatapik sa pisngi ko
“Ano ba?” sabi ko habang nakapikit pa at pilit nilalayo yung kamay niya
“Lasing ka na” narinig ko pang reklamo niya pagkatapos nun, maya-maya lang ay nakaramdam ako na parang may nag-pasan sakin.
“Sino ka? Bakit mo ko pinapasan?” wala sa huwisyong tanong ko
“Ako ‘to si Jerome. Kababaeng tao naglalasing sa kanto” pabalang na sagot niya
“Hindi kaya ako lasing, kaya kong maglakad mag-isa” sabi ko habang nagsisipa sa ere
“Wag ka ngang magalaw, babagsak ka” naiinis na sabi niya sakin kaya tumigil ako sa pagsipa
“Ano bang meron at bakit ka ba uminom?” naiinis na tanong niya sakin
“Uy, concern siya” pang-aasar ko sa kanya habang tinutusok ko pa yung pisngi niya
“Ang kulit mo ha, tigilan mo nga yan” banas na sabi niya pero hindi ko pinansin yung sinabi niya at saka lang ako nanahimik.
“Ewan ko… siguro dahil malungkot lang ako” mahinang sabi ko habang binabaon ko yung mukha ko sa likod niya
“Masama bang magmahal?” biglang tanong ko pero binawi ko din. “A-ano ba ‘tong tinatanong ko wag mo na nga lang yun pansi--”
“Dahil ba sa kanya kaya ka naglasing?” biglang singit niya sakin
“Bakit kasi hindi na lang ako? Ako naman yung lagi niyang kasama dati” bulong ko
“Iiyak mo lang, mahaba-haba pa naman ang lakbay natin eh” sabi lang sakin ni Jerome
BINABASA MO ANG
Gangster vs Cassanova
Teen Fiction[ C O M P L E T E D / F I N I S H E D ~ ] A story about a girl's struggle of love between two guys. Who will she choose if one needs her and she needs the other? Will it be her Cassanova Bestfriend or the Mysterious Gangster. Remember: This is one...