Chapter Twelve

7.9K 161 11
                                    

Chapter 12

“Ysay, ayos ka lang ba talaga?” tanong sa akin ni Justin

“Okay lang ako sabi eh” sabi ko sabay sadsad ng ulo ko sa desk

Sa totoo lang hindi naman talaga ako okay, napuyat kasi ako kahapon dahil sa awayan namin nung damuhong bisita ko. Inaantok ako, gusto kong matulog kaso lang iritado ang pagkatao ko ngayon. Dahil sa di matapos tapos na tanong ni Justin na “okay ka lang?” idagdag mo pa ang maingay na bibig ni Rhea kaninang lunch.

“Hindi pa ba dumadalaw kuya mo?” tanong sakin ni Justin

“Ha? Hindi pa eh”

“Gusto mo samahan kita sa inyo” yaya niya sakin na nakapagpagising ng sistema ko

“Hindi na, okay lang ako!” sabi ko bigla sabay tayo

“Sigurado ka?”

“Hay, wag na makulit” reklamo ko sa kanya

“Sige ka, magka wrinkles ka nyan kaka-worry” asar ko sa kanya

“Ayos lang, basta ikaw ang ina-alala ko” banat ba naman

“Ano ba yan makeso na, ang kunat pa” sabi ko sa kanya

*~Someone's Calling You Gorgeous~*  Walang Mangenge-alam sa Ringtone ko. Eh sa Gorgeous ako

“Sandali lang ha” paalam ko kay Justin tapos sinagot ko na yung tawag

“Hello?”

[Asan ka?] tanong nung tao sa kabilang linya

“Hu u?”

[Si Jerome, tanga!] aba! Kapal talaga ng mukha

“Anong kailangan mo?!” banas na tanong ko sa kanya

[Wala ka bang pagkain sa ref mo? Nagugutom ako eh]

“Ang kapal mo, nakikitira ka na lang. ‘Bat di ikaw bumili ng pagkain mo?”

[Nakakatamad nang umalis eh]

“Walangya namang buhay ‘to” bulong ko sa sarili ko.

[Ano sabi mo?] sagot ni Jerome

“Sabi ko malapit na po” lakas ng pandinig ng bwisit na ‘to, hindi ko alam kung bakit pero bakit nga ba sinusunod ko parin mga utos nito?

[Bilisan mo ha] sabi niya tapos pinatay na niya yung phone.

“Walang modo, binabaan pa ko”

“Sino yun?” tanong ni Justin kaya bigla akong kinabahan

“H-ha? Wala. Wrong number” sabi ko

“Ah, sige kita na lang tayo ulit” sabi ko sabay kuha ng bag at dirediretsong lumabas ng room


Binuksan ko na yung pinto ng unit ko at nagdidiretso sa kusina. Nilapag lang yung pinamili tapos naglakad na ko papuntang sala nang makita ko si Jerome dun na bagong ligo at  nagpupunas ng ulo. Ang nakakatawa nga lang, halatang gulat na gulat at nahihiya siya nung nakita ako.

“Problema mo?” nagtatakang tanong ko habang nakatingin ng diretso sa kanya. Siya naman automatic na tinakpan ng twalya yung katawan niya.

“Wag kang magmodel dito, magbihis ka nga” sermon ko sa kanya tapos humiga ako sa sofa.

“Di ka ba marunong kumatok?” sarkastikong tanong niya

“Hello? Unit ko. Remember?” paalala ko sa kanya

Gangster vs CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon